Kiel's Point of View Itim na rosas ang nakapalibot sa bagong tayong libingan na eksklusibo lamang sa mga miyembro ng angkan ng mga Loong. Katabi nito ang isang luma ngunit marangyang libingan, ang libingan ng kanilang ina. Sinadya nila ni Ciel na pagtabihin ang dalawa upang tuluyan na silang magkasama sa kabilang buhay kung mayroon man no'n. Hindi ko nakikita ang sarili kong ililibing dito sapagkat ang gusto kong maging huling himlayan ay nasa tabi ng mag-ina ko. Napahugot ako ng isang malalim na hininga nang sumiksik na naman ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Nakasuksok sa may bandang dibdib ng coat kong suot ang isang itim na rosas bilang simbolo na namatayan ako ng kapamilya. "May you rest in peace with mother, dad." Bulong ko sa hangin. Ilang lingo na rin ang nakalip

