Chapter 6 - Lucid Dream

2036 Words
My feet started to carry me in different aisles of the castle-like school. Ni hindi ko alam kung saan ako patutungo gayong wala naman akong sapat na kaalaman tungkol sa mundong ginagalawan ko ngayon. "Nasaan na ba kasi ang library?" iritang tanong ko sa aking sarili. Halos kalahating oras na yata akong naglilibot sa bawat pasilyo ng bawat aking madaanan. Wala rin namang mga estudyante ang nagpapagala-gala rito upang sana'y matanungan ko kung nasaan ang library pero walang dumadaan kahit isa. Sobrang laki ng school. Hindi ko rin alam kung school pa ba itong matatawag gayong sobrang lawak nito at halos mabali na ang leeg ko sa kakaikot ng ulo ko para mahanap ang hinahanap ko. Hindi kaya'y nasa Hogwarts ako? At sina Blizz at Sapphire ay mula sa Ravenclaw House? So, does that mean also that Dr. Olivia is from Slytherin House? Inalog ko ang aking ulo dahil sa mga sinasabi ko sa utak ko. Dala siguro ito ng pagod dahil sa online class kaya't napupunta sa walang katuturan ang ang mga iniisip ko. Bumuga ako ng hangin saka nagsimula muling maglakad patungo sa library. "Nasaan ba kasi ang mga tao rito sa academy? Do they have a class right now?" I asked myself since I don't see anybody around. As I started to walk again, I was startled by the strange sound nearby that lures me to check into it. I immediately change my direction to my left because I heard that sound from there. Kaagad na bumungad sa akin ang madilim na paligid gayong hindi nasisinagan ng araw ang makipot na daang ito. I hope that I meet someone who can tell me where the library was because I badly want to know myself, not me as Phoenix but me as Zeniya. Sa hindi inaasahan ay may bigla na lang humawak sa kanang braso ko kaya’t natigilan ako. Marahan akong lumingon upang makilala ang taong may-ari niyon ngunit halos hindi ako makahinga nang dahil sa gulat at parang binigyan ako niyon ng libo-libong kuryente sa katawan dahil hindi ko lubos inaasahan ang aking nakikita. "S-sino ka?" utal na wika ko sa matandang babaeng may kurbadong likod, suot ang itim na balabal na wari koʼy ginamit niya upang magtago sa madilim na daang ito. Mula sa maliit na siwang sa itaas na tila malaking kumot lang ang ginawang bubong nitong makipot na daan ay nagbigay ng liwanag iyon mula sa araw upang makita ko ang maputi niyang buhok, matilos na ilong at kulubot na mukha–isang matandang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko nang malapitan dahil sa mga palabas ko lang iyon halos nakikita. "Mag-iingat ka, hija. Hindi ligtas ang lugar na ito para sa mga nilalang na katulad mo," pabulong na saad nito. Kaagad na kumunot ang noo ko nang sabihin niya iyon. "A-ano po ang inyong ibig-sabihin?" tanong ko sa kaniya ngunit blangkong mukha lang ang kaniyang ipinukol sa akin. "May kasama po ba kayo?" tanong kong muli saka nagpalinga-linga sa madilim at makipot na daan ngunit wala akong makita dahil sa dilim. Nang ibinalik ko naman ang aking tingin kay lola ay wala na siya sa aking harapan. "L-Lola?" pagtawag ko ngunit ang natanggap ko lang ay ang boses kong dumagundong sa buong paligid. Bigla-bigla na lang naglaho si Lola nang hindi nagpapaalam. Ni hindi ko rin natanong kung alam niya ba ang daan patungo sa library. Bagsak-balikat na naglakad ako pabalik sa kung saan ako kanina naglalakad bago ko marinig ang malakas na ingay na iyong tila galing kay lola at nang makalabas ako ay hingal na hingal na itinuon ko ang aking palad sa aking tuhod dahil sa pagod kalalakad para mahanap ang daan palabas. Hindi ko alam kung bakit tila natagalan ako para hanapin ang daan palabas. Napakamot na lang ako sa aking batok nang hindi ko na matandaan ang daang dapat ay tatahakin ko kanina. I decided to go to the north which I can clearly see a bunch of big, brown stone-built houses. Siguro naman ay may mga tao sa mga kabahayan na iyon. Nagsimula na akong maglakad habang binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Lola kanina. What does she mean that I am not safe here? Hindi baʼt nasa isang panaginip lang ako at pawang ilusyon lang ang lahat ng ito? Kaagad na naramdaman ko ang pag-iiba ng temperatura habang patuloy akong naglalakad. I can feel how hot was here. Maybe due to the reason that thereʼs nothing above that can block the sunʼs rays. "Sino ka?" someone asked with a deep voice, almost touching my neck with his silver sword. Mabuti na lang ay mabilis na natigilan ako sa aking pagpalakad gayong sa isang hakbang ko lang ay maaaring hindi na ako makagsalita pa gayong sigurado akong totoo at matalim ang kaniyang hawak na espada. Dahan-dahan kong ipinihit ang aking mata upang tingnan kung sino iyon pero agad ko ding ibinalik ang aking tingin sa diretsong daan nang halos maglapat ang kaniyang hawak na espada sa aking leeg. Based on what I saw, he somewhat exudes the warrior vibe. Just that, swordmanship is really evident with warriors as what Tomas told me about the four tribes. Additionally, he was riding on the back of the silver-armored brown horse, that is why, I presume, he is such from that tribe. "Phoe- Zeniya. Z-Zeniya ang p-pangalan ko," kinakabahang tugon ko sa kaniya gayong maling kilos ko lang ay maaaring buhay ko ang maging kapalit. Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kaniyang espada na halos kitlin na ang aking buhay (or maybe to wake me up from this dream) kaya’t nakahinga ako kaagad nang maluwag. "Paumanhin, Zeniya. Hindi ko sinasadya na tutukan ka ng aking espada. Maaari bang huwag na itong makarating pa sa kumandante?" saad nito habang isinisilid ang kaniyang espada sa loob ng kaluban nito. "A-ano po ang inyong ibig sabihin?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. "Hindi pa rin po kasi bumabalik ang aking alaala kaya't hindi ko po alam kung ano ang inyong pakahulugan," dagdag ko habang napapakamot sa likod ng aking ulo. "Ganoon ba? Kung gayon ay maaari mo bang kalimutan na lang na nagkita tayo?" tugon nito ngunit naguguluhan pa rin ako sa kaniyang sinasabi. Mapaparusahan kaya siya kapag nagkataon na gawin niya ang ginawa niya kanina sa akin sa isang maharlika? "Sige, Zeniya. Mauna na ako sa iyo. Magro-ronda pa ako sa kabilang tribo. Maiwan na kita," pagpapaalam niya ngunit natigilan ito kaagad nang hawakan ko ang kaniyang kaliwang braso upang pahintuin siya. "Teka lang po," pauna ko na ikinatingin niya naman kaagad. Ramdam ko ang pagkabalisa sa kaniyang mukha kaya't sigurado ako na takot ang nararamdaman niya ngayon. "Alam niyo po ba kung saan naroroon ang silid-aklatan?" tanong ko. Tila nakahinga naman siya nang maluwag dahil sa aking naging tanong gayong marahan siyang bumuga ng hangin. "Silid-aklatan? Ano naman ang gagawin mo roon?" balik na tanong niya sa akin kaya't agad ko rin naman siyang sinagot. "B-baka lang po makatulong sa aking nawalang alaala at nagbabaka-sakaling makatulong po sa akin na manumbalik na ang aking mga memorya," mahaba kong salaysay na ikinatango naman niya. "Ang malawak na silid-aklatan ng akademya ay makikita sa Townsquare Border. Ang sa pagkakatanda ko ay pili lamang ang mga nakakapasok doon gayong sa oras na mali ang binigkas mong engkantasyon ay maaari kang mapadpad sa ibang dimensyon." Gulat ko siyang tiningnan sa mata. "I-ibig pong sabihin, hindi ako makapapasok doon?" bagsak-balikat na tanong ko sa kaniya. Knowing that I don't know anything about incantations since I am not here from this world, there's no use but to end up traveling to the different dimension he was saying. "Ni hindi po ako pamilyar sa mga engkantasyong ginagamit doon gayong wala nga po akong maalala. May kilala po ba kayo na maaaring makatulong sa akin para matutunan ang bagay na iyon?" mahaba kong dagdag na nagpahulog sa kaniya sa isang malalim na pag-iisip. "May kilala ako ngunit ang pagkakaalam ko ay nasa empermeryal siya. Mula rin siya sa Sorcerer Tribe," tugon nito. Ang pagkakatanda ko ay sina Blizz at Sapphire lang ang napansin ko sa loob ng empermeryal kanina. Mayroon pa bang iba na nasa loob? "S-si Ms. Olivia po ba?" nakakunot noong tanong ko. "Hindi po ba't tila mula siya sa iba pang tribo?" dagdag ko na ikinailing niya lang. "T-teka... Ang tinutukoy niyo po ba ay ang lalaking naroon sa empermeryal at hindi babae?" tanong kong muli. "Oo." Tumango siya bilang sagot. " At tila nagkita na pala kayo kung ganoon," tatango-tango niyang saad habang minamasahe ang kaniyang malagong balbas. "Oo, siya nga, si Cerulean. Sa pagkakaalam ko ay sikat siyang sorcerer mula sa tribo ng sorcerer at kung hindi ako nagkakamali, anak siya ng isa sa mga tagapamahala ng akademya. Maaari kang magpaturo at magpatulong sa kaniya upang maibalik ang iyong alaala ngunit..." Naputol siya sa kaniyang pagsasalita nang isang tila kidlat na hangin ang dumaan sa amin. "Ano po iyon?" kunot noong tanong ko sa kaniya na nagpaseryoso ng kaniyang mukha. "P-pasensiya na, Zeniya. Tila kailangan ko nang umalis sa ngayon. May nararamdaman akong hindi magandang mangyayari," saad niya saka kaagad na hinila ang taling hawak niya mula sa kaniyang kabayo at tila isang bulang bigla na lang nawala sa harapan ko dahil mabilis siyang nawala sa paningin ko. "P-pero..." bulong ko sa walang taong daan na ako na lang muli ang tanging naiwan at tanging ang huni ng hangin na lang ang aking naririnig. "Pero siya nga kasi ang dahilan kung bakit ako tutungo sa library!" pagmamaktol ko. He was the one who told me that going to library will help me to regain my memories, especially to know more about myself. Kapag talaga nakita ko siya, gagawin ko siyang freezer! Padabog na humakbang ako patungo sa diretsong daan. Isang hakbang pa lang ang aking pinakakawalan ay mabilis na napahinto ako dahil sa naramdaman kong isang bagay na halos tumama sa aking pisngi. Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang dahil doon samantalang ang t***k ng puso ko naman ay parang nangangarera dahil sa bilis. "Zeniya, dapa!" sigaw ng hindi pamilyar na boses at walang pag-aalinlangan ko namang sinunod iyon. Napapikit na rin ako dahil ayaw kong masaksihan ang kung ano man ang sunod na mangyayari. The only thing I knew was a cracking sound above me. Marahan kong binuksan ang aking mga mata upang malaman kung ano iyon at agad na bumungad sa akin ang umuusok na yelo sa aking harapan habang binabalutan niyon ang isang patalim, a dagger to be specific. I saw him run towards me and immediately knelt down to offer his hand for me but instead of taking it, I glared at him. "Kaya ko ang sarili ko," I told him. Kaagad naman siyang tumayo saka tumalikod ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay isa muling dagger ang naramdaman kong patungo sa aking direksyon. Mabilis namang natabig iyon ng isang dagger din na gawa sa yelong ginawa siguro ni Cerulean na lumikha ng matinis na tunog. Pagkatapos niyon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na agarang tumayo at tumakbo upang sundan siya. Mabilis ko ring pinagpagan ang aking sarili dahil sa gabok na nakuha mo mula sa maalikabok na sahig. "Kaya mo pala ang sarili mo, huh?!" he whispered as I get near him but enough to hear it from him. "I can hear it," I sarcastically said while we walk through the abandoned alley. "Sandali, sino ba iyon?" kinakapos na hiningang tanong ko habang kami ay tumatakbo sa makipot na daan. "Wala ka ba talagang maalala o nagpapanggap ka lang na walang maalala?" iritang tugon niya sa akin habang tumatakbo. "Isipin mo na ang gusto mong isipin. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. It's okay. You are just a product of my subconscious and everything that happens here was just an illusion called dream." "Kung iyan ang iyong pinaniniwalaan. Pero kung tanging panaginip lang ito, bakit ka nakakaramdam ng takot, ng pagod? At paanong hindi mo kilala ang bida sa sarili mong panaginip gayong nanggaling na mismo sa iyo na ang lahat ng naririto ay pawang ilusyon lang? Dapat alam mo kung ano ang susunod na mangyayari, dahil kung ako sayo, kokontrolin ko ang aking panaginip."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD