Matamang nakaupo sa kaniyang trono ang isang lalaki habang naghihintay ng balita kung ano nang nagyari sa kaniyang ipinadalang assassin upang dalhin si Zeniya sa kaniyang palasyo ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong natatanggap. Madilim ang paligid ng kaniyang pinaghaharian habang may kaunting liwanag naman na nanggagaling sa apoy na nakapaligid sa pader na kanilang naging tanglaw. Suot ang kaniyang itim na baluti ay pinaibabawan iyon ng isang itim na kapa at mayroon ding nakaupong korona sa kaniyang ulo na sumisimbolo na siya ang hari at wala ng iba pa. Samantala, atat na atat na itong makuha si Zeniya ngayong nalaman niya na ang tungkol sa mag-ama. Hindi naman kasi siya maaaring makapasok sa akademya dahil hinaharangan iyon ng isang matinding pananggalang kung susugod siya roon

