Zen's point of view Hindi na ako sigurado kung pang-ilang meeting na itong dinaluhan ko ngayon sa buong araw. Hindi magkandaugaga ang buong Underworld Realm simula nang may natagpuan silang sulat mula sa pinakahuling crime scene ng mga tinutugis nilang mga kriminal at kami 'yon. Nasa pinakaunang hanay ako sa meeting kasama ang ibang mga Spider members. Nasa meeting ang mga pinagkakatiwalaan ng pamilyang Loong. Maging ang mga lider mula sa ibang bansa ay pumunta para sa meeting na ito. Nag-eenjoy akong panuorin ang mga kaganapan sa paligid. Si Kiel na napakalalim ang iniisip, si Ciel na kanina pa walang imik at ang bagong dating na Knightmares. Nagkakasigawan na sa meeting room dahil sa mga pagpapalitan ng mga ideya kung paano kami tugisin. Nais kong matawa sa kanilang mga pinaggagawa

