Chapter 5 - Infirmary

2002 Words
I gently open my eyes as the beam of the sun kissed my cheeks, but I abruptly rose from the bed when the unfamiliar faces immediately registered in my somnolent eyes. "S-sino kayo?" kaagad na tanong ko nang makita ang kanilang mga mukha. Halos magdikit na ang kanilang mga ulo habang tila hinihintay nila akong magising. Mabilis na kumunot ang kanilang noo saka nagkatinginan sa isa't isa. "Tila hindi naging mabisa ang gayumang ginawa mismo ng kilalang tagalikha ng mga gayumang si Chartreuse, Zeniya," tatango-tango nilang wika na mabilis na ikinabagsak ng aking balikat. "Hindi ako si Zeniya!" Inikot ko ang aking mata sa kanila gayong halos lahat na lang sila ay sinasabing ako si Zeniya. Kahit ako ay hindi ko rin kilala kung sino ang kanilang tinutukoy gayong nang humarap ako sa salamin kagabi ay ganoon pa rin naman ang aking hitsura, nagbago nga lang ang aking pangalan. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Tila nasa empermeryal pa rin ako tulad ng sinabi ng kumandante kagabi sa akin bago ako makatulog nang inumin ko ang kulay asul na likido upang bumalik na 'raw' ang aking mga alaala. Natatakpan ng puting kurtina ang kaliwa't kanan ko pero makikita rin sa kanang bahagi ko ang isang wooden tray na puno ng mga prutas. Sa harap ko naman ay kita ko ang ibang mga kama na magandang nakasalansan samantalang ang likod ko naman ay bahagyang hinahalikan ng mainit na araw dahil sa bintanang bahagyang nakabukas. "Mabuti naman at gising ka na!" Kaagad na napalingon kaming tatlo nang magsalita ang isang matandang babae na naglalakad papalapit sa maliit na seksyon ng kwarto kung saan kami naroon na pinaliligiran ng puting kurtina. Kaagad na naguluhan ako sa aking sarili gayong bakit narito pa rin ako sa mundong ito? Totoo ba itong mga nakikita ng aking mata o pawang isang panaginip lang sa isa pang panaginip? "Dr. Olive!" paunang bati ng dalawa. "Mabuti naman po at narito na kayo. Nakapagtataka na hindi pa rin bumabalik ang alaala ni Zeniya!" agad na wika ng babaeng nasa kanan ko na may mahabang buhok na marahang tinatakpan ang maliit na noo nito. Suot nito ang kulay puting uniporme na pinarisan ng kulay asul na kurbata at tsaleko. Nakasuot din siya ng kulay asul na paldang umabot lang hanggang tuhod. Samantala, ang babaeng nasa kanan ko naman ay maikli ang buhok na umabot lang hanggang kaniyang balikat. Singkit ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang maliit na nunal sa kaniyang ilong ay bumagay sa kaniya. Katulad ng babaeng nasa kanan ko, ganoon din ang kulay ng kaniyang suot na uniporme at palda. Sa kabilang banda naman, suot ang hugis kalahating buwan na salamin, kulubot ang balat, at mapuputing mga buhok ang kaagad na nakitaan ko sa matandang babae. Tila matanda na nga talaga ito at kung ikukumpara sa mga normal na tao. Tila nasa sesenta anyos na siya o higit pa. Suot niya ang kulay lumot na balabal na bumabalot sa kaniyang buong katawan kaya't makikita ang maliit na kurba sa kaniyang likod. "Tila wala na tayong magagawa kung hindi ang hintayin na bumalik ang kaniyang alaala," tugon niya na ayon sa babaeng nasa kanan ko ay Dr. Olive ang pangalan. Kaagad na napatango naman ang dalawa roon na sinundan ng pagtalikod ni Dr. Olive saka naglakad palayo. Nang marinig ko ang pintong maingay na sumara ay mabilis na lumingon muli sila sa isa't isa. "Tila mahihirapan tayo upang tulungang maibalik ang kaniyang alaala, Sapphire," seryosong wika ng babaeng nasa kanan ko na ikinangiti lamang ng babaeng may maikling buhok na Sapphire 'daw' ang pangalan. "Maaaring ganoon na nga, Blizz, pero tila magiging kapana-panabik ito gayong kahit ang kaniyang personalidad ay tila nagbago na rin," nakangiting wika ni Sapphire sa kaniyang kausap. "Anong magiging kapana-panabik doon? Alam mo bang kahit tayo ay hindi niya kilala?!" magkasalubong na kilay na tugon nito bago hinila ang maliit na upuan na mula sa ilalim ng kama saka umupo roon. "Nananabik lang ako gayong nagsasalita na siya kahit hindi natin siya tinatanong," tugon ni Sapphire kaya't agad na napakunot ako ng aking noo. Ganoon ba ako? That's really not me, I think. "Oo nga pala, Zeniya. Siguro nama'y may naaalala ka rin sa mundong ginagalawan natin ngayon, hindi ba?" tanong ni Sapphire sa akin. Bahagya naman akong umiling bilang tugon na dahilan din upang mabilis niyang hinilamos ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. "Wala akong naaalala dahil hindi ako si Zeniya! Phoenix ang pangalan ko at hindi Zeniya kaya't puwede bang Phoenix ang itawag niyo sa akin at hindi Zeniya!" iritang tugon ko sa kanila. "Tila hindi pala nagbago ang kaniyang personalidad, Blizz, tila ganoon pa rin nga. Pero at least, nagsasalita siya hindi tulad ng dating Zeniya na tanging mata lang ang ginagamit para makipag-usap," saad ni Sapphire habang napapakibit ng balikat. "T-teka, marunong kang magsalita ng salitang Ingles?" tanong ko saka tinanggal ang kumot na bumabalot sa ibabang bahagi ng aking katawan na ikinatingin din ni Blizz. "Kaunti lang ang aking nalalaman tungkol sa lingguwaheng iyon," tugon ni Sapphire saka naupo sa footboard ng kama. "P-pero paano mo nalaman ang lingguwaheng iyon gayong wala kang maalala?" kunot noong tanong niya. "Dahil hindi nga ako si Zeniya. Ako si Phoenix, okay?! Isa akong estudyante na halos gawin ko nang buhay ang online class dahil sa mga magulang ko na gustong ipagpatuloy ang kursong ayaw ko talagang kunin! Gusto kong maging manunulat balang araw pero ngayon na narito ako sa mundong ito... tila nabuhayan ako ng loob!" mahaba kong saad sa kanila na dahilan upang humagalpak sila ng tawa. Kaagad na bumagsak ang aking balikat sa kanilang naging reaksyon. Tila wala silang balak na maniwala sa akin kaya't napagdesisyunan kong bumaba sa kama upang lumabas ng infirmary pero nang malapit na ako sa pinto ay mabilis na naramdaman ko ang panlalamig sa bandang paanan ko na dahilan din upang hindi ako makagalaw. Nang ibinababa ko ang aking tingin ay dahan-dahang binalot ng yelo ang aking paa at pinipigilan niyon ang aking paghakbang. Pilit ko mang hilahin ang aking mga paa mula sa sahig ngunit hindi iyon magpatinag. "Hindi ka pupunta sa kahit saan, Zeniya!" Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang maawtoridad na boses na iyon at kahit ang maingay nilang halakhak kanina ay kaagad na naglaho nang siya ay magsalita. It was Blizz, with her opened hands, covered with an ice and smoke, I knew it was her. A sorcerer. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa aking mga nakikita pero mismong ang aking mga mata na ang nagsasabi na totoo ang sinabi sa akin ni Tomas. Ngunit bakit sila naroon sa liblib na kagubatan samantalang ang mga naririto sa bayan ay parehong tao lang din naman? Ang pinagkaiba nga lamang, magaganda ang kasuotan ng mga naririto. "Kung ayaw niyo akong palabasin dito sa sa apat na sulok ng empermeryal at kung ayaw niyo akong paniwalaan, hahanapin ko mismo ang sarili ko," seryosong saad ko sa kanila ngunit isang blangkong mukha lang ang ipinukol niya sa akin samantalang pauli-uli naman sa paglalakad si Sapphire. "Ano ba? Akala ko ba tutulungan niyo akong ibalik ang aking alaala?!" nakakibit-balikat na dagdag ko. Napansin ko ang marahang pagbuka ng palad ni Sapphire. Mayamaya pa’y unti-unting naglalaho ang yelong bumabalot sa aking paa. Nang tuluyan nang maglaho ang yelo ay umupo ako upang hawakan ang aking mga paa ngunit agad na tinabig ni Blizz ang aking kamay nang halos lumapat na ang aking mga daliri sa aking nanlalamig na paa. Mabilis na itinunghay ko ang aking ulo saka tiningnan siya nang nakakunot ang noo. Ni hindi ko rin napansin na narito na pala siya sa aking harap. "Huwag kang bobo, Zeniya!" seryoso niyang saad na nagpaseryoso ng aking mukha. Kaagad na tumayo ako mula sa aking pagkakaupo saka nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Bobo?!” kunot noong pag-uulit ko sa kaniyang sinabi. “Bobo na kung bobo, Blizz, pero wala kang karapatan na sabihan ako ng ganoon!" "May karapatan ako, Zeniya, dahil isa ka lang maharlika!" sumbat niya saka tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad. "Sapphire, halika na!" dagdag niya nang naroon na siya sa harap ng pinto. Mabilis na naglakad si Sapphire ngunit nang madaanan niya ako ay bumulong siya sa akin. "Pagpasensiyahan mo na si Blizz. Ganoon talaga ang ugali niya. Palaging umiinit ang ulo pero minsan nama’y hindi." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti saka nagsimulang maglakad patungo sa harap ng pinto. Umalingawngaw ang malakas na pagsarado ng pinto ng silid nang lumabas ang dalawa samantalang naiwan ako sa loob na nakatayo, hindi alam kung anong sunod na hakbang na maaari kong gagawin. "Ang simpleng paghawak ng iyong mga daliri sa paa mong nabalutan ng yelong hindi pa tuluyang pinapawalang bisa ng kung sino mang unang sorcerer na gumawa niyon sa iyo, ay may posiblidad na balutin ng yelo ang iyong mga kamay. Ikaw na isang maharlika ay dapat mayroong kaalaman tungkol sa mga pangunahing panuntunang iyon kahit na wala kang maalala gayong maaaring hindi mo na magamit ang iyong mga kamay upang isagawa ang iyong sariling abilidad," mahabang paliwanag ng isang boses kaya't napalingon ako kung saan iyon nanggaling. "S-sino ka?!" tanong ko sa kaniyang nakaupong pigura habang nakatutok ang kaniyang tingin sa hawak niyang isang libro. He is at the right section of my bed, sitting upon his bed while leaning against the headboard of it. The white curtain at his left nearly touched my wooden tray. Medyo magulo ang kaniyang buhok habang may kaunting espasyo sa kaniyang noo kaya't tanaw ko ang kaniyang maliit na balat na hugis tatsulok doon. Katulad nina Blizz at Sapphire, kulay puti ang kaniyang unimporme na pinarisan din ng kulay asul na tsaleko. Hindi ko lubos makita ang kaniyang suot na pang-ibaba dahil nababalot iyon ng kaniyang puting kumot. Kung hindi ako nagkakamali, maaaring isa rin siyang sorcerer na tulad nina Blizz at Sapphire. Ngunit hindi ko na sila maintindihan sa kanilang mga sinasabi tungkol sa mahika o abilidad gayong ni wala nga akong alam sa mundong ginagalawan ko ngayon kahit ang apat na mga tribo. Tapos idinidiin pa nilang ako raw si Zeniya. Isa pa ay iyong sinabi ni Blizz kanina na isa lang akong hamak na maharlika. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari gayong tila hindi lang ito hamak na panaginip gayong ramdam na ramdam ko kanina ang malamig na yelo na yumakap sa aking paa. "Sino ka?" pag-uulit ko ngunit tila wala siyang balak na sagutin ang aking tanong na iyon. I seek for his ID but I think, they don't seem to wear one. Malakas na isinara niya ang kaniyang nakabukas na libro kaya't bahagya akong nagulat sa ginawang ingay niyon. Ipinatong niya iyon sa kaniyang kama saka tumingin sa akin. "Huwag mo na lang akong pansinin," maikling tugon niya ngunit lumapit ako sa kaniya at naupo sa footboard ng kama at baka maaari niyang masagot ang kanina pang gumugulo sa isip ko. "A-ako, kilala mo ba ako?" nananabik na tanong ko ngunit agad na kinuha niya ang kaniyang libro upang tila'y basahin muli. Marahang binuksan niyang muli iyon saka muling nagbasa. Tila wala siyang pakialam sa sinabi ko. "Maaari kang humingi ng tulong sa katiwala ng aklatan. Tiyak na malalaman mo ang iyong hinahanap," saad niya habang tutok ang kaniyang mga mata sa kaniyang hawak na libro. Bagsak balikat na tumayo ako. Ni hindi ko nga alam kung saan iyong sinasabi niyang library. Ni hindi ko pa rin nalilibot ang buong akademya gayong agad na dinala ako rito ng kumandante kagabi. Nagtungo ako sa harap ng pinto saka bumuga ng hangin. Kailangan kong malaman kung sino itong si Zeniya upang sa gayon ay lubos na makilala ko ang sarili ko lalong-lalo na kung sino ako sa mundong ito. Lots of unfamiliar people are here in this new world but honestly, I am more unfamiliar with myself. Isa pa sa kailangan kong mahanap bukod sa aking sarili ay ang aking kaibigan. Nasaan ka na ba Kylo? Napadpad ka rin ba rito sa dimensyong tila produkto ng aking panaginip?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD