Tahimik lamang si Sam sa kaniyang upuan tila ba may iniisip. Umayos ito ng upo saka malamig akong tiningnan.
“I don’t know what you’re planning but shouldn’t you be the holding his life?”
Saglit kaming nagkatitigan hindi ko alam kung gaano katagal. This time, staring at his cold gray eyes feels so new to me I’d be happy if it stays this way after what I’m going to do. Nauna akong umiwas ng tingin saka kinuha ang isang folder.
“I have my own ways. You and your men should stay out of this. I know how Dark World works. You can never trust anyone in that org.”
“Even you?”
Nahinto ako sa paglipat ng pahina sa narinig ko. Ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin. Tahimik na sinara ko ang folder na aking hawak saka tipid na ngumiti saka naglakad papunta sa labas. Bago ako tuluyang makalabas ng bahay ay muli akong nagsalita.
“Maybe. Maybe I am.”
Paglabas namin ng bahay ay napansin kong tahimik na lumilingon-lingon si Ice sa aming likod. Tila inaabangan kung may susunod sa amin. Nang makalayo kami ay hinarangan nito ang aking daanan dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
“Why don’t you tell them so they can help you?”
Naningkit ang mata ko sa kaniya.
“You know very well I can’t let them be dragged into my mess. At this moment I’m in the middle of two groups of enemies, might be three soon. I don’t want any more blood to be spilled. I want to find my sister, dead or alive and find the one who ordered to kill my parents and my people.”
Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin pero bumuntong-hininga na lamang ito sa huli saka muling nagsalita.
“You’re still poisoned. Good thing you’ve build your immunity to poison it saved your life. I haven’t found the antidote yet.”
Binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Umirap muna ito saka sumagot.
“Don’t worry. I didn’t tell them.”
Mahina akong tumawa at napa-iling sa kaniya saka nagpatuloy na maglakad papunta sa gazebo. Nang makarating kami sa gazebo ay laking gulat ko nang makita si Gina na nag-aayos ng pagkain sa mesa. Saglit na nanatili akong nakatayo roon bago mahinang nagsalita.
“That day, what happened when you all escaped?”
Natigilan ito sa ginagawa at napalingon sa aking gawi. Gumuhit ang gulat at pag-aalala sa kaniyang mukha nang makita ako.
“M-ma’am!”
Tumakbo ito papunta sa akin saka agad akong niyakap. Lalapitan sana ito ni Ice pero umiling ako sa kaniya. Tumango na lamang ito saka naglakad paalis. Narinig ko ang mahihinang hikbi ni Gina habang yakap ako nito. Napangiti na lamang ako saka ginantihan ko siya ng yakap. Nang kumalma siya ay kumalas siya sa aming yakap saka natatawang pinahid ang kaniyag mga luha saka siya ako sinipat mula ulo hanggang paa. Napansin nito ang naka-benda kong braso. Pasimple kong binira pababa ang manggas ng T-shirt ko. Binigyan ko lamang siya ng makahulugang ngiti.
“I’m fine. Gasgas lang ang mga ito.”
Bahagyang hinatak niya ako papasok ng gazebo saka pinaupo sa harap ng mesang puno ng pagkain. Napangiti ako nang makita ang pagkain sa mesa. Nilingon ko si Gina na nakatayo lamang sa aking gilid at itinuro ang upuan sa aking harap. Nagaalangan pa ito kung susundin ako o hindi. Naatawa na lamang ako ng mahina.
“Don’t worry. You won’t get in trouble. I promise you. Tell me what happened to you guys and what happened while I’m passed out.”
Tumango ito saka naupo sa aking harap. Nagsimula na din akong kumain habang nagkukwento ito. Nalaman kong nahuli nga sila Gina ng mga kalaban pero bago pa sila tuluyang dalhin sa malayo ay naharang ang kanilang sasakyan ng grupo nila Xin at Chance kaya nasagip rin sila nito. Pero may iilan na binawian ng buhay dahil sa nanlaban ang mga ito.
“Ilang araw din pong naging usap-usapan ng mga tauhan ni Sir na Bukod sa lider ay halos kalahati ng tauhan na sumugod rito ay kayo daw po mismo ang pumatay sa kanila. Pagdating nga daw po nila sir ay yung mga kalaban eh nanginginig sa takot.”
Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain sa kaniyang sinabi. Naibaba ko ang kubyertos saka kunot-noong nagsalita.
“I don’t remember doing that except from the time I killed their leader.”
Mabilis na umiling ito.Mas lalong nangunot ang aking noo.
“Hindi po ma’am yung pinsan ko po na tauhan ni sir, kasama po siya dito nung nagpa-iwan kayo. Kita niya po ang nangyari. Kaso huli na po namin nalaman na nalason ho pala kayo.”
Tipid na nginitian ko lamang ito at umiling sa kaniya.
“I have built a resistance against poisons. What happened is nothing to worry about. Isa pa, okay na ako.”
HIndi ito makapaniwala sa narinig.
“Lason ma’am?! Paano?”
Mabilis na sinenyasan ito na tumahimik saka pasimpleng lumingon sa paligid.
“Shh, quiet. I was trained way before. I think it started when I was 5 years old without me knowing. Hindi ko kasi alam na merong Dark World at hindi rin iyon ipinaalam sa amin ng aming parents. I thought noon natural lang na nagkakasakit ako yun pala pakonti-konti nilalagayan ng lason ang pagkain namin. Nakalakihan namin na ganun. Nito lang namin nalaman na kaya pala nagkakasakit kami, sinasanay na pala kami sa ganung sitwasyon dati pa.”
Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan saka lumapit sa akin at kinuha ang aking pulsuhan saka kinapa iyon.
“You know how to check pulses?”
Ngumiti ito sa akin pero hindi ako sinagot. Ilang saglit pa ay parang hindi ito makapaniwala sa nalaman.
“Pero ma’am, may lason ho parin kayo sa katawan.”
Nanatili lamang ako nakatingin sa kaniya at nag-iisip kung ano pwedeng sabihin. Hinatak ko pabalik sa akin ang aking pulsohan.
“Ahh. The poison inside my body can control the effects of any poison I’ll take. It’ll take time for the poison to be fully in effect.”
Tumango-tango na lamang ito saka natahimik sa tabi. Wala sa sariling napahawak ako sa aking pulsohan. Timing naman na kita ko mula sa aking puwesto ang pagbukas ng gate at pumasok mula doon ang isang pamilyar na sasakyan. Pero hindi pa man tuluyang nakahinto ang sasakyan ay agad na bumukas ang pito nito sa bandang likuran. Lumabas roon si Tala saka nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Tita sa kaniya dahil doon. Nang makahinto sa harap ng pinto ng bahay ang sasakyan ay nagmamadaling bumaba si Tita ng bahay at agad na pumasok sa loob. Si TIto naman ay naiiling na bumaba ng sasakyan.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako na nakatingin sa nakita. Kinuha ko ang table napkin sa mesa saka marahang pinahid iyon sa aking bibig saka bumaling kay Gina.
“Take the food away. Tala and Tita will come running here soon.”
Nakangiti itong tumango sa akin saka nagmamadaling nilinis ang mesa. Kinuha niya ang lahat maliban sa mga tea cookies at juice. Saktong pagka-alis ni Gina ay saka naman lumabas si Tala mula sa bahay. Muntik pa itong matisod sa kamamadali. Hindi malaman ng mga nakasunod sa kaniyang katulong ang gagawin. Pero patuloy parin siya sa pagtakbo papunta sa akin. Ibinaba ko ang baso ng iniinom kong juice sa tumayo para salubungin si Tala.
Nang makalapit ito sa akin ay tumalon ito saka ako niyakap. Nagpapanic na lalapit sana ang mga katulong pero itinaas ko ang aking kamay at sumenyas na huwag nang lumapit sa amin. Tumango na lamang ang mga ito saka yumukod at umalis. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Akmang ikakalas ko sana ang kaniyang pagkakayakap sa akin pero hindi ko na tinuloy nang marinig ko ang mahinang paghikbi nito.
“Ate do you know we’ve been waiting for you to wake up for a week now?”
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa naring. I had a gist that I was out for more than three days pero laking gulat ko parin na makumpirma iyon kay Tala. Nanatili lang kaming dalawang nakatayo at magkayakap sa gazebo. Ilang minuto pa ang lumipas ay kumalma rin ito sa pag-iyak. Nginitian ko lamang siya.
“Don’t cry. I’m now safe.”
Umiling ito sa aking sinabi saka lumayo sa akin.
“I’m sorry ate for crying. I witnessed kasi how you we’re almost dead and I saw how my Kuya did everything to save you and the panic when Ate Ice saw you in that state.”
Nginitian ko lamang siya at tinanguan. Tahimik na inayos ko ang kaniyang buhok na nagulo dahil sa kamamadali kanina. Hinatak ko siya papunta sa upuan na kanina inupuan ni Gina tinabihan ko ito ng upo saka nagsalita.
“That wound on your arm, that’s it right?”
Agad na inayos ko muli ang manggas ng aking t-shirt saka tipid na ngumiti sa kaniya. Tumango na lamang siya saka kumuha ng cookie sa mesa saka kinagat iyon.
“You know ate, I know my kuya is crazy but when I saw what he did when you were passed out and fighting for your life, I realized he’s not at the peak of his craziness all this time. I almost forgot he’s just like you. He could kill anyone at anytime.”
Natigilan ako sa pag-inom ng juice sa narinig. Napansin niya yata ang pagtataka ko sa narinig kaya umayos siya ng upo at inilapag ang nakagatan nitang cookie sa platito na nasa harapan niya saka pinagpag ang kaniyang damit bago muling nagsalita.
“He almost killed our doctor when you still didn’t woke up on the third day. Buti nalang ate Ice is there she stopped my brother from killing him. After that day, most of the time, he stayed at your room. I don’t know if he sleeps eh. We always see him looking at you while you were sleeping. Kahit si Mom na gustong-gusto kang makita, kuya would always push her away from your room.”
Napailing nalang ako sa naring saka mahinang natawa.
“You should’ve try chaining him up and locked him in a room. Problem solved.”
Sabay kaming natawa sa aking sinabi pero agad ring natahimik si Tala saka napa-inom ng juice. Natahimik ako nang mapansing may dalawang kamay ang nakahawak sa magkabilang gilid ng aking upuan. I also felt he leaned in to my ear then he whispered.
“I don’t mind getting chained by you.”
Mahinang natawa ako sa kaniyang sinabi saka napa-iling. Lumayo siya sa akin saka umupo sa aking tabi. Kinuha nito ang baso sa aking harapan saka nilagyan iyon ng juice at uminom roon. Hindi ko napigilang mapa-irap sa nakita. Aabutin ko sana ang cookie kaso inunahan naman ako ni Samael. Parang bata pa itong nakangiting nakatingin sa akin bago kinagat ang cookie niyang hawak. Sa puntong iyon, ibinaling ko na lamang ang tingin kay Tala na ngayo’y masamang nakatingin kay Sam. Bahagya akong tumalikod Kay Sam saka tahimik na kumuha ng cookie. Napatikhim muna si Tala bago nagsalita.
“Kuya, now that Ate’s awake you can’t say no to Mom now.”
Napakunot ang aking noo sa narinig saka pasimpleng sinulyapan si Sam. Nilapag nito ang hawak na cookie sa platitong nasa harap niya saka bumuntong-hininga.
“Yeah, yeah. We’ll move there maybe tomorrow.”
Napantig ang tenga ko sa narinig. Nagtatakang napabaling ako kay Sam.
“Moving?”
Nagkatitigan muna ang magkapatid saka sabay na umiling.
“Mother wants you to stay at my parent’s house in the meantime. I’ll have this house renovated and clean some traces.”
Natahimik ako saka napa-isip. I have to think if I should lead the Vistas to their place. But I don’t want to have an unnecessary crossfire when that happens.
“Iha!”
Agad akong napalingon sa gawi ni Tita. Kita ko din sa di kalayuan si Gina at ang kaniyang mga kasama na may mga dala-dalang bag at ipinapasok iyon sa likuran ng van na sinakyan nila Tita kanina. Nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na bag na pinasok sa van. Bago pa man ako makapagsalita ay agad na niyakap ako ni Tita.
“Iha finally you’re awake. May masakit ba sa iyo? Tell Tita so I can help.”
Ngumiti na lamang ako sa kaniya saka umiling. Nadapo naman ang tingin ni Tita sa aking likod kung saan nakaupo si Sam saka sinamaan ito ng tingin. Nagkibit-balikat si Sam saka nagpatuloy sa pagkain ng kaniyang hawak na cookie. Naglakad si Tita papunta sa katapat kong upuan saka naupo roon. Agad naman siyang sinalinan ng juice ng kasama niyang katulong.
“After eating, we’ll go to the mansion. Doon ka na muna magstay Iha in the meantime habang nirerenovate pa ang lugar na ito.”
Agad na napa-angat ang aking tingin kay Tita saka sinulyapan ko si Tala na tahimik na sumisimsim ng juice. Nang ibinaling ko ang tingin kay Samael saka binigyan siya ng makahulugang tingin saka pasimpleng umiling sa kaniya. Agad na sumeryoso ito at napa-upo ng maayos. Muli akong bumaling kay Tita na tahimik na kumakain ng cookie.
“U-hm Tita pasensya na po pero I think it’s not wise for me to move sa inyong mansion. There’s still someone chasing after me.”
Biglang sumeryoso ang mukha ni Tita. Nawala ang ngiti nito sa kaniyang labi. Saka medyo malakas na nilapag ang baso sa mesa. Tala flinched. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Sam sa aking kamay pero di ko siya tinapunan ng tingin.
“The safest place here in the island is our mansion. Are you questioning our men?”
Agad na tumayo ako at yumuko ako saka nagsalita. Nanatili lamang na nakahawak sa aking kamay si Sam.
“I dare not po Tita. I just don’t want other people to get dragged in my issues.”
Nanatili lamang akong nakayuko. At tanging nakakabinging katahimikan lamang ang aming naririnig. Tumayo si Sam at hinila ang aking kamay at akmang aalis ng gazebo. Pero nanatili lamang ako sa aking puwesto. Napatayo at sinigawan ni Tita si Sam pero hindi niya ito pinansin at nakatingin lamang sa akin saka mariing nagsalita.
“Stop being stubborn and just stay at my family’s mansion, Noirelle.”
Napa-angat ang tingin ko sa kaniya umiling. Akmang hihigitin ko pabalik ang aking braso ay malakas niya akong hinatak paalis sa gazebo. Pilit ko namang kinakalas ang pagkakahawak niya sa akin.
“Let me go Azazel.”
Tahimik lamang ito at patuloy sa paglalakad. Napa-irap ako saka muling nagsalita.
“Fine! I will stay at your mansion. Now, let me go Az.”
Tumigil ito sa paglalakad saka humarap sa akin. Tinitigan niya muna ako saka ngumiti at binitawan ang aking braso. Tinawag nito si Gina na nakatayo sa may van. Agad namang lumapit sa kaniya si Gina saka yumukod.
“Make sure she won’t get out of the mansion or you will be punished.”
“Opo sir.”
Sinamaan ko lang ito ng tingin. Ngumisi siya sa aking saka naglakad papasok ng bahay. Pagtalikod niya ay itinaas ko ang naka-kuyom kong kamay at akmang susuntukin siya pero naiinis na ibinaba ko agad iyon saka bumuntong-hininga at kinalma ang sarili. Napasulyap ako kay Gina na ngayon ay nakatingin lamang sa akin. Tumikhim ako.
“I assume ipinaayos sa inyo ni Tita ang gamit ko.”
Tumango ito sa akin na akin namang ikina-iling sa muli akong nagtanong.
Glad I disposed that message.
“Everything is in here?”
“Yes po ma’am.”
Nakaramdam ako ng magagaang na yapak sa hindi kalayuan. Nang lingunin ko ang direksyong iyon ay nakita ko naman si Tito na seryosong nakatingin sa akin. Agad akong yumukod sa kaniya saka siya binati.
“Hello po Tito.”
Marahan niyang tinapik ang aking balikat bahagya ko siyang tiningala saka napaayos ng tayo. Kita kong sinipat niya ang kabuuan kong katawan.
“I heard about what happened. You’re hurting somewhere? Sorry ha, I have to make sure since I saw my wife freaked out when she heard about the news. She almost jumped from the window nung nalaman niya ang nangyari.”
Mahina naman akong natawa sa kaniyang sinabi saka umiling.
“Si Tita talaga. Wala naman na pong masakit sa akin. I just need rest for now since they put something in the blade.”
Napakunot ang noo nito sa akin. Nagtaka naman ako. Does he know?
“What blade cut you?”
“Tsurugi blade.”
Tumaas ang isa niyang kilay saka tumango sa aking sinabi.
“I know that the Dark World use that blade with poison in it. I grew to be immuned with it but the one in that blade is different Tito. Do you know something or someone that’s a present holder of the same blade?”
Sumulyap si Tito kay Gina saka tinanong ito.
“Is what she saying is true?”
Sabay turo sa akin. Sumulyap muna sa akin si Gina bago tumango.
“Opo Sir. Tiningnan ko po ang pulso niya kanina. May lason parin po sa sistema ni ma’am pero hindi naman po kritikal. May kakaiba po sa pulso niya. Kaya ho ng kaniyang sistema na mabawasan ang epekto ng lason.”
Pasimpleng sinulyapan ko si Tito. Tumango-tango ito sa narinig saka bumaling sa akin. Saka muli akong tinapik sa balikat.
“Good. I’ll see what I can do. I’ll let you know if I dig something.”
Napangiti ako sa sinabi ni Tito.
“Thank you po Tito.”
Sabay naman kaming napalingon ni Tito sa gawi nila Tita. Kausap nito ang kaniyang katulong habang nakalingkis kay Tala ang kaniyang braso. Si Tala naman ay pangiti-ngiti lang sa kaniyang ina.
“You should get in. My wife won’t let us stay here any longer.”
Mahina akong natawa saka tumango sa kaniya. Agad namang binuksan ni Gina ang pinto ng van. Agad akong pumasok at naupo sa loob. Ilang saglit pa ay nakalapit na sa amin Sina Tala at Tita. Agad silang sumakay at tumabi sa akin.
“Okay ba ang acting ko kanina, Iha?”
Nagtatakang gulat na napatingin ako kay Tita. Natawa naman ito sa reaction ko.
“It made things quick. Kaya eto, Tadah~ You’re in the van na agad-agad.”
Napanlingon naman ako kay Tala saka pasimpleng nagsalita.
“Don’t tell me you know about this too?”
Awkward na tumawa ito sa akin saka hinawakan ako sa braso.
“H-hehe Ate oo. Hehe.”
Napapikit na lamang ako saka pasimpleng hinilot ang sentido saka lumingon sa gawi ni Tita na nakangiti at nagpapaypay. Awkward na tumawa din ako sa kaniya.
“Y-you’re so smart po Tita. H-ha..ha.”