Phoenixʼs Point of View Marahan kong iminulat ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang paligid. Napahigab pa ako dahil parang inaantok pa ako. Samantala, makikita naman ang bilog na buwan mula sa bintana na binibigyang liwanag ang aking buong kwarto. Tila nakabalik na ako sa aking mundo at pawang ang lahat na nangyari sa mundo kung saan akala ko ay totoo ay isa lamang panaginip, na kahit ang takot na nararamdaman ko ay pawang totoo nang naroon ako sa kabilang mundo. Sinilip ko ang pinto at baka maaaring lumabas din si Kylo katulad ng unang nangyari sa aking panaginip pero nakahinga ako nang maluwag nang makita siya na mahimbing na natutulog sa tapat ng pinto. Naalala ko tuloy siya na may pakpak habang sinasakyan ko ang kaniyang likuran nang makita ko siya. Kaagad na binuksan ko a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


