Chapter 15 - Library

1686 Words
The old building features a few tall walls of antique volumes, although they are largely used as props to set the setting. So this is the library I am seeking for. Is this the right moment to enter? It just happened that whenever I want something in rush, it just won’t give me whenever I want to. Wala na bang hahadlang para hindi ako makapasok sa loob ng library? Wala na ba talagang pipigil? Naramdaman ko na lang ang malamig na kamay nina Blizz at Sapphire na hinawakan ang magkabila kong palad. The only way to enter inside the library is by Blizzard’s gift. According to her, she can teleport at nearby alleys or at the short distances. Blizzard only said an incantation for the library to be visible on our eyes. That is why we only have to teleport inside without casting the secret incantation to have us enter in the library. My vision distorted as I feel the colder sensation from their palms. Sa isang iglap ay biglang akong namangha sa aking mga nakikita. It was not an ordinary library to be exact but a grand white house of the president, yet only for readers and researchers to borrow books to be read and search for everything to help them. Everything was piled everywhere in the bookshelf and all I can say is that it was too lovely to be here. The grand hallway has three lanes which seems to look like an arrow. One at my left and right, and one at my front, straight in the eye. Blizzard leads the way to find us the books we will be borrowing and she chose the straight one. We walked through a black and white chessboard-like floor, creating reflection of the beautiful chandelier above. I can seldomly see people in here. It’s quite more silent than what I’ve been expected. Halos kami lang ang tao na naririto at sa tuwing umiimik kami ay nage-echo ang boses namin. Kahit ang aming mga sapatos ay lumilikha ng paulit-ulit na ingay sa tuwing kami’y maglalakad. The library offers wide tables and convenient chairs. Common na rin naman sa library premise ang magkaroon nito kaya’t hindi na ako dapat mamangha pa roon. Ang pinagkaiba lang ay ang uri ng materyales kung saan ito yari o ginawa. As for my prior knowledge, this was made with a high quality woods, I think, for it was too shiny and beautiful. I can even see my reflection on it. Blizzard took one of the books on the shelf. Tumiyad pa siya nang marahan upang maabot iyon gayong mas mataas sa kaniya sa kung nasaan ang librong iyon. I take a peek at what genre of the book she’s holding and I almost burst into laughter as I saw it. “Oh! You are more into romantic genres, aren’t you?” I teased Blizzard but I just get a glare from her. It was unusual for her to be into lovebirds novels. I thought, she'll be into actions or science fictions. Wala naman akong nakikitang kakaiba na maaari kong kuhanin mula sa book shelf. Everything is more of like a book for teens or young adults and others are encyclopedias. “May nakita ako!” Kaagad na napalingon ako kay Sapphire na nag-echo ang boses sa ginawa niyang halos pagsigaw na iyon. Agad na pinatong niya ang libro habang kami ni Blizzard ay mabilis na nagtungo sa kung saan siya nakaupo kaya’t naupo na rin kami upang tingnan kung ano iyon. “The sorcerer profiles?!” kunot noong tanong ko naman. “Hindi ba’t ibig sabihin niyan ay lahat ng mga sorcerer ay nakapaloob diyan! That means, I can see my profile!” nagagalak na saad ko. “Tama ka!” nakangiting ibinigay sa akin ni Sapphire ang libro. Habang nagbabasa sy muli silang naghanap ng libro na maaaring makatulong sa amin upang mapabilis ang gawain. Halos punuin na rin ang mesa namin dahil sa librong kinukuha nila. All the books were piled at my right and I don’t know if I could read them all or if we could read them all by one sitting. Matatagalan kami sa paghahanap kung ako lang ang magbabasa. Tila nakaramdan naman sila kaya tumigil na sila sa paghahanap mula sa shelf saka naupo sa upuan at nagsimulang basahin ang mga librong kinuha nila kanina. Napapapikit na rin sila sa ginagawa nilang pagbabasa mula sa libro at napapangiti ako na tingnan sila nang ganoon, lalong lalo na si Blizzard gayong mayroon pa kaming alitan ngunit nananatili pa rin sa kaniya ang pagiging mabait na kaibigan. And it really proves that they love their friend, Zeniya and that hits me. Wala akong kaibigan sa totoo kong buhay dahil lagi na lang hinahadlangan nina Mom at Dad kung sino man ang maging kaibigan ko. Ito pala ang pakiramdam ng may kaibigan at nagpapahalaga sa’yo. Tila inaantok na rin ako gayong masyadong nakakaantok ang pagbabasa ng napakaraming libro. Wala namang nagsasalita sa aming tatlo dahil tanging paggalaw lang ng mga mata ang tangi naming ginagawa. “Guys, maaari bang magtanong?” basag ko sa matahimik na apat na sulok ng kwarto. Hindi naman sila lumingon gayong nakapikit sila ng mga mata pero alam ko na nakikinig sila. “Kilala niyo ba ang mga magulang ko?” Tila naalimpungatan sila nang sabihin ko iyon at kaagad na nagkatinginan silang dalawa. “Ano ulit iyon?” tanong ni Sapphire habang humihigab higab at tinatakipan ang bibig. “Nakilala niyo ba ang aking mga magulang?” pag-uulit ko. “H-huwag ka sanang mabibigla, Zeniya ngunit matagal na silang wala magmula nang umatake ang Dark Assassins sa bayan ng Sorzendom,” tugon ni Sapphire na marahan kong ikinabigla. That means I don't have parents in here? And that means I only have myself. How would I know myself more about myself if they are already dead. They should be the one who should tell me about myself, because they were my parents and they know more about who I really am. “Sinasabi na ang mga Dark Assassin ay lubos na mapaghiganti sa lahat ng mga tribo at walang sinuman ang makakapigil sa kanila dahil sa kanilang mga kakayahan. Mabibilis ang mga kilos nila at walang makakapantay sa kanilang bilis kung saan at kailan sila lilitaw sa iyong paningin,” dagdag pa ni Sapphire. “Kung ganoon ay paano ako nakaligtas?” tanong kong muli. Ayon sa sinabi ni Sapphire ay lubos na mapanganib sila at malamang sa malamang ay dapat patay na rin ako nang sinugod nila ang aking mga magulang. “Ayon sa sabi-sabi ay isang lalaki ang nakapulot sa iyo at inalagaan at itinuring kang parang tunay na anak. Ngunit kalaunay bigla na lang siyang nawala. Walang makapagsasabi kung saan na siya nagtungo at hindi namin alam kung paanong ang isang tulad mo ay nakayanang mamuhay mag-isa. Hanggang doon na lang ang nalalaman ko at wala na akong kaalam-alam tungkol sa’yo,” mahabang salaysay ni Sapphire. “Ikaw Blizzard. May nalalaman ka ba tungkol sa akin?” tanong ko naman kay Blizzard na abala sa pagbabasa ng kaniyang libro. “Magkatulad lang kami ng nalalaman,” simple nitong tugon sa akin. “A-ang gift na mayroon ako at class kung saan ako nabibilang, alam niyo ba ang tungkol doon?” muli kong tanong. Labis ang kuryusidad ko sa aking sarili at hindi ko alam kung kailan tatahan ang aking mga malalalim na iniisip. Nang basahin ko kasi ang Sorcerer’s profiles kanina ay wala akong nahanap tungkol sa akin. Tila outdated na iyon upang mapasama ang pangalan ko sa listahan. “Isa kang sorcerer, batay sa iyong mga ninuno. Batay na rin sa kung saan ka napulot ng lalaki nang umatake ang Dark Assassins sa Sorzendom ngunit hindi namin alam kung anong gift ang mayroon ka. Masyado kang masikretong tao kaya’t ang alam lang namin ay kung anong class ka nabibilang. Ni hindi pa rin namin nakikita ang iyong kakayahan bilang isang sorcerer gayong sa lahat ng pagsusulit ay tanging pisikal na pamamaraan lang ang aming napansin sa iyo tulad ng paggamit ng kamao at taktika,” mahabang saad ni Sapphire habang si Blizzard naman ay nakatutok lang sa pagbabasa. So that also summarizes what Cobalt told me. That I am more in physical fighting rather than the ability I have as a sorcerer. What a great match to me because I always win based on Cobalt statement. “Ang totoo kasi niyan ay hinamon ako ng anak ng kumandante sa pagsusulit na magaganap sa susunod na buwan.” Nang sabihin ko iyon ay agad na nanlaking-matang tiningnan nila ako. “Ano?!” magkasabay na wika ng dalawa habang ako ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. “Wala ka pang maalala tungkol sa iyong sarili at wala ka ring kaalaman kung sakali tungkol sa pakikipaglaban. Paano mo siya matatapatan niyan?!” “H-hindi ko alam,” saad ko. “Hindi ka pa naman maaaring umurong sa isang hamon lalo pa’t nasa mataas kang posisyon,” tugon naman ni Sapphire na lalo kong ikinagulat. “A-ano?” gulat na tanong ko naman at halos yanigin ang buong kwarto dahil sa lakas na echo na idinulot niyon. “A-ako? Nasa mataas na posisyon?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Tila hindi naman kapani-paniwala iyon pero kung iisipin, hindi naman talaga ako si Zeniya. Maaaring tama nga na nasa mataas na posisyon ako ngunit paano ko mapapanatili ang aking posisyon kung wala akong kaalam-alam tungkol sa pakikipaglaban? Isa pa, kulang ang isang buwan para sa pag-eensayo dahil masyado akong preoccupied tungkol sa kung paano ko makukuhavang kasagutan kung sino ako. “Isa lang ang natatanging paraan para mapanatili mo ang iyong posisyon Zeniya.” Napatingin kaming dalawa ni Sapphire sa sinabing iyon ni Blizzard. Tila may binabalak siyang hindi maganda dahil sa pinapahiwatig ng kaniyang mga ngisi. “Ano naman iyon?” sabay na tanong naming dalawa ni Sapphire sa kaniya. Marahan siyang tumayo mula sa kaniyang inuupuan at inaro sa akin ang kaniyang kanang kamay. “Zeniya Frozenscribe, hinahamon kita sa pagsusulit na magaganap sa susunod na buwan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD