Rinig ko ang pagsigaw nila Tita na nagpoprotesta sa aking gagawin. Pero hindi ko sila pinansin. Kumunot naman ang noo ng babae.
“If you’re afraid, then I’ll let you take the real blade. I’ll take a blunt.”
Nagdadalawang isip ito sa aking sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay at napalunok naman ang babae. Inilahad ko ang aking kamay sa tauhan na nasa kaniyang tabi.
“Give me the sword.”
Ibinaba ng tauhan ang hawak na espada at sumulyap saglit kina Sam at Tito bago ibinagay sa akin ang hawak na espada. Agad na tinutok ko iyon sa babae na ngayon ay nakakunot ang noo nito. Agad kong hinagis sa kaniyang harap ang espada. Humugot ito ng hininga na animo’y kanina pa nito pinipigilan ang kaniyang paghinga. Lumapit sa akin ang isang tauhan at iniabot ang espadang walang talim. Kinuha ko iyon at walang anu-anong tinutok kay Sam saka pinadaan iyon sa kaniyang leeg. Nanatili lamang na nakatayo si Sam at walang reaksiyon ito sa aking ginawa. Ngumisi lamang ako sa kaniya saka bumaling muli sa babae. Saglit nitong tinitigan ang hinagis kong espada sa kaniyang harapan saka iyon kinuha. Mabilis na sumugod ito sa akin.
Humakbang ako pakaliwa. Kita ko ang pagdaan ng kaniyang espada sa aking mukha na gabalahibo lang ang layo. Umikot ako at malakas na hinampas gamit ang malapad na bahagi ng espada ang kaniyang likod. Muntik itong sumubsob dahil sa ginawa ko pero mabilis niyang naitukod ang espada sa lupa saka lumingon sa akin. Nanatili lamang akong nakatayo sa aking puwesto at nakatingin lamang sa kaniya. Ako naman ang mabilis na lumapit sa kaniya. Agad nitong nasalag ang atake ko gamit ang kaniyang braso. Napansin ko na nilipat nito ang espada ka kaniyang kabilang kamay. Mabilis na sinipa ko ito sa tiyan dahilan para umatras ito palayo sa akin at mapahawak sa tiyan nito pero nakangisi ito sa akin. Nagulat ako nang makitang gamit ang kaniyang espada ay hiniwa nito ang kaniyang palad. Kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang palad. Akmang lalapit ang mga tauhan sa amin pero agad akong nagsalita.
“Anyone who dares to stop us, I can’t promise you all to be unharmed.”
Natigilan ang mga ito nang marinig ang aking sinabi. Nakagat ko ang loob ng aking labi . I never expected this girl to know too much. Mabilis na tumakbo ako papunta sa kaniya. Gamit ang kaniyang espada ay sinalag nito ang aking espada. Ang kaniyang duguang kamay naman ay kaniyang itinaas at akmang aabutin ang aking mukha. Mabilis na yumuko ako saka sinipa ang kaniyang mukha mula sa likod. Napa-atras ito at napahawak sa mukha at nabitawan nito ang kaniyang hawak na espada. Mabilis na kinuha ko iyon at itinutok sa kaniya ang hawak kong patalim. Umayos ng tayo ang babae saka napangisi.
“Your blunt sword can’t do a harm on me.”
Napangiti ako sa kaniya dahilan para matigilan ito. Hinagis ko ng bahagya ang aking espada saka ako umikot at malakas na sinipa ang hawakan nito papunta sa babae. Tumama iyon sa kaniyang likuran at bumaon sa pader. Nagulat ito sa aking ginawa. Kita kong may tumulong dugo sa kaniyang pisngi. Hindi ito makapaniwalang hinawakan ang bahagi ng kaniyang mukha na nadaplisan. Mula sa aking kaliwang kamay ay inilipat ko ang espada sa aking kanang kamay. Tinalikuran ko ito at isinaksak ang hawak kong espada sa lupa. Naramdaman ko ang mabibilis na yapak mula sa aking likod. Agad ko itong nilingon at nakita kong papalapit ito sa akin at nakaabot sa akin ang duguan nitong kamay. Mabilis na sinalubong ko ito at hinawakan ang pulsohan niya na ngayon ay basa ng dugo saka ako umikot at inipit ang kaniyang kamay sa kaniyang likod. Mula sa kaniyang likod ay tinuhuran ko siya sa kaniyang likod dahilan para mapadapa siya sa lupa malapit sa kaniyang mukha ang espada na ibinaon ko sa lupa. Hinatak ko ang kaniyang buhok dahilan para mapatingala ito. Kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa gilid ng kaniyang labi.
“Y-you played dirty,Noir.”
Ngumisi ako sa kaniya saka marahas na binitawan siya saka tumayo at humarap kila Sam at yumukod.
“I hope she can stay as my maid for now. I still need her to find out about something.”
Pag-angat ko ng tingin ay kita ko ang dahan-dahang paglapit sa akin ni Tito at titig na titig ito sa akin.
“Which agency are you from?”
Saglit na napasulyap ako kay Sam na matalim na nakatitig sa akin. Muli kong ibinalik ang tingin kay Tito.
“I’m from Ignis.”
Kumunot ang noo nito sa narinig.
“I never knew Ignis has great sword weilders.”
Mahina akong natawa kay Tito. Saka muling nagsalita na ikinagulat nito.
“I didn’t use real sword, Tito.”
Agad na nilapitan ni Tito ang nakabaon kong espada saka hinugot ito mula sa pader. Saglit na sinipat nito ang espada. Nang ibalik nito ang tingin sa akin ay matalim ang ibinigay nitong tingin.
“I never knew Ignis practice this kind of swordmanship. I only know few people who can do this.”
Napalunok ako sa narinig. Tahimik na inaantay ni Tito ang aking sasabihin. If I confirm or deny, I know the result would still be the same. Pasimpleng sinulyapan ko ang babae sa sahig saka muling ibinalik kay Tito ang tingin.
“I learned this but not from Ignis.”
Itinutok nito sa akin ang hawak na espada. Nanatili lamang akong nakatayo sa aking puwesto.
“Tell me, who are you?”
Akmang lalapit sana si Sam, Tita at Tala sa akin pero agad silang hinarang ng mga tauhan ni Tito.
“I joined Ignis five years ago Tito. But I think you know where I came from.”
Ibinaba nito ang espada at bahagyang nanlaki ang mata nito sa mga sumunod kong sinabi.
“My real name is Noirelle Archivas. One of the twins that went missing five years ago. I came back here to find where my sister is and to find out what really happened before.”
Umiwas ito ng tingin at hinagis ang hawak nitong espada sa lupa. Tumalikod ito sa akin saka nagsalita.
“You should give up now. Things are complicated right now in the Dark World. Your sister might be dead at this point. You shouldn’t have come back here. Go back to the city, it’s much safer there compared here in this tiny little Island.”
Mapait akong napangiti saka yumuko.
“I’ve been digging around to find my sister and where she was taken. And I’ve been killing people for nearly six years now. At this point I can never go back anymore. A few months ago, I got an assignment from Boss to kill Silva at the hotel party. Even if I run away from all of this, the Dark World would still find me.”
Muling humarap sa akin si Tito at kahit na hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang panlilisik ng mata nitong nakatingin sa akin. Narinig ko ang pagkasa ng mga b***l sa paligid. Nang sinulyapan ko ang mga tauhan ni Tito ay nakatutok sa akin ang kanilang mga armas. Ang babaeng kanina ay nasa sahig ay hinatak naman ng tauhan ni Tito sa tabi.
“You’re the one that killed Silva?!”
Humakbang siya papalapit sa akin pero mabilis na humarang si Sam at itinago ako nito sa kaniyang likuran. Nagulat ako nang magsalita si Samael.
“If you’re gonna hurt her for that dad, then hurt me too.”
Nagtatakang napatingin kay Sam si Tito. Pasimpleng hinatak ko ang damit ni Samael senyales na huwag na itong magsalita pa pero makulit ito.
“What do you mean, Az?”
“I helped her kill Samael. That time, I am escorting Wesley in that same hotel.”
Mula sa likod ni Sam ay sinilip ko si Tito. Kita kong naguluhan ito sa narinig. Napapikit ito at napahawak sa sentido saka sinenyasan ang mga tauhan niya na ibaba ang hawak na armas. Bumuntong-hininga muna ito saka galit na tumingin sa amin ni Sam.
“I’ll pretend I didn’t hear anything, Az.”
“But it’s true, Dad.”
“Azazel!”
Napapikit ako sa lakas ng boses ni Tito. Pagdilat ko ay nakita ko si tita na nakalapit na kay Tito.
“Ren, stop this. Don’t hurt the children.”
Kita kong napapikit si Tito saka napahilot sa kaniyang sentido habang ang isa nitong kamay ay nakapameywang. Muli itong nagsalita.
“Leah, they’re not kids anymore. Didn’t you hear what they said just now?”
Nakaramdam naman ako ng bahagyang pagsakit ng aking dibdib saka pagkahilo. Napamura ako sa aking isip. I have to hurry. Bumitaw ako sa pagkaka-kapit sa damit ni Sam saka lumapit sa babaeng katulong na kanina ay nasa sahig. Hinawakan ko ito sa braso saka tinulungan itong tumayo. Narinig ko pa ang muling pagsalita ni Tito.
“Fine. I’ll let this go for now. Az, we’ll talk later”
Sinimulan kong maglakad papaalis sa lugar pero agad rin akong natigilan nang muling magsalita si Tito dahilan para lingunin ko muli ito.
“Noirelle, whatever you’re planning, I hope we won’t be enemies in the future.”
Saglit akong napatitig sa kaniya. Ramdam kong nakatingin din sa akin si Sam at ang asawa nito. Tipid lamang akong ngumiti saka maliit na tumango sa kaniya at nagsimulang maglakad pabalik sa loob ng bahay habang akay-akay ang babae kanina.
I’m afraid at some point we will. But I’ll never have a thought or energy to kill anyone that involves the Zolten.
Hindi pa man kami nakakalayo sa lugar ay naramdaman ko ang pagtulo ng likodo mulsa gilid ng aking labi. Kasabay non ay ang paninikip ng aking dibdib. Gamit ang kanang kamay ay pinahid ko ang tumulong dugo sa gilid ng aking labi. Narinig ko ang pagsinghal ng katabi ko.
“I’m right. You’re still poisoned.”
Napangisi na lamang ako habang naglalakad. Saka mahinang nagsalita.
“The moment you’ll say that to them, we’ll both die on the spot.”
Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin. Sinulyapan ko ito saka ngumiosi bago ibinalik ang tingin sa daan.
“I guess whoever sent you, they only want you to test the waters and be killed on the spot.”
Mahina itong natawa.
“You can’t sway me with your words. I may be lacking in fighting, but I’m good at sneaking. That’s why my boss sent me here.”
Hindi ko mapigilang matawa sa kaniyang sinabi.
“Let me guess, you’re a baby agent. You’ve been with them less than a month. A week at least.”
Natahimik ito dahilan para muli akong matawa at napa-iling.
“Don’t worry. As long as you don’t do anything stupid and stop following their orders, I can guarantee after this, you can live a new life.”
Ramdam kong napatitig ito sa akin sa sinabi ko.
“How can you be so sure?”
Kita ko ang mga kasamahan ni Sam na mabilis na naglalakad papunta sa akin. Bumaling ako sa babae saka ngumiti ng tunay.
“If the time comes that I can’t, pretty sure they will.”
Kumunot ang noo nito sa aking sinabi.
“They?”
Nginitian ko lamang siya at ibinalik ang tingin kina Xin na patakbong lumapit sa amin. Agad na kumunot ang kanilang noo nang makita kung sino ang akay-akay ko. Agad na nagsalita si Chance.
“Isn’t she the mole?”
Ngumisi ako rito.
“Yes. She was.”
Nagkatinginan ang mga ito. Lumapit naman sa amin si Luther at kinuha mula sa akin ang babae at ito ang umakay rito. Makahulugang tumingin sa akin ang babae.. Nginitian ko lamang ito at tinanguan. Dinala siya ni Luther sa loob. Ibinalik ko ang tingin kina Xin saka nagsalita.
“Don’t worry. Her only target is me. Zolten is not their target.”
“How can you be so sure about that?”
Nginitian ko lamang si Dennis saka muling nagsalita.
“From what I can see with her abilities earlier, she’s supposed to be trained to enter the Underworld. You can see the mark on her neck. I only know one family that has been in contact with the Underworld before.”
“It’s the Vistas, right?”
Tumango ako kay Chance.
“I’m waiting for Ice to send my message. Whatever happens next, I trust you all to protect your team and Zolten.”
Nagtaka ang mga ito sa aking sinabi. Nagsalita si Mike pero hindi ko ito nilingon at nanatili ang tingin sa papalayong Luther habang akay-akay ang babae.
“But you are also our mission.”
Ngumiti lamang ako saka umiling at muling nagsalita.
“Find a way to get out of this island asap. If you guys can’t, then I’m sorry to whatever happens next.”
Nakarinig ako ng pagkasa ng b***l sa tabi. Nang lingunin ko ito ay nakatutok sa akin ang b***l na hawak ni Xin. Ngumisi lang ako sa kaniya saka nagsalita.
“Kill me and watch how the people in Dark World do it again but to Zolten.”
Kita ko ang bahagyang pagnginig ng kaniyang kamay na may hawak na b***l saka mabilis iyon na ibinaba. Nagsimula naman akong maglakad papasok ng bahay. Tahimik na naglakad ako pabalik sa kwarto kanina habang nag-iisip sa mga susunod na mangyayari.
There is one thing for sure that I confirmed with this day. Uncle is one of the enemies. The mastermind is yet to reveal himself.
Naputol ang aking pag-iisip nang makita ko si Luther sa may pinto papunta sa hallway ng kuwarto ko. Habang ang babae ay naka upo sa sahig at nakasandal sa pader sa tabi.
“I need Gina to come here.”
“I’ll go now.”
Tumango lamang ako kay Luther hudyat para ito ay umalis. Sinundan ko pa ito ng tingin habang ito ay pababa ng hagdan. Nang masigurong nakalayo na ito sa amin ay agad kong binuksan ang pinto saka lumapit sa babae at inakay siya papasok sa aking kuwarto.