Nang balutin ng liwanag ang buong paligid ay tila iyon na ang hudyat na ang nakaraan ay muling magbabalik kayaʼt wala pang limang segundo ay mabilis na hinawakan ng limang pinuno ang magkabilang kamay ni Zeniya upang itigil ang kung ano man ang binabalak nitong gawin. Labis naman ang pagtataka ni Zeniya nang makita ang ama na nasa kaniya ring harapan kasama ang iba pang pinuno ng apat na tribo: ang Agrojan, Veonniphere, Gratiorhia, at Sorzendom. Palipat-lipat ng tingin si Zeniya sa limang tao na nasa kaniyang harap gayong labis siyang naguguluhan. "P-paanong-" Ni hindi alam ni Zeniya ang sasabihin sa lima gayong natameme ito kung bakit silang lima ay tila hindi magkakagalit. They are in a situation where the four of the Headmasters of different tribes were able to seize her father bu

