Pagkatapos nang nakakapagod na pagtakbo ay napagdesisyunan ko munang magpahinga. Tila wala na rin ang humahabol sa amin at gustong pumatay sa akin kanina.
Marahang isinandal ko ang aking likod sa matigas na pader na yari sa matibay na bloke. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa aking pisngi habang hinahabol ko ang aking hininga ng dahil sa pagod.
Makipot pa rin ang daan habang marahang sumisilip ang araw sa itaas kaya't may kaunting sinag ng araw sa sementadong sahig. Nang iginala ko ang aking mga mata ay tanging mga maliliit na bintana naman ang makikita sa bawat pader na sa tingin ko ay magkakadikit-dikit na kabahayan.
I am really unaware of who it was and what was his or her intention to target me with his or her weapon. Although I am new here, why me all of a sudden? Wala pa naman sigurong nakakaaway itong si Zeniya...
Or otherwise.
"Kaya mo na pala ang sarili mo, huh." Kaagad na napalingon ako sa nagsalita ngunit hindi siya nakatingin nang diretso sa gawi ko gayong abala siya sa pagbabasa sa kaniyang hawak na isang maliit na libro. I just mentally rolled my eyes.
I gave him an intensive shot. Kahit ngayon pa rin ay nahihiwagaan ako sa mga suot nila. Hindi ko mawari kung naiinitan ba sila o hindi sa kanilang kasuotan gayong suot niya ang makapal na asul na balabal kaya't balot na balot ang kaniyang buong katawan. Napansin ko sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib ang isang emblem. Hugis kalasag iyon na nakaburda sa kaniyang kasuotan at makikita ang isang hayop-ang isang agila-na hindi ko alam kung para saan o kung anong sinisimbolo niyon.
Kaagad na napabagsak ako ng aking balikat. Hindi ko na alam kung magigising pa ako sa panaginip na ito. Wala ring kasiguraduhan kung makakabalik pa ako sa totoo kong mundo o dito na ako mamamatay nang hindi ko pa naaabot ang aking mga gusto sa buhay sa hinaharap.
Ni wala rin akong makausap ngayon. Knowing his attitude, I know he won't buy time and will never help me out to know who I really am.
"Tulungan mo ako magtungo sa library," agaran kong wika ngunit nakatitig pa rin siya sa kaniyang libro. He is really not the guy I am looking for in this world because he can't help me to know who I really am.
Wala ba siyang kaibigan? Based on what he was showing at me, he is really not the kind of person who you can easily befriend, or maybe he is just this guy that doesn't befriend anyone because he is a son from the people with position in the academy.
Mas mabuti pa siguro si Tomas. Even though he doesn't have a family, you can tell that he can be easily talked with.
And Kylo...
Agaran akong tumayo mula sa aking pagkakaupo saka pinagpagan ang aking suot. Bakit muntik ko nang makalimutan si Kylo? He is the sole reason why I am here and he is the only one whom I can talk to.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa naudlot naming pagtakbo kanina. Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay narinig ko ang kaniyang boses sa aking likuran.
"Saan ka patutungo?" tanong niya na ikinalingon ko. Nakatayo na siya ngayon habang nakatingin sa gawi ko. Seryoso rin siyang nakatingin sa akin habang hawak ang nakabukas niyang libro.
"Sa silid-aklatan," maikling tugon ko sa kaniya. "Wala ka namang balak tulungan ako 'di ba kaya't mabuti na siguro na hindi na kita abalahin sa iyong ginagawa."
Hahakbang na muli sana ako nang may maalala ako. "Oo nga pala. Salamat sa iyong 'mabuting kalooban' upang iligtas ako," saad ko habang binigyang diin ang salitang mabuting kalooban. Nakakahiya naman kasi sa kaniya na umalis na lang ako nang hindi nagpapasalamat.
Matapos kong sabihin iyon ay nagpatuloy na ako sa aking paglalakad habang naririnig ko naman ang papalayong tunog ng kaniyang sapin sa paa.
Marahan akong sumilip sa aking likuran upang tingnan siya. Napasinghap na lang ako nang makita na naglalakad siya pabalik sa kung saan kami inatake kanina.
So hindi niya nga talaga ako tutulungan?
Iginulong ko ang aking mata. Talagang may mabuti nga siyang kalooban.
Huminga ako nang malalim saka sinimulang ihakbang ang aking paa. Mabibigat na hakbang ang aking pinapakawalan sa hindi ko malamang dahilan.
Siguro ay kailangan ko na talagang magtungo sa library nang hindi humihingi ng tulong mula sa kaniya at maaari rin na makita ko si Kylo habang hinahanap ang daan patungo roon. Mas mabuti na rin siguro na kahit hindi ko magawa nang maayos ang engkantasyon na hinihingi upang mabuksan siguro ang pinto niyon ay mapadpad ako sa ibang dimensyong hindi katulad ng inaasahan ko rito. Maaari rin naman na nasa kabilang dimensyon si Kylo gayong wala siya rito at ni hindi alam ni Tomas ang uri ng ganoong nilalang. Ibig sabihin, wala si Kylo rito sa kung nasaang mundo ako ngayon.
Sa sobrang lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng aking mga paa sa gitna ng masukal na kagubatan.
Malalaki ang mga puno't halos mabali na ang aking leeg upang tanawin kung gaano iyon katataas. Nasisiguro ko na hindi pangkaraniwan ang mga punong nakikita ko ngayon sapagkat hindi pa ako nakakakita ng mga punong gumagalaw mula sa kanilang puwesto habang iginagalaw ang kanilang mga sanga't ugat na nagmistulang kanilang mga kamay at paa na nagdudulot nang marahang pagyanig ng lupa.
Matataas din ang mga damong nakapaligid sa mga ito na nagmistulang palamuti sa kanilang kapaligiran habang binibigyan ng kaunting liwanag ng lumilipad na kulisap ang himpapawid kahit na magtatanghali pa lang.
Sa maikling minutong pinagmamasdan ko sila ay natigilan ako sa aking kinatatayuan at tila kahit ang aking paghinga ay napigilan ko na rin nang tumama ang kanilang mga pares ng mata sa mga mata ko.
Hindi ko napansin na nakatingin na pala sila sa gawi ko dahil sa sobrang pagkamangha na napalitan din kaagad ng takot dahil sa mga tinging ipinupukol nila sa akin. Tila kinikilatis nila ang aking pagkatao o hindi kaya'y iniisip na lang na kanilang maging tanghalian sa araw na ito. Hindi ko mabilang sa aking mga kamay kung ilan sila. Ang nasisiguro ko lang ay nararapat na akong tumakbo ngayon dahil walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ako sa araw na ito.
"Saan ka patutungo?" tanong ng isa sa baritonong boses.
Mabilis na napahawak ako sa nagkakarerang t***k mula sa aking dibdib. Tila kailangan ko na ring sabayan ang bilis ng takbo ng dibdib ko para sa aking pagtakbo sa oras na sumugod ang mga ito sa gawi ko.
"S-sa s-silid a-aklatan," kinakabahang tugon ko sa kanila. "A-alam niyo b-ba kung s-saan ko m-matatag... p-puan ang s-silid a-aklatan?" utal kong dagdag.
"Maaaring naliligaw ka, hija!" saad naman ng isa sa kanila. Kapansin-pansin sa kanila ang malalim na boses ngunit wari ko'y hindi naman dapat sila katakutan. "Tila isa kang karaniwang tao na napadpad dito sa aming kaharian gayong ang maharlika at maginoo ay hindi madalas pumaparito. Ano ang iyong maaaring iaalay upang hayaan ka naming makaalis?!" dagdag niya.
"Ngunit w-wala akong s-salapi upang m-maialay para sa inyo," kinakabahan kong tugon sa kanila.
Ano kaya ang maaari kong gawin kung sakaling wala akong maialay sa kanila? Saan na lang ako pupulutin ng aking walang kuwentang katawang ito? Wala rin naman akong kakayahan upang mailigtas ang aking sarili tulad nina Blizz o Cerulean na may kakayahang manipulahin ang yelo sapagkat hindi ko rin alam kung may abilidad ako tulad nila.
“Sapat na ang iyong kasuotan upang ialay sa amin, hija,” tugon ng nagsalita kanina. “Pansin ko na ang iyong kasuotan ay hindi pangkaraniwan. Maaaring mula ka sa ibang tribo.”
Agad na napatingin ako sa aking suot. Ngayon ko lang napagtanto na nakapangtulog pa rin akong suot–tulad ng suot ko magmula nang maparito ako. Tila pinatuyo lang siguro ang aking suot ng kumandante bago ako makatulog nang inumin ko ang kulay asul na likidong ibinigay ni Dr. Olive sa akin noong gabing iyon sa empermeryal.
“N-ngunit mawawalan ako ng saplot kapag ibinigay ko ang aking kasuotan! Wala na bang iba pang pagpipilian?” tanong ko ngunit seryosong mga tingin pa rin ang kanilang ipinupukol sa akin.
“Ang iyong sarili,” simpleng tugon naman nito na tila hindi agad rumehistro sa akin ang kung anong sinabi niya.
Ibig bang sabihin niyon ay mamamatay na ako sa kanilang mga kamay?
“Mamili ka, hija! Iyong kasuotan o ang iyong sarili?” Halos mapalundag ako nang bumulusok sa gawi ko ang kaniyang humahabang sanga at sa kabutihang palad ay nakaiwas ako kaagad. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
Halos halikan ko na ang lupa sa ginawa kong pag-iwas na iyon at kung nahuli ako ng ilang segundo ay malamang ay nasaksak na ako ng kaniyang matulis na sanga. Hindi pa man ako nakakatayo mula sa aking pagkakadapa ay muling bumulusok sa gawi ko ang kaniyang mga mahahaba at matutulis na sanga. Napapikit na lang ako upang hintayin na dumapo ang kaniyang sanga sa balat ko. Wala na akong magagawa kung dito na ako mamamatay. Ni wala akong kakayahan upang iligtas ang aking sarili sa mapapanganib na nilalang na ngayon ko lang nakita at wala namang maaaring tumulong sa akin kung sakali man gayong kung hindi ako nagkakamali, ayon sa kanila ay madalang lang pumarito ang mga maharlika at maginoo. Kung sakali rin naman na pumarito sila ay maaaring hindi nila ako tulungan gayong hindi nila ako kilala o hindi kaya’y hahayaan na lang gayong sa paningin nila ay isa lang akong karaniwang tao.
Karaniwang tao na hindi ko alam kung anong estado niyon sa lipunang ginagalawan ko ngayon.
“Ayos ka lang ba?” Marahan akong napatunghay sa nagsalita.
Agad na napakunot ang aking noo at nakapagtataka na narito siya. Ganoon pa rin ang kaniyang kasuotan habang ang kaniyang mga mata ay tila nangungusap nang tingnan niya ako sa aking mga mata. Marahan ding nakaluhod ang kaniyang kanang tuhod habang ang isang paa niya ang umaalalay sa kaniyang timbang.
“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. He can’t be here. Mapanganib sa lugar na ito at maaaring hindi lang ako ang nasa mapanganib na sitwasyon sa ngayon.
Marahan akong tumingin sa kaniyang likuran at napakunot kaagad ako ng aking noo gayong ang mga puno na kanina’y halos kumitil ng aking buhay ay naging pangkaraniwang puno na lang na pinaliligiran ng mahahabang d**o at nakabibighaning mga kulisap sa himpapawid.
“Ako ang dapat nagtatanong niyan, Zeniya. Anong ginagawa mo rito? Dapat nasa loob ka ng akademya,” tugon niya sa aking tanong ngunit hindi maiaalis sa akin ang pagkagulo gayong kanina lang ay nakapagsasalita pa ang mga punong iyon.
“Ah... eh hinahanap ko kasi ang silid-aklatan ngunit tila naligaw ako,” saad ko sa kaniya saka marahan akong inalalayan upang makatayo. Agad ko ring pinagpagan ang sarili kong nabalutan ng gabok mula sa aking pagkakadapa saka siya pinasalamatan. “Hindi pa rin kasi ako pamilyar sa daan patungo sa Townsquare Border gayong ngayon lang ako rito.
May kinuha siya mula sa kaniyang likuran saka iniabot sa akin. “Hindi man ako pamilyar sa kung saan ang sinasabi mo ngunit maaari itong makatulong sa iyong paghahanap,” saad niya habang napapakunot noong kinuha ko ang isang lumang tela mula sa kaniyang mga kamay.
“Ano ito?” tanong ko ngunit sinasabi lang ng kaniyang mga mata ay tingnan ko na lang ang kung ano ang nilalaman niyon. Marahan kong binuksan ang nakatuping tela at agad na napagtanto kung ano iyon. “Ang mapa ng akademya?” kunot noong tanong ko sa kaniya.
“Aksidente ko lang na nakita ang bagay na iyan noon ngunit hindi ko alam kung anong nakapaloob diyan. Ni hindi ko rin matukoy ang nakasulat sa loob sapagkat wala akong sapat na kaalaman upang mabasa ang nakasulat.”
“Ayos lang ba na hiramin ko muna ito sandali?” tanong ko sa kaniya na agad niya ring ikinatango.
“Hindi mo na iyan kailangang itanong pa, Zeniya. Wala rin naman akong paggagamitan niyan. Isa pa, hindi ko rin naman mababasa ang mga nakalimbag sa loob sapagkat hindi ako marunong magbasa.”
“S-salamat, Tomas. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang iyong mabuting kalooban. Sa susunod, babawi ako sa’yo.” Tinapunan ko siya ng simpleng ngiti at ganoon din ang ginawa niya.
“Ang pagtulong ay hindi kailanman naghihintay ng kapalit, Zeniya.” Sa sinabi niyang iyon ay gumaan ang loob ko sa kaniya. Kahit na ganito ang antas ng kaniyang pamumuhay, tila hindi siya nakakalimot sa mga nangangailangan.
“N-ngunit may isa lang sana akong hihilingin mula sa’yo.” Napatunghay ako mula sa aking pagbabasa saka hinintay ang kaniyang sasabihin.
“Maaari ba kitang maging kaibigan?”