Phoenix’s Point of View Naglakad nang naglakad ako sa may salas ng bahay ni Cerise gayong nag-iisip ako kung paano ako makakapunta sa Sorzendom nang mas mabilis. Tatawid pa kasi ako ng isa pang kontinete bago makarating doon. Kung magsisimula ako sa Gratiorhia ay dadaan pa ako ng akademya upang makapunta roon ngunit ayaw ko namang bumalik sa akademya dahil naglayas nga ako o hindi naman kaya ay sa Agrojan, kaso kung doon naman ako dadaan, masyadong malayo ang aking lalakbayin sapagkat tatawid pa ako ng dagat upang makarating sa Sorzendom. I also don’t get in touch again with Kylo since the day he left us at Veonniphere Continent. If so, I will pass through the clouds so that it will be easy for me to get there, but no, he wasn’t here for me. “Ano bang ginagawa mo at nagpapauli-uli k

