I gently stood up from the hard mat as Tomas said those unimaginable tribes that he mentioned. "That's absurd! There's no such thing as those tribes!" I told him. There's no way they exist! Sorcerers? Assassins? That's dope! Hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon gayong tanging sa mga fiction or fantasy books lang iyon nabubuhay.
"Bakit tumataas ang iyong boses, binibini? May mali ba akong nasabi tungkol sa kanila?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Tinampal ko ang aking noo. I just realized that he doesn't understand the second language I know. "A-ano... w-wala! Hindi lang ako makapaniwala sa iyong mga sinasabi," pagdadahilan ko.
Ngunit totoo ba talaga sila?
"Ah, ganoon ba? Tila nawalan ka ng alaala nang halos malunod ka sa ilog o hindi kaya'y tinanggal ng Diyosa ng Tubig ang iyong alaala bilang parusa sa iyong ginawang paliligo roon," mahaba niyang litanya kaya't ibinagsak ko na lang ang aking balikat.
I mentally rolled my eyes. I don't know if I would believe in him or he is just out of his mind telling me those kinds of stuffs. Or maybe, it is the after affect of what Dad told me, that's why I am this delusional.
"Hindi ba't tinulungan mo akong makaahon mula sa ilog? Bakit nanatili pa rin sa iyo ang iyong mga alaala?" panunumbat ko. Kahit sabihin ko rin naman na hindi talaga nawala ang aking alaala, wala pa rin talaga akong kaalam-alam tungkol sa mga tribong sinasabi niya.
"Oo nga no?" kamot-batok niyang saad saka inilagay ang kaniyang dalawang daliri sa kaniyang baba na tila ba malalim na nag-iisip pero mabilis na nabali iyon nang isang malakas na pagsabog ang aming narinig sa labas ng kaniyang munting tahanan.
Ang maliit na kubo niya ay yari sa kawayan na pinagtagpi-tagpi lang habang ang bintana nito ay yari naman sa kahoy na tinutukuran ng isang maliit na sanga ng puno. Halos walang kalaman-laman ang loob maliban sa hinihigaan ko at ang isang maliit na gasera sa aking tabi.
"Tila naririto na naman sila!" anunsyo niya na biglang ikinaseryoso ng kaniyang mukha saka agarang tinanggal ang tukod ng kaniyang maliit na bintana. Bago kami lumabas mula sa kaniyang munting kubo ay ibinigay niya sa akin ang isang kwintas na hugis buwan. "Nakita ko nga pala ito sa ilalim ng ilog kanina. Tila ito ay iyong pag-aari!"
Kinuha ko iyon nang ibigay niya iyon sa akin saka isinuot iyon sa aking leeg. "S-salamat!" Tila natanggal sa aking leeg nang aksidenteng mahulog ako sa ilog at ito tila ang kaninang kumikinang na pilit kong inaabot.
"M-may problema ba?" tanong niya sa akin. Tila napansin nito ang aking malungkot na mukha kaya't marahan akong umiling.
"W-wala!" pagdadahilan ko saka pilit siyang nginitian.
"Ibalik niyo ang aming tahanan! Wala kaming matitirhan kung kukunin niyo sa amin pati ang lupang pinagtitirikan ng aming bahay!"
Nagkatinginan kami ni Tomas nang marinig naming dalawa ang halos mangiyak-ngiyak na boses ng babae sa labas kaya't agaran kaming lumabas sa loob ng munting kubo.
Nang tuluyan kaming makalabas ay kaagad na bumungad sa amin ang isang lalaking may hawak na espada habang nakatutok ang talim niyon sa leeg ng ale. Tila siya ang nagsalita kanina.
Suot ang mabibigat na baluting yari tila sa isang matibay na metal ay nakasakay siya sa puting kabayong balot din ng kulay pilak na baluti gayundin ang helmet niya na nakapatong naman sa kaniyang kandungan. Based on his appearance, with a shaggy beard and a thick hair, almost covering his forehead, he is probably a warrior, according to Tomas' definition a while ago. Tila may katandaan na rin siya base sa kaniyang hitsura.
Samantala, ang babaeng tila nasa mid 40s na ay nakasuot ng maluwang na damit na umabot na hanggang kaniyang tuhod pati na rin ng kaniyang nasa tabing lalaki na tila kaniyang asawa. Like Tomas, her loose shirt was visibly covered with small splatters of muds. Her hair tied in a messy bun that shows her gray hair underneath whereas the guy beside her might be in his 50s as his wrinkles at his forehead effortlessly shown while anxiously looking to the guy in front of him, also wearing a grubby loose shirt and shorts.
Nang lumapit kami roon ay kaagad na napatingin sila sa direksyon namin–ang babae at kaniyang asawa pati na rin ang lalaking balot ng baluti na marahang bumaba sa kaniyang kabayo. May ilan ding tao sa paligid, tila takot sa mga nasasaksihan ng kanilang mga mata habang nakayakap sa kani-kanilang mga asawa at anak.
Before he approached us, he placed his helmet upon the back of his horse and place his sword at its scabbard situated on his right leg. "Anong ginagawa mo rito, Zeniya?" tanong nito habang nakakunot ang kaniyang noo.
"Is he talking to me?" I asked myself. I roam my eyes but I can only see trees and small huts in between the tall green grasses, some are slightly swallowed by the thick fire. I checked my back because maybe I am just mistaken to what I am thinking right now but there's no one behind me.
"Siyempre, ikaw ang tinutukoy ko!" He tapped my shoulder that slightly startled me because of his heavy armor he gives upon me. Hindi ko rin napansin na nakalapit na pala siya sa akin.
My eyebrows furrowed. "H-hindi ako si Zeniya!" I defended.
Nang sabihin ko iyon ay kaagad na isinuot nito ang kaniyang malawak na ngiti. "Zeniya, alam kong palagi kang umaalis sa akademya ng mga ganitong oras at kahit pa magsuot ka ng kakaibang suot, kilala na kita kaya't halika na! Ihahatid na kita sa iyong dormitoryo!" wika nito sa masiglang tono.
"Ipagpaumanhin niyo na ho, mahal na kumandante, ngunit siya ay tila pinarusahan ng Diyosa ng Tubig kung kaya't wala siyang maalala!" singit ni Tomas kaya't napatingin ito sa gawi niya.
Tila hindi niya napansin ang aking basang kasuotan kanina kayat mabilis na tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Hindi rin ako makapaniwala sa pagtawag ni Tomas sa lalaking nasa aming harapan ngayon na tila siya rin ang may kagagawan sa malakas na pagsabog kanina na nagdulot ng pagkasunog sa ibang bahay sa paligid, dahilan upang unti-unti nang nilalamon ng apoy.
Kumandante? Anong ibig sabihin ng ganoong titulo?
"Tila kailangan mo nang sumama sa akin, Zeniya. Dadalhin kita sa empermeryal upang maibalik ang iyong alaala!" Kaagad na hinawakan niya ako sa aking kanang braso ngunit agad ko rin iyong iwinasiwas upang matanggal ang kaniyang mahigpit na hawak sa akin.
"Hindi ako sasama! Phoenix ang pangalan ko at hindi Zeniya!" sigaw ko sa kaniya.
Hinila ko ang braso ni Tomas upang magtungo sa malayo sa lugar na ito ngunit natigilan ako nang marinig ko ang paghugot ng kaniyang espada sa kaluban niyon.
I slowly put my gaze at Tomas. I can feel his panic in his eyes and quiver in his arm I'm holding as the sword almost kissed his neck. "Sasama ka ba sa akin, Zeniya o papaslangin ko ang karaniwang taong kasama mo?" maawtoridad na tanong niya sa akin na nagpa-estatwa sa aking tayo.
I don't know who is this Zeniya he is talking about, but who I am really in this mere dream of mine? And I still don't know if this is still a dream because I am already soaked with water, and now, I am trembling out of fear because of the sword that might kill Tomas and I in an instant.
This is my first encounter of warriors, (if I am not mistaken to what tribe he belongs to,) but by how he dresses, how he acts and how deep his voice totally make orders to everyone here, he is maybe a high-ranker warrior.
Marahang lumingon ako sa lalaki na ayon kay Tomas ay isang kumandante. I gave him a serious look. "Sasama ako..." taas noong tugon ko sa kaniya. I mentally heaved a sigh as he retreats his sword against Tomas and placed it again inside the scabbard. "Pero sa isang kondisyon," pagpapatuloy ko. "Huwag na huwag mo nang tatakutin ang mga tao rito dahil kapag nagkataon, ako ang makakalaban mo!" pananakot ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob upang sabihin iyon pero kung tratuhin niya ang Zeniya na ito, tila mas mataas akong uri ng tao kaysa sa kaniya.
"Pumapayag ako ngunit kung tutupad ka rin na hinding-hindi ka na pupunta rito kailanman, maliwanag?"
Tumango ako sa kaniyang sinabing iyon. Kung ang pagsama ko lang sa kaniya ang magpapasaayos ng buhay ng mga tao rito ay pumapayag ako roon.
Kaagad na tiningnan ko si Tomas na hawak ko pa rin sa braso. "Huwag kang mag-alala, Tomas. Oras na mabalitaan kong may nangyaring hindi maganda rito, babalik ako rito. Pangako ko iyan," mahinang saad ko sa kaniya na sapat upang marinig niya. Ngumiti naman siya nang marahan saka tumango.
Niyakap ko siya sa huling sandali saka bumulong, "salamat sa iyong pagligtas sa akin." Nang sabihin ko iyon ay bahagya siyang ngumiti kaya't marahan ko rin siyang nginitian.
Pagkatapos niyon ay kaagad na nagtungo ako sa kabayo saka sumakay roon. The commander helped me to mount upon the saddle installed at the back of the horse. He's at my back, cornering me with his strong, silver-armored arms while strongly wielding the head collar rope with his bold fists.
Nang biglang gumalaw ang kabayo ay halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang dahil sa gulat. I never ride a horse before, though. Halos atakihin ako sa puso nang dahil sa biglaang pagpadyak ng kabayo.
As the horse speedily runs toward the high-cutted wild grass, the wild fire begins to quench. Siguro ay dahil iyon sa kaniyang kakayahan bilang isang warrior kaya't mabilis na naapula ang sunog sa bawat madaanan namin. I am beyond amazed to what I am witnessing right now. I don't know what world I am in but is this the answer to my struggles in the real world?
Nanatili kaming walang imik sa isaʼt isa hanggang makalabas kami mula sa masukal na kagubatan. Nang tuluyan na kaming nasa labas ng kagubatan ay hinila niya ang tali, dahilan upang tumigil ang kabayo kaya't marahang napasandal ako sa kaniyang dibdib. Mayamaya rin ay marahang naglakad ang kabayo nang marahan niyang ginalaw ang tali. Kaagad na lumaki ang aking mata nang makita ang mataas na pader sa aming harapang yari sa mga matitibay na laryo na marahang nasisininagan ng buwan sa itaas.
By how the lofty and sublime wall greeted my eyes, I am beyond dreaming. T'was decorated with hanging fertile green creeping plants kissing the thick wall. Base sa hitsura niyon, may tila pagkatanda na rin ang pader gayong bakas na rin ang lumot doon. As we walk through, the flooring is kinda cemented with a special cement, onramented with hard bricks on it.
Nang malapit na kami sa tarangkahan ay kaagad na bumungad sa amin ang mga nakapilang kabalyero, hawak ang kanilang makakapal na espada. Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng kumandante, tila itinaas nito ang kaniyang espada. As they recognize him, they dispersed into two, giving us a way, then bow as if we are in a kingdom that I saw in some fantasy and royal movies.
I don't know what's really going on because as we totally get into the big gate surrounded with knights a while back, the great and wide townsquare almost deafen my ears as the people disorderly walk with their unfamiliar clothings, creating loud noises in front of different markets that sell different kinds of stuffs that I am also not familiar with. Based on what I am witnessing right now, the cold dim lit night was still active and lively.
As my eyes began to roam again everywhere, everything is still a mystery to me. Is this the world I wished for? But who I am? Who I am in this world... as Zeniya?