Nang makarating kami sa pamilyar na lugar ay agad na sinalubong ng mga katulong ang aming sasakyan. Pagkahinto ng sasakyan ay agad iyong binuksan ng isa sa kanilang mga tauhan. Sumulyap muna ako kila Tita at Tala saka pilit na ngumiti sa kanila bago bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay inantay kong bumaba sila Tita pero may mahigpit na humawak sa aking braso. Gulat akong napalingon kung sino iyon. Tumambad sa akin si Sam na nakakunot ang noo at naka-igting ang panga. Pasimpleng sinilip ko ang paligid at agad napansing ang mga tauhan at katulong sa paligid ay napa-iwas ng tingin sa amin. Muli kong binalik ang tingin kay Sam at nakipagtitigan dito saka malamig na nagsalita.
“Let me go, Azazel.”
Mas lalong naningkit ang mata nito sa akin.
“I won’t let you go until we get to talk, Noirelle.”
Hindi ko mapigilang mapangisi sa narinig sa kaniya.
“I’m already inside your family’s mansion. With many of your men here, do you really think I can run away?”
“I won’t forget what you did before when we first met. You instantly climbed out of the fence.”
Nabura ang ngisi sa aking labi. Siya naman ngayon ang nakangisi sa akin. This guy can easily push my buttons. Hindi napigilang irapan ito saka talikuran ito. Pero napasinghap ako nang hatakin niya ako pabalik. Muntik pa ako mawalan ng balance pero agad na pumulupot ang kaniyang kabilang braso sa aking bewang habang napakapit ako sa kaniyang balikat. Halos hindi ako makahinga nang mapansing sobrang lapit ng aming mukha. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganun. Naputol lamang iyon nang narinig naming ang tawa ni Tita.
Bahagya kong tinulak si Samael palayo sa akin pero nakatitig lamang ito sa akin. Medyo nainis ako nang hindi parin ito lumalayo sa akin kaya tumikhim ako at pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumiti lamang siya sa akin saka binitawan ako. Agad naman akong lumayo sa kaniya at umayos ng tayo at tumikhim. Nang inangat ko ang tingin sa harap ay nakita ko si Tita at Tito na naghahatakan at nang ibaling ko kay Tala ang tingin ay agad na tumalikod ito sa akin nang mapansin ang aking tingin. Wala sa sariling napa-atras ako at tumalikod sa kanila
“I-I’ll go inside. I’ll wait for you there.”
Sabi ko kay Sam na walang tingin saka tumakbo papasok sa loob ng bahay. May iilang katulong ang bumati sa akin pero nilampasan ko lamang ang mga ito. Nang makarating ako sa kanilang sala, ay agad na kinuha ko ang baso sa mesa at nagsalin ng tubig saka inisang lagok iyon. Muli akong nagsalin ng tubig sa baso saka sinipat ang paligid para kumalma ako. Nadapo ang tingin ko sa isang helera ng mga litrato. Dala ang baso ay lumapit ako roon. Inisa-isa ko ito ng tingin. Mga litrato iyon mula Pagkabata ng magkapatid at iilang litrato ng mag-asawa.
Natigilan ako nang makita ang isang litrato. Sa litratong iyon ay makikita ang pitong mga lalaking nakasuot ng pormal. Naroon ang mukha ni Silva at ang kaniyang katabi na si Uncle na katabi rin nito si Dad at si Tito na tatay ni Azazel. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nabitawan ko ang hawak kong baso dahilan para mabasag iyon sa sahig. Narinig ko ang mabibilis na mga yapak papunta sa lugar ko. Nanatili lamang akong nakatingin sa litratong iyon. Nang ibaling ko ang tingin sa katabing litratong iyon ay Nakita ko ang batang Sam na nakangiti sa camera at kita sa likod ang isang babaeng nakatalikod sa camera at may hawak na isang laruan at tila may hinahabol iyon. Napaatras ako nang makita ang suot ng batang babae sa kaniyang kanang kamay. Isang pamilyar na bracelet. Nawalan ako ng lakas at napa-upo sa sahig saka napahawak sa aking dibdib.
“Noirelle!”
Nang lingunin ko ang pinagmulan ng sigaw ay napakunot ang noo ko sa nakita. Agad akong nilapitan ni Sam at nakasunod sa kaniya si Tita at nang makita akong nakaupo sa sahig ay bumalot ang gulat sa mukha nito. Bago pa man ako makasalita ay nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking dibdib. Napatakip ako sa aking bibig at napa-ubo. Nang tinanggal ko sa bibig ang aking kamay ay may bahid na ito ng dugo. Agad na hinablot ni Sam ang aking kamay. Gumuhit ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Wala sa sariling maninang bumulong ako rito.
“Why?”
Bumaling ang tingin nito sa sahig. Nakita nito ang basag na baso. Agad na lumingon ito sa pitsel na nasa mesa kung saan ako kumuha ng tubig kanina. Galit itong sumigaw.
“Get all the maids and security at front! Call Vince here.”
Agad na hinawakan ko ang kaniyang braso saka umiling.
“I just need to rest. I know this poison. It can’t kill me.”
Saglit itong napa-isip sa sinabi ko. Tumango ito sa akin at inalalayan akong tumayo. Pinaupo niya ako sa sofa saka dumukot sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ang kamay kong nakatakip sa aking bibig kanina saka tahimik na pinunasan ang aking kamay. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagpasok ni Gina kasama ang isa pang katulong. Agad na lumapit sa akin si Gina at sinalat ang aking pulso. Kita ko ang pagkunot ng noo nito saka napatingin sa akin. Pasimpleng umiling ako sa kaniya. Alam ko ang ibig sabihin ng kaniyang reaksyon. Napakagat na lamang ito ng labi saka kinakabahang tumango.
Sakto namang tapos na ni Sam punasan ang aking kamay. Pasimpleng kinuha ko mula sa aking likod ang tinago kong patalim kanina bago lumabas ng aking kuwarto. Akmang pupunasan niya ang aking bibig pero agad kong hinawakan ang kaniyang pulsuhan at itinutok sa kaniya ang pocket knife pero agad niya ring nahawakan ang aking pulsohan dahilan para mabitawan ko ang hawak kong patalim. Agad namang kinuha ni Gina ang patalim na nasa sahig saka itinago iyon sa kaniyang damit. Takang napatingin ako kay Sam. Bumulong ito sa akin.
“Don’t make a scene.”
Napa-yuko na lamang ako saka tumango at binitawan siya. Binitawan niya rin ang aking pulsohan saka nagpatuloy na pinunasan ang aking labi na may bahid ng dugo at muling bumulong.
“If we we’re not in my family’s mansion, I would let you do your plan. But now, I don’t want us add more to my list of enemies.”
Napa-angat ang aking tingin sa kaniyang sinabi. Nanatili lamang siyang nakatingin sa aking labi. Ibinaling ko ang tingin kay Gina. Umiwas ito ng tingin.
“You?”
Pabulong kong sabi. Huminto sa ginagawa si Sam saka bumaling kay Gina at sinenyasan siyang umalis ng lugar. Naiwan kaming dalawa ni Samael sa Sala. Mahinang tumawa ako sa nalaman.
What else does he know?
“That maid is not just a maid, right?”
Sa halos tatlong buwan kong kasama si Gina ay may iilan akong napansin dito. Sa una ay aakalain mong katulong talaga ito. Kung hindi ko nakita ang pamilyar na marka sa kaliwa nitong balikat na kaniyang minsang palihim na tinatago. Napalingon naman sa akin si Sam sa sinabi ko. Pero laking gulat ko na parang inaasahan niya na iyon ang sasabihin ko.
“I never meant to hide it from you.”
Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Ngumiti ito sa akin saka tumayo.
“You just didn’t ask.”
Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang mabibilis na yapak papunta sa aming gawi. Agad akong umayos ng upo pero agad ring napahawak muli sa aking dibdib nang muli itong kumirot. Sakto naming kakarating lang ni Tita. Nakasunod sa kaniya si Tala at ang kaniyang asawa, Huling pumasok ang pamilyar na doktor. Agad na nilapitan ako ng doktor at tiningnan ang aking pulso.
Napalingon ako sa doktor. Napakunot ang noo nito habang pinapakinggan ang aking pulso. Tiningnan nito ang aking mga mata, bibig at mga dulo ng aking daliri. Hindi makapaniwala itong tumingin sa akin. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Pasimpleng lumingon ito sa gawi nila Sam saka bumulong ito sa akin.
“He doesn’t know?”
Pasimpleng sinulyapan ko si Sam na ngayon ay nakatalikod sa amin at kausap sila Tita. Ibinalik ko ang tingin sa doktor. Saka pasimpleng umiling. Lumayo ito sa akin saka saglit na napa-isip. Kinuha at binuksan niya ang bag na kaniyang dala. Nang makita nito ang kaniyang hinahanap ay agad nitong inabot sa akin ang maliit na lalagyan. Saka nagsalita na sapat lang para marinig nila Tita ang kaniyang salita.
“Take it, one tablet for a day for five days. If you still cough out blood after that, call me immediately.”
Lumapit ito sa akin saka kinuha ang aking pulsuhan saka inilagay sa aking palad ang maliit na lalagyan. Pasimple tapos itong bumulong sa akin.
“Your poison, I guess you asked someone to look for the cure. But you have less than a month before it can permanently damage your health.”
Napahigpit ang hawak ko sa lalagyan. Lumayo ito saka muling nagsalita.
“For now, stay away from any physical activities. And by activities, I mean all of them. Rest for now, Miss Noir.”
Tumango ako sa kaniya at mahinang tinapik nito ang aking balikat.
“I can only hide your condition for now. If you get worse, I have no choice but to tell my boss. This is all I can do. The rest is up to you.”
Matalim ko itong tinitigan. Pero agad rin akong umiwas ng tingin sa kaniya saka tumango. Yumukod ito sa akin saka nagpaalam kila Tita. Agad na lumapit sa akin si Sam at iniabot ang kaniyang kamay. Napatitig ako roon saglit.
I only have less than a month to deal with the Dark World and find my sister. But I need to buy time before I can make a move. I just hope Ice will be back tomorrow for the reply.
“Noir?”
Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ang boses ni Sam. Tumikhim muna ako saka inabot ang kaniyang kamay. Nagtaka ako na nanatili lamang siyang nakatayo at hawak ang aking kamay. Nang inangat ko ang aking tingin ay nakangiti ito sa akin.
“This is not what I intend to do but it’s nice.”
Pinaningkitan ko ito ng mata na mas lalong ikina-angat iyon ng sulok ng kaniyang labi. Akmang ilalayo ko ang aking kamay nang walang pasabing hinatak nito ang dalawa kong kamay at ipinulupot ang mga ito sa kaniyang leeg saka mabilis na binuhat ako nito na pa-bridal style. Nagulat ako sa kaniyang ginawa at marahang hinampas siya sa dibdib gamit ang kamay na may hawak na maliit na lalagyan.
“Put me down.”
Ngumiti ito sa akin dahilan para matulala ako dito.
“You can’t make me.”
Sabi nito saka umiwas ng tingin. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya habang naglalakad. Narinig po ko pang kinausap siya nila Tita. Tahimik na sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Sakto namang bigla akong inantok kaya pinikit ko na lamang ang aking mata at hinayaan si Sam na dalhin ako kung saan.
I just hope I can get things done soon and I hope my suspicions about his family is wrong.
Nang muli kong buksan ang aking mata ay kita ko ang kisame ng di pamilyar na lugar. Saglit na kumunot ang aking noo at inalala ang nangyari. Oo nga pala, nasa mansion kami nila Tita. Dahan-dahang umupo ako sa kama. Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng hilo. Saka ko natandaan na pinatawag nila lahat ng katulog sa mansion. Agad akong napatingin sa bintana. Papalubog na ang araw. Ibinaling ko ang tingin sa orasan sa mesa na nasa tabi ng aking higaaan.
I slept for 5 minutes.
Agad na bumangon ako at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang limang pinto sa aking kaliwa at isa sa unahan ng hallway. Gustuhin ko mang halughugin ang bawat kwarto ay kailangan kong hanapin si Sam.
I’m afraid they’ll kill the suspect on the spot.
Nang buksan ko ang pinto sa dulo ng hallway ay tumambad sa akin ang hagdan pababa. Patakbong bumaba ako roon at nang makarating ako sa baba ay napahawak ako sa handrail at ang isa kong kamay ay itinakip ko sa aking bibig. Naramdaman ko kasing parang uubo muli ako ng dugo. Napapikit ako at ikinalma ang sarili. Nang kumalma ako ay pinagmasdan ko ang paligid. Ni-isang tauhan ay wala sa loob ng bahay. Napamura ako sa aking isip.
I hope I’m not too late.
Mabilis na naglakad ako papunta sa main entrance. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang mga ka-team ni Sam na naguusap. Agad na lumapit ako sa kanila. Nagulat ang mga ito nang makita ako.
“M-miss Noir?”
“Where’s Sam?”
Nagkatinginan ang mga ito maliban kay Xin na nakatitig lamang sa akin. Pinaningkitan ko ito ng mata. Lumapit ito sa akin saka nagsalita.
“They’re at the field. They’re interrogating the maids there.”
Tumango ako sa kaniya saka tumalikod pero agad rin akong napahinto nang muling magsalita si Xin.
“If you’ll do anything that will bring harm the Zolten, we won’t hesitate to go against you.”
Bahagya ko silang nilingon.
“That’s good. Keep them safe.”
Sabi ko saka mabilis na nagpunta sa likurang bahagi ng mansion. Habang tinatahak ko ang daan ay isa-isa kong nasalubong ang mga tauhan ni Sam at ng kaniyang pamilya. Yumukod ang mga ito sa akin nang makita nila ako pero dire-diretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa lugar. Rinig ko ang boses ni Sam mula sa aking puwesto.
“Which one of you put poison in the drink?!”
Kita ko ang limang katulong na nakaluhod at nakayuko sa harapan ni Samael at ni Tito samantala ang ibang katulong nakatayo habang nakayuko kasama na roon si Gina. Nilapitan ako ng isang tauhan ni Samael sa malapit pero agad kong sinenyasan itong huwag ipaalam kay Sam na naandito ako. Mula sa aking gilid ay lumapit sa akin sila Tita kasama si Tala na may dalang payong.
“Iha, you shouldn’t be here.”
Tipid na ngumiti ako kay Tita saka muling binalik kay Sam ang aking tingin. Saka mahinang nagsalita.
“Tita, I’m the one that has been poisoned. That’s enough reason that I need to be here.”
Sasagot pa sana si Tita pero agad siyang hinawakan ni Tala saka umiling ito. Natahimik nalang si Tita saka ibinalik ang tingin sa gawi nila Sam. Bigla naming tumindig ang aking balahibo nang marinig ko sa kauna-unahang pagkakataon ang pagalit na sigaw ni Tito.
“You five, Answer!”
Kita kong lumapit ang ilan sa kanilang tauhan attinutukan ang lima ng espada sa kanilang leeg dahilan para mapatingala ang mga ito. Kita ko na nagkatinginan ang limang katulong. Napansin ko ang isa na napakagat sa kaniyang labi at tahimik na lumuluha sa gilid. Nagsalita ito.
“A-ako po ang may gawa, Sir.”
Kumunot ang noo ko saka inisa-isang tinitigan ang ibang katulong. Napunta ang tingin ko sa isa sa kanila na hindi nilingon ang katulong na nagsalita at nakakunot lamang ang noo nito. Muling nagsalita si Tito.
“Whoever bring harm to the people in this mansion will be punished by immediate execution! Give me a reason kung bakit mo iyon ginawa.”
Tahimik na nagsimula akong maglakad papalapit sa katulong na kanina ko pa tinititigan. Kita ko ang pasimpleng pagtulak ng dila nito sa loob ng kaniyang pisngi. Tumakbo ako papunta rito. Dinig ko ang pagtawag sa akin nila Tita pero hindi ko ito pinansin. Nang makalapit ay agad na pinisil ko ang bagang nito para bumukas ang kaniyang bibig. Nagulat ito sa aking ginawa at huli na bago ito maka-react sa aking ginawa. Agad na pinasok ko ang dalawa kong daliri sa kaniyang bibig at pilit na kinukuha ang lason sa loob.
Nang makuha ko ang lason ay agad kong itinapon iyon sa damuhan saka tinapakan dahilan para madurog iyon sa lupa. Napahawak ang babae sa kaniyang leeg at napa-ubo. Tumayo ako at agad akong pinuntahan ni Gina at inabutan ng panyo. Saglit akong napatitig rito pero kalaunan ay kinuha ko ito saka pinunas sa aking kamay. Muling nagsalita si Tito.
“Do you know in here disrupting the interrogation, you will be executed?”
Hindi ko napigilang mapangisi sa narinig. Ibinalik ko ang panyo kay Gina saka humarap kina Tito at inilagay sa aking likod ang dalawa kong kamay saka ngumiti rito at tumango.
“I’d be willing to be executed.”
Nakita kong napangisi sa aking sinabi si Tito. Habang si Samael naman ay matalim lamang na nakatingin sa akin. Binulungan ko ito ng pabiro.
“Don’t look at me like that. Mamaya magkawrinkles ka niyan. Sayang naman ang face mo.”
Agad na umiwas ako ng tingin sa kaniya at muling napatingin sa katulong sa aking harap. Nginisian ko ito saka nagsalita.
“How bold of you to poison yourself in front of me.”
Matalim ako nitong tinitigan. Pasimpleng nilingon ko ang gawi ni tito at napansing pasimple itong tumango . nang ibinalik ko ang tingin sa kaniyang tauhan na nasa aking harapan ay unti-unti nitong inangat ang kaniyang patalim. Mabilis na nagsalita ako.
“I’ll take her. Don’t kill her.”
Hinawakan ako ni Sam sa aking kanang braso.
“You’re gambling, Noirelle.”
I always gamble.
Binigyan ko lamang siya ng makahulugang tingin saka umiling dito. Walang emosyong tumitig ako kay Tito. Nakatingin lamang ito sa akin.
“I’ll take the suspect. She’ll be my maid here. If anything happens to me again, she’ll take the blame and I’ll let your team kill her on the spot.”
Muli akong tumingin sa katulong na nasa aking harap na ngayon ay naguguluhan sa nangyayari. Nginitian ko ito.
“But if she got caught by me, I’ll skin her alive and leave only her bones out.”
Tumawa ang babae sa aking sinabi. Muling tinutok ng tauhan na nasa kaniyang tabi ang espada nito sa kanyang leeg at ganun din ang ginawa ng tauhan na kanina ay nakatutok ang patalim sa katabi niyang katulong. Nakangisi lamang ako saka ibinaba ang tingin sa sahig.
“Haha. Hindi mo iyan magagawa. Dahil hanggang ngayon, hindi parin nawala ang lason sa katawan mo. Hindi totoo na immune ka sa lason.”
Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ng mga tao. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Sam sa aking braso. Nawala ang ngisi sa aking labi at inangat ang tingin sa babae. Malamig na nagsalita si Sam sa aking tabi.
“Is that true, Noir?”
Hindi ko sinagot si Sam at nanatiling nakatingin ako sa babae. Bumuntong-hininga ako saka muling ngumiti sa babae. Hinawakan ko ang kamay ni Samael saka tinanggal iyon sa aking braso. Lumapit ako sa babae saka muling nagsalita.
“Fight me, and you’ll see.”