Zen's Point of View Minahal ko siya dahil siya lamang ang hinahanap ng puso ko. Hindi dahil ginusto ko ito pero lahat ng desisyon ko na may kinalaman sa kaniya ay hindi ko ni minsan pinagsisihan. Ang hling ko lang ay mabuo ang pamilyang minsan pinagkait sa aming sa dalawa. Ang pamilyang binuwag man ni kamatayan ay bumabalik pa rin. Alam kong hindi na dapat ako andito. Hindi na dapat ako nabubuhay sapagkat ang aking pagkabuhay ay ang pagkasira lamang ng maraming buhay. Pinili ko noon na humimlay na lamang ng tuluyan pero binuhay ako ni Siren pati na rin ang aking anak. Para sa akin ay ibig sabihin nito ay hindi pa dapat matapos ang buhay ko. Ngayon ko napagtanto ang isa sa mga rason kung bakit pa ako patuloy na humihinga ngayon at 'yon ay ibangon ang pamilyang pinaglaban ng mga nin

