Third Personʼs Point of View Hindi maipinta sa mukha ng apat na magkakaibigan ang kanilang nararamdaman dahil ngayon ay sasabak ang kanilang kaibigan sa isang pagsusulit. Alam nila na hindi pa rin bumabalik ang alaala nito kayaʼt kapag nagkataon, maaaring maging pira-piraso ang buto ni Zeniya. Ni hindi pa rin nailalabas ni Zeniya ang kaniyang abilidad sa isang linggo nilang pag-eensayo kayaʼt walang kalaban-laban si Zeniya sa dating pangalawang ranggo mula sa pagsusulit noong nakaraang taon bago maupo si Zeniya sa puwesto. Zeniya already defeated her last year but at her condition right now, she is no of that skilled before but a bait for a preying tiger. “Ano ba ang gift ni Munsell?” tanong ni Sapphire na katabi ng tatlo kayaʼt bahagyang naguluhan ang dalawang sina Blizzard at Cer

