Nang bumalik si Sapphire ay nakaupo na sa kani-kanilang mga upuan ang magkakaibigan kasama si Cobalt. Tumabi naman siya sa katabi ni Cerulean habang ipinulupot ang kaniyang braso sa braso ni Cerulean. Akala pa niya ay maiinis muli ito ngunit ngayon ay hinayaan lang siya ni Cerulean habang mataimtim na nagbabasa na naman ng isang libro. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagsalita na si Phoenix. “Tila nakakaboryo naman dito, gusto niyo bang maglakad-lakad muli sa ibang pasilyo ng palasyo?” suhestyon ni Phoenix na agaran namang ikinatango ng lahat. Sa lawak kasi ng library ay tila tinamad na rin ang lahat upang kumuha ng mababasa nila, hindi katulad ni Cerulean na mahilig sa mga babasahin na matahimik lang din na nagbabasa. Everyone made their exit out of the huge library, yet before they c

