Chapter 9 - Graffiti

1738 Words
Sobrang nakakabagot gayong wala kaming magawa ni Sapphire upang makapasok sa loob. Akala ko pa naman ay alam ni Sapphire ang engkantasyon para makapasok kami sa loob ng silid-aklatan. Nahanap man namin ang library pero hindi naman kami ganoon kaagad makakapasok. I thought a student like Sapphire knows it but she told me that it was only her second time going here and the first time she went here was that she was with Blizzard. So ironic because she knows where the library was but she doesn't know how to enter. “Siguro ay bukas na lang tayo bumalik, Zeniya. Walang mangyayari sa atin kung maghihintay tayo rito ng himala na may magbukas ng library para sa atin,” saad niya saka tumayo at pinagpagan ang nadumihan niyang school uniform galing sa magabok na sementadong sahig. Matamlay na tumango na lang ako sa kaniya. Wala nga talagang mangyayari sa amin dito gayong tila madalang lang pumarito ang mga estudyante dahil sa pribado nitong library. Ano naman kaya ang nasa loob at bakit tila pili lang ang mga estudyante na nakakapasok sa loob. They should’ve let students to enter unless there’s a dark secret inside of this invisible library thingy. Marahan akong tumayo saka sinundan si Sapphire. “Oh my! May klase nga pala tayo sa ganitong oras. Muntik ko nang makalimutan.” Agad na hinila ako ni Sapphire sa aking braso at halos mawalan muli ako ng balanse dahil sa ginawa niyang iyon. Marunong naman akong tumakbo, bakit kailangang hilahin pa ako sa aking braso? Nagpadala na lang ako sa kaniya at hindi ko mawari kung saan kaming daan dumadaan. Iba ito sa daang tinahak namin kanina at wala akong kaalam-alam sa lugar na ito. “Saan tayo pupunta? Bakit iba ito sa daang dinaanan natin kanina?” tanong ko sa kaniya habang hinahabol ko ang aking paghinga. Hindi siguro siya mabilis mapagod gayong patuloy pa rin siya sa kaniyang pagtakbo kaya’t wala akong magawa kung hindi sabayan ang kaniyang bilis upang hindi ako madapa. Ramdam na ramdam ko na ang pawis na pumapadausdos pababa sa aking pisngi at tila walang balak si Sapphire na tumigil o ‘di kaya’y maisipang magpahinga muna. “Ito lang ang tanging daan upang mapabilis ang ating pagpunta sa klase natin, Zeniya,” saad niya habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Wala naman akong magawa kung hindi ang tumango na lang sapagkat hindi naman ako pamilyar sa daan at tanging siya lang ang may alam kung anong mayroon sa daan na dinadaanan namin. It is quite eerie here. Dahil na rin siguro sa sobrang tahimik ng kapaligiran habang ang mga bawat pader na aming madaanan ay lalo ring nagpadagdag ng takot sa akin gayong puro mga sulat sa pader na kulay pula ang ginamit na pintura. “Sigurado ka ba sa dinadaanan natin, Sapphire?” tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot sa aking naging tanong. I started to feel the cold wind unexpectedly kissing my skin. Saan ba kami pupunta nitong si Sapphire at bakit bigla na lang bumaba ang temperatura sa lugar na ito? Idagdag pa ang nakakatakot na nakasulat sa pader na para bang binabantaan ang kung sino man ang makabasa niyon. “Ipinanganak kami sa mundo mo pero sa aming mundo ka mamamatay,” basa ko sa isa sa mga nakasulat doon habang binigyang buhay iyon ng kulay pulang pintura at ang dripping effect sa text na iyon. Tila may ibang pakahulugan din ang sulat na iyon sa akin. Nakatatakot din ang mga naka-drawing na hindi ko alam kung anong tawag sa mga iyon gayong kulay itim na balabal lang ang kasuotan na tinatakipan ang ulo hanggang paa nito habang may isang sandata itong hawak sa kaniyang kaliwang kamay na nababalot ng dugo. They were all like realistic drawings but it gave me chills down to my spine. “Zeniya!” tawag ng boses sa akin na hindi ko na pala namalayan na nakatigil na ako mula sa aking kinatatayuan. I thought she was still dragging me but it is late to realize that she’s now at the almost end of the alley. “Yeah! I’m going!” saad ko na lang habang napapailing sa kung ano pa ang mga nakikita ng aking mata. Anong pakahulugan ng mga iyon? They are really out of this fantasy-like world. I think it has something to do with bad effin’ people. Marahan akong tumakbo at nang marating ko ang tayo ni Sapphire ay bumungad muli sa akin ang hindi pangkaraniwang temperatura. Kahit na tirik pa rin ang araw mula sa itaas ay hindi maitatanggi na mas lalong bumaba ang temperatura kumpara kanina. “Anong mayroon at bakit ang lamig ng kapaligiran?” tanong ko kay Sapphire na napapangiti na lang sa aking naging tanong. “Malalaman mo rin iyan kapag nakarating na tayo sa ating klase.” wika niya habang ako ay napapakunot na lang ng noo. Muli kaming tumakbo patungo sa aming kanan. Mabuti na lang ay hindi na niya ako hinila pa gayong bakas pa rin ang kaniyang mga daliri sa aking namumulang braso. Nang makalabas kami sa isang makipot at madilim na paligid ay agad na bumungad sa amin ang isang napakalawak na field para sa hindi pamilyar na sport. Ang napakalawak na field ay pinalilibutan ng hindi mabilang sa kamay na matatayog na gusali na wari ko’y yari sa mga matitibay na bato. Wala ring kapintu-pintura ang bawat gusali. Siguro ay nagkulang sila sa budget para kulayan. Kung ako sa kanila, kukulayan ko ang bawat gusali ng mga kulay na nakapaloob sa rainbow, para naman mas makulay ang buhay. Agad na dumiretso kami ni Sapphire sa kaliwang bahagi ng field at makikita sa malayo ang nakaabang na tila kawal na tagabantay. Tila mga estatwa ang kawal na tagabantay gayong nang dumaan kami sa kaniya ay tila wala lang sa kaniya o hindi kaya’y hangin lang kami na dumaan Nang marating namin ang sinasabi ni Sapphire ay halos manigas ako mula sa aking tayo dahil sa halos hindi na ako makaibo sa sobrang lamig. Baka mamaya ay magka-hypothermia na ako nito dahil sa sobrang baba ng temperatura. “Nasaan na ang aking hinihingi?!” Bakas ang pagkagalit sa boses niyang iyon na agad naming narinig nang halos buksan na ni Sapphire ang pinto. Hindi ko alam kung itinuloy ni Sapphire ang pagbukas ng pinto ngunit padabog na nagbukas iyon. “At maaari bang magpaliwanag si Sapphire at Zeniya kung bakit sila huli sa aking klase?” Nakatatakot na tumingin sa amin ang isang matandang babae na may makapal na salamin sa mata. Suot nito ang isang itim na mahabang kasuotang binabalutan ang kaniyang buong katawan. Sa loob ng kaniyang cloak na iyon ay pansin sa loob ang suot niyang kulay asul na uniporme. If I was mistaken, she is also a sorcerer like Sapphire and Blizzard. So this explains the whole cold temperature thing. She is upset about something and I don't know what was she talking about a while back before the door flung opened. “Sapphire, Zeniya, magkita tayo sa opisina ko pagkatapos ng klase,” maawtoridad na saad ng babae saka bumuga ng hangin. Matapos ang ilang sandali ay bigla na lang siyang naglaho nang parang bula sa unahan na nagdulot ng malakas na paghaplos ng hangin sa aking mukha. Kaagad na lumakas ang ingay asa apat na sulok ng kwarto pagkatapos niyang maglaho. Nang inilibot ko ang buong kwarto ay halos malaglag ang aking bibig dahil sa laki ng espasyo ng loob. Makikita ang malalaking parihabang bintana habang marahang tinatakluban iyon ng makapal at mahabang tela. Marahan namang sumisilip ang araw sa labas na nagbigay ng kaunting liwanag sa mga mahahabang lamesang para sa tatlong tao. The color tones are ranging from brown and black for the color of wooden things that can be seen inside and shadows due to sufficient light from the sun respectively. Nang bilangin ko ang mga estudyante sa loob ay mas kaunti ito sa kung ilan ang kaklase ko sa online class. I think these people are ranging from 10 to 15 people whereas my classmates in real life can reach at least 40 people. Nang tuluyan na kaming pumasok sa loob ay tila wala lang kami sa kanila. They were as if all busy doing their own businesses and we are just a wind to have us not being noticed. “Oh hi!” bati ng babae sa harap namin saka binunggo ang balikat ni Sapphire bago siya lumabas ng silid. Pansin ko ang kaniyang malditang aura at bago siya tuluyang makalayo ay nagsalita ako. “Hello, b***h! Do you mind to tell your name?!” Natigilan naman siya sa kaniyang paglalakad saka dahan-dahang lumingon muli sa amin. Her left eyebrows are raised but it didn't intimidate me at all though. I am used to professors who are much intimidating than her. “Oh, tingnan mo nga naman! Zeniya, long time no see! Balita ko wala kang maalala! Umuwi ka na lang sa nanay mo at tila kailangan mo pang dumede.” Tumawa siya nang malakas mula sa kaniyang sinabing iyon at humalakhak din ang kaniyang dalawang kasama sa kaniyang likuran. “Oh! What a nice suggestion!” I smiled at her widely. Ramdam ko ang marahang pagtapik ni Sapphire sa aking balikat. Maybe she’s telling me to refrain from what I am doing but I have just one thing to say to her. “Though mabuti pa pala ang nanay ko may dede, kumusta naman kaya yung sa’yo?” Pagkatapos kong sabihin iyon ay binangga ko ang kaniyang balikat saka hinawakan si Sapphire sa kaniyang braso. “Let’s go Sapphire. A mice is lurking around. Let’s be careful,” I told to Sapphire while directly gazing to that b***h girl. “Bakit mo ginawa iyon?” tanong ni Sapphire sa akin nang makalayo-kayo na kami mula sa aming silid. “Anong ibig mong sabihin?” kunot noong tanong ko naman kaagad sa kaniya. “Anak siya ng kumandante, Zeniya. At kapag nakarating ito sa kaniyang ama... hindi mo alam kung anong mangyayari.” “Oh the commander! Huwag kang mag-alala, Sapphire. Wala man akong maalala sa ngayon tungkol sa aking sarili pero hindi ako natatakot sa kung anong maaaring mangyari sa akin,” saad ko saka kami muling nagpatuloy sa paglalakad upang magtungo sa opisina ng matandang babae kanina. She must be reporting that to his father right at this moment and that’s quite interesting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD