Mula sa mga matatayog na puno kanina ay nakarating kami sa isang lugar kung saan tanging malilit na d**o lang ang madadaanan habang ang tinig ng mga maliliit na kulisap ay pawang naging musika sa aming mga tainga.
Naupo kami sa damuhan at napagdesisyunan kong tingnan ang ipinahiram niya sa aking mapa kanina.
Ang kontinenteng nakaguhit sa loob ay nahahati sa apat at ang bawat kontinente ay kumakatawan sa apat na tribo. Ang apat na kontinente ay pinagigitnaan ng isa pang kontinente at kung hindi ako nagkakamali base sa hitsura niyon, iyon ay ang akademya.
Sa hilagang bahagi ng akademya ay makikita ang Sorzendom, ang kulay asul na kontinente na wari ko’y kontinente ng Sorcerer tribe. Kung ikukumpara sa ibang tribo ay mas malaki ang hugis nito ng isang beses. Bukod pa roon, makikita rin sa pinakagitna ng kontinente ang isang emblem, ang isang asul na agila.
Ang Gratiorhia, ayon sa kulay nito sa mapa, ay tila kontinente ng Warrior tribe. Makikita ang kontinente sa Timog bahagi ng akademya. Samantala, sa gitna ng kulay pula nitong kontinente ay makikita ang isang kulay pulang ibon. Kung hindi ako nagkakamali ay isa iyong Phoenix. Oh! That's my name.
Sa kanlurang bahagi naman ng akademya ay makikita ang kulay gintong kontinente, ang Agrojan. Makikita sa gitna ang isang kulay dilaw na emblem. Kung hindi ako nagkakamali ay isang pegasus ang emblem na iyon.
“May alam ka ba tungkol sa kontinenteng Agrojan?” tanong ko kay Tomas na marahang napalingon sa gawi ko.
“Ang Agrojan ay ang kontinente ng mga Gunner tribe,” simple nitong tugon sa akin habang nakikipagtitigan sa isang bulaklak na malapit sa kaniyang kinauupuan. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Kung gayon, ang natitirang kontinente ay ang kontinente ng Assassin tribe, ang Veonniphere. Makikita ito sa silangang bahagi ng akademya at makikita rin sa gitna ng kontinente ang kulay berdeng emblem na isang ahas.
So that summarizes the whole continent of each tribes. Although I know where are they in this unfamiliar dimension or effin’ dream of mine, I still don't know what are they capable of doing since I haven't seen them or meet them anyhow.
“Zeniya?” Kaagad na napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang hindi ko totoong pangalan. “Ano ang ginagawa mo rito?” dagdag niya habang naglalakad papalapit sa aking tayo.
“Oh, Sapphire!” bati ko saka tinapunan siya ng pilit na ngiti habang siya ay naglalakad patungo sa aking tayo. “H-hinahanap ko kasi ang silid-aklatan pero ngayon ay napadpad ako rito,” paliwanag ko. “Oo nga pala, kasama ko si...” Dumako ang tingin ko sa aking kanan ngunit...
“Kasama mo si?” tanong niya na agad na tinapunan ko ng pilit na ngiti.
“K-kasama ko ang mga d**o. Oo, tama. Kasama ko ang nga d**o,” pagdadahilan ko. Agad naman siyang napatango sa aking sinabing iyon at nang tuluyan na siyang makalapit sa tayo ko ay tinapik niya ang aking balikat.
“Hindi ka dapat nag-iisa sa ganitong lugar, Zeniya. Masyadong mapanganib sa lugar na ito. Kung gayon ay sasamahan na lang kita patungo sa silid-aklatan.”
Nagpatango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niyang iyon. Sa wakas ay may makapagtuturo na rin sa akin kung nasaan ang silid-aklatan.
Nagsimula na siyang maglakad habang ako ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Nakapagtataka lang na kasama ko kanina si Tomas pero nang dumating si Sapphire ay bigla na lang siyang naglaho. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin na aalis na siya.
“Zeniya!” tawag ng boses kaya’t agad napatunghay ako. Agad na naglakad ako nang mabilis upang maabutan siya. “May problema ba? May kaunti ka bang naaalala tungkol sa lugar na ito?”
“W-wala,” saad ko na lang saka tumango.
Habang tinatahak ang masukal at makipot na daan na dahil sa mga matatayog na kapunuan ay muling nagsalita si Sapphire.
“Ano nga pala ang gagawin mo roon?” tanong niya.
“Ah, eh may nakapagsabi kasi sa akin na maaaring doon ko mahanap ang kasagutan upang manumbalik ang aking alaala,” tugon ko sa kaniya habang napapatango-tango na lang siya.
Iyon na lang din kasi ang huli kong maaaring gawin upang sa gayon ay makilala ko ang aking sarili dito sa mundong ito. And if that happens, I will take that opportunity to find Kylo so that we will go back to our home.
Minsan napapaisip na lang din ako kung nasa panaginip pa rin ba ako gayong ramdam na ramdam ko ang mga nangyayari rito. Ramdam na ramdam ko ang bawat pangyayari na hindi ko nararamdaman sa isang panaginip.
I can feel pain. I feel scared. I feel happy somehow. So I asked myself, was it normal to feel those emotions when I am inside my subconscious?
“Malapit na tayo, Zeniya. Maghanda ka na lang,” saad ni Sapphire kaya’t napatingin ako sa diretsong daan.
Nakikita ko na nga ang isang maliit na liwanag mula sa diretsong daan mula rito sa liblib at masukal na kagubatan ngunit napakunot ako ng aking noo sa sinabi niya nang huli.
Nagpatango-tango na lang ako sa kaniyang sinabing iyon at hindi na inisip ang bagay na iyon. Nang makarating kami ay halos mabingi ako sa kaagad na bumungad sa amin.
Nakakabinging ingay ang kaagad na narinig ko pagkalabas na pagkalabas namin mula sa masukal na kagubatan at pawang ang mga tao na nakikita ko ay sanay na sa ganitong tunog sa kapaligiran.
Ang palitan ng kanilang mga boses upang maibenta ang kanilang mga panindang mga sandata at kakaibang kasuotan ang agad na napansin ko.
I miss these times that we can freely roam to our city but due to the contagious virus, it hindered us to not feel this kind of ambiance of the surroundings at all.
Tila para akong nasa isang pangkaraniwang palengke sa labas ng aking tahanan habang pinagmamasdan ang mga tinderang nagbebenta ng mga gulay at prutas o hindi kaya’y mga karne at iba pang putahe at gamit sa kusina.
“Ano ka ba, Zeniya! Baka mahuli tayo rito ng mga kawal!” Nabigla ako nang hilahin ako ni Sapphire sa aking braso kaya’t halos magsubasob ako sa sementadong daan. Buti na lang ay agad na naalalayan ko ang aking sarili para hindi madapa at nagpahila na lang sa kung saan niya ako dalhin.
So this is what she meant I should be ready about.
Habang tumatakbo ay napansin ko ang pares ng mga mata sa aming direksyon. Their eyes are splendid and its colors are b****y enticing.
Bloody Red. Intense Blue. Mysterious Green. And Exquisite Yellow.
They were as if hypnotizing you by how they spot you with their mesmerizing gazes.
“Bakit nila tayo pinagtitinginan, Sapphire?” takang tanong ko sa kaniya habang tumatakbo pa rin sa gitna ng maraming tao na minsa’y nababangga ko na rin dahil wala akong kontrol sa aking sarili upang maiwasan ang kanilang mga balikat.
Ni hindi ko alam kung nasaan kaming dalawa. Baka maaaring nasa akademya na kami gayong tila pamilyar sa akin ang lugar na ito, ang lugar kung saan una kong nakita ang hindi pangkaraniwang nilalang dito sa aking panaginip, ang Townsquare.
“Saan kayo patutungo?” Kaagad na napatigil si Sapphire mula sa kaniyang pagtakbo at halos mabali na ang aking braso at halos magsubasob ako sa sahig dahil sa kaniyang paghinto gayong napatigil din ako.
“Bwisit na nilalang na ito!” I heard her whisper between her lungs.
“Sa silid-aklatan, sir,” tugon ni Sapphire sa isang kawal na nakasakay sa isang kulay kayumangging kabayo. Suot nito ang isang kulay tansong helmet at nakalagay naman sa kaniyang tagiliran ang isang espada. Tila ganito rin ang nakasalubong ko kanina ngunit ang kaibahan lang ay ang kaniyang helmet na hindi tulad kanina ay kulay pilak iyon.
“Ano naman ang gagawin niyo roon?” dagdag na tanong nito.
“Hindi mo ba nakikita? Isa akong mag-aaral ng akademya. Ibig sabihin patungo kami roon upang magbasa at matuto!” iritang wika ni Sapphire.
Napatango na lang ang kawal na nasa aming harapan saka nagsimulang umabante upang kami ay makadaan.
Akala ko hindi makabasag pinggan ‘tong si Sapphire. Medyo may pagka-philosopher din pala.
Nang makalayo-layo na ang kawal mula sa aming tayo ay agad na napatalon sa tuwa si Sapphire.
Okay? What is she happy about?
“Nakita mo ‘yun! Ang galing ko umarte! Hindi ko inaasahan na magagawa ko yun!” abot tengang wika niya habang patuloy pa rin sa pagtalon.
Binigyan ko lang siya ng simpleng ngiti saka tumango-tango. Hindi naman siya muli pang tumalon bagkus ay nagsimula nang muling maglakad.
“Oo nga pala,” pansin ko kay Sapphire na masiglang naglalakad. Tila wala na rin naman kaming dapat katakutan para kami ay tumakbo pa. “Hindi mo ba nakakasalubong si Cerulean kanina?”
Agad na napahinto siya sa kaniyang paglalakad saka mabilis na lumingon sa akin.
“Hmm... Kilala mo siya?” tanong niya sa akin na agaran ko ring tinanguan nang walang pag-aalinlangan.
“Oo. Nang umalis kayo sa infirmary ay doon ko siya nakilala. At siya rin ang nagsabi na magtungo raw ako sa katiwala ng silid-aklatan dahil maaaring makatulong daw siya upang bumalik ang aking nawalang alaala. B-bakit?”
Halos lumuwa naman ang kaniyang mga mata sa kaniyang narinig mula sa akin. “OMG! You mean Cerulean Snowsky?”
“Hindi ko alam kung anong kasunod ng pangalan niya.”
“Siguro ay siya na nga! Ang aking prinsepe!” tila kumikinang ang mga matang wika ni Sapphire nang sabihin niya iyon.
Oh my goodness nga! Anong nakita ng babaeng ito sa lalaking iyon? Ibinilog ko na lang aking mga mata sa aking isip. She’s is I think charmed by his rotten attitudes. Gusto ko lang naman malaman kung nakasubong niya. Mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko.
I snapped my finger to help her return from her reality. “Malapit na ba tayo, Sapphire?” bali ko sa kaniyang pinagpapantasyahang prinsepe raw niya.
“Guess, narito na tayo!” nakangiting wika ni Sapphire sa akin habang ako ay napapakunot ang noo sa kaniyang sinabi.
“Ngunit wala akong nakikita, Sapphire,” naguguluhang wika ko sa kaniya.
I roam my eyes everywhere and all I can see was a big round enormous space. Wala ring masyadong gumagalang mga tao sa paligid. Tila nasa isa akong open field na walang katao-tao dahil sa sobrang lawak nito. Halos mga pader lang din ang aking nakikita sa malayo at ang mga matatayog na kapunuan sa likod niyon.
“Ang tanging paraan lang upang makapunta sa silid-aklatan ay banggitin ang isang engkantasyon.”
“Alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon ngunit hindi ko alam kung anong engkantasyon iyon,” tugon ko naman. Napatampal naman kaagad sa noo si Sapphire kaya’t napakunot ako ng aking noo.
“Huwag mong sabihing hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon.”
“O-oo, Zeniya.” Pilit siyang ngumiti. “H-hindi ko rin alam ang tamang engkantasyon upang magtungo sa silid-aklatan.”