Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kaagad na itinulak ko siya palayo sa akin kaya’t bahagya siyang napaatras mula sa akin.
Hindi maproseso ng utak ko ang ginawa niya sa akin gayong tila naestatwa ako nang yakapin niya ako habang nakasandal ang kaniyang pisngi sa aking balikat.
“A-anong ginagawa mo?” maang-maangang tanong ko sa kaniya kahit obvious na kung anong ginawa niya.
“Z-Zeniya!” Nabali ang atensyon naming dalawa sa isa’t isa nang marinig namin ang pamilyar na boses na iyon.
“S-Sapphire! A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya gayong ang buong pag-aakala ko ay nasa akademya na siya kasama ni Blizzard. “Akala ko, bumalik na kayo sa akademya ngunit bakit ka nariritong muli?”
“Anong bumalik sa akademya?” takang tanong nito sa akin. “Naghanap lang kaming dalawa ni Blizzard ng makakain namin ngunit bigla na lang kayong nawala pagkatapos naming bumalik. Saan ba kayo nagpunta noon?” gatong na tanong niya.
Hindi mag-sink in ang mga tinatanong niya sa akin. Ang buong akala ko ay sinabi ni Blizzard ang lahat tungkol sa nalaman niya noong araw na iyon kaya sila lumisan. Nakita ko pa ngang sinamaan ako ni Sapphire ng tingin bago sila tumalikod. Hindi ba sila galit sa akin? Does that mean also that Sapphire doesn't know anything about it yet?
“Dapa!” Isang sigaw ang aming narinig at agaran din naming sinunod iyon.
Agad na nanlaki ang aking mata nang makita ang dalawang punyal na tumama sa magkabilang puno na nasa unahan namin. Makita ko pa lang ang punyal na iyon ay bigla na lang akong kinabahan.
Isang matinis na tunog ang aking narinig nang sunod-sunod. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tunog na iyon ngunit pamilyar sa akin ang nalilikhang ingay na iyon. Tila ganoon din ang narinig kong tunog noong araw na inatake ako ng isang assassin, at hindi nga ako nagkamali dahil nang sumilip ako sa aking likuran ay nakita ko ang pakikipaglaban ni Blizzard sa isang nilalang na balot na balot ng balabal habang tanging ang matinis na tunog mula sa isang sandatang yelo at ang talim ng isang sandata lang ang aking narinig mula sa kanilang mga galaw habang gumagawa iyon ng liwanag mula sa pagdiklap ng kanilang mga sandata.
Ni hindi ko lubos makita ang kanilang mga bawat pag-atake sa isa’t isa dahil bukod sa bilis ay bigla-bigla na lang silang nawawala.
How could they do that?
Muling tumalsik ang dalawang punyal sa aming direksyon. Halos tamaan ako ng talim niyon at tila bumagal ang galaw ng paligid dahil sa halos pagdikit ng talim sa aking mukha kaya’t marahan akong napapikit habang hinihintay na tumama iyon sa aking mukha. Sa mabuting palad ay muling tumama iyon sa magkabilang puno kaya’t agad akong napabuga ng hangin dahil akala ko ay katapusan ko na.
“Sinong nag-utos sa iyo?!” Agad na napalingon ako sa malamig na boses na iyon ni Blizzard habang hawak sa leeg ang lalaking balot na balot ng itim na balabal ang buong katawan. Nang hindi magsalita ang lalaki ay dahan-dahang itininaas ni Blizzard ang lalaki habang makikita sa kaniyang mga mata ang napakagandang kulay na sumisimbolo sa tribo niya, ang kulay asul. It lightens up a bit as she gives glare to the assassin in front of her, choking him to death.
“W-wala akong s-sasabihin!” matigas na wika ng lalaki habang napapaubo dahil sa tila mahigpit na pagkakasakal ni Blizzard sa kaniya.
“Sinong nag-utos sa iyo?!” seryoso nitong tanong muli habang makikita ang tanda ng kaniyang mga ugat sa kaniyang leeg habang sinasabi iyon.
Blizzard teleported to the nearby tree while constantly wringing the neck of the assassin against the tree. Marks of the assassins body started to show from the body of the tree as Blizzard pressed him against it. She is absolutely enraged. Seems like the guy awakened her inner demon inside her.
Kinakabahang pinapanood ko siya habang ang lalaki ay tila nahihirapan nang huminga dahil sa pagkakahawak niya sa leeg ng assassin.
Tila wala talagang sasabihin ang lalaki kaya’t binitawan na niya iyon sa leeg. Agad na napaluhod ito habang hawak-hawak ang leeg at patuloy na napaubo. Marks of the hand of Blizzard can be seen on the assassin’s neck and it reddened as it is.
Tatayo pa lang ang lalaki ay kaagad na sumigaw si Cerulean mula sa tabi ko.
“Blizzard!” sigaw nito. “Umilag ka!” dagdag nito kaya’t agad na napatingin ito sa gawi namin.
The guy slowly enveloped with crystalline ice, making him stunned to move. If the ice was late for a second, the dagger from the hand of the assassin might thrust Blizzard’s heart.
Nang lumingon ako sa gawi ni Blizzard ay nakita ko na lang na nasa sahig na siya habang marahan namang napapainda sa sakit si Chartreuse na nakadapa at napansin ko rin ang isang sugat mula sa kaniyang kaliwang braso na tila mula sa dagger na dumaplis sa kaniya. Bukod pa roon ay tila hindi pa rin gumagaling ang kaniyang mga sugat at pasa sa kaniyang katawan. Ngunit hindi ko maipaliwag gayong tila sa bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na dumaan na pala si Chartreuse upang iligtas si Blizzard mula sa palihim na pag-atake ng assassin na iyon.
Marahang tumayo si Blizzard mula sa kaniyang pagkakadapa habang pinapagpagan ang kaniyang nadumihang asul na uniporme. Kaagad naman siyang tumingin kay Chartreuse na marahan ding tumayo. “Bakit mo ginawa iyon!” sigaw ni Blizzard kay Chartreuse kaya’t marahan akong napakunot ng noo.
Chartreuse saved her life but why does Blizzard yelled at him? “Kung iniisip mo na magkakaroon ako ng utang na loob sa iyo, nagkakamali ka!” dagdag nito habang tila walang pakialam si Chartreuse sa sinabing iyon ni Blizzard bagkus ay nagpatuloy sa pagpagpag ng sarili mula sa nadungisan niyang pantulog na pinahiram ko sa kaniya noon gayong hindi naman na niya magagamit ang kaniyang punit-punit at balot sa dugo niyang kasuotan dahil sa pag-t*****e sa kaniya ng mga warrior isang linggo na ang nakakalipas.
“Blizzard,” mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan na ikinalingon naman agad niya ngunit seryoso pa rin ang kaniyang mukha. “Niligtas ka niya, hindi ba dapat magpasalamat–”
“Huwag kang makialam, Zeniya!” putol niya sa sinabi ko. “Hindi kita kinakausap!” nanlilisik-matang wika niya sa direksyon ko saka muling tumingin nang diretso kay Chartreuse.
Bahagya niyang tinulak ang kanang balikat ni Chartreuse gamit ang kaniyang hintuturo. “Tapatin mo nga ako. Ikaw ba ang nag-utos sa lalaking ito upang patayin ang aking mga kasama?!” Tinuro niya pa ang lalaking nababalot ng yelo ang katawan nang siya ay magsalita.
Hindi umimik si Chartreuse bagkus ay wala itong ipinakitang emosyon kay Blizzard. “Kinakausap kita, Chartreuse. Sumagot ka!” Nabigla ako sa pagtataas nito ng boses kay Chartreuse. Tila hindi na yata tama na sigaw-sigawan siya nito.
“Hahayaan niyo na lang ba si Blizzard na magsalita ng ganoon-ganoon na lamang?” tanong ko kay Cerulean na nasa aking kaliwa pati kay Sapphire na nasa kanan ko naman.
“Hahayaan para saan?” kunot noong tugon ni Cerulean habang hindi naman umiimik si Sapphire sa tabi ko gayong tila natatakot siya sa galit na si Blizzard na tila ngayon niya na lang muli nakitang ganoon kagalit.
Marahan akong tumayo saka lumapit sa puwesto nina Blizzard at Chartreuse. Bahagya ko pang narinig ang boses ng dalawang sina Cerulean at Sapphire mula sa aking likuran na tinawag ang aking pangalan ngunit hindi ako lumingon bagkus ay diretso lang ako sa aking paglalakad.
“Tama na Blizzard!” singit ko sa dalawa habang itinago ko sa aking likuran si Chartreuse dahil baka ano pang mangyari kung magpapatuloy ang kanilang away.
“Tumabi ka, Zeniya. Hindi ikaw ang kinakausap ko!” galit na galit na wika niya na halos mapunit na ang kaniyang leeg dahil sa kaniyang ugat na nagwawala na rin sa galit.
“Hindi! Hindi ako uupo sa tabi lang at hahayaang mayroon kang masaktan dahil sa iyong galit!” pagmamatigas ko.
“Tatabi ka o babalutin kita ng yelo tulad ng lalaki sa iyong kaliwa?!” banta nito sa akin ngunit hindi pa rin ako nagpatinag sa kaniyang mga salita.
“Hindi ako tatabi, Blizzard,” matigas na wika ko. “Ano naman kung siya nga ang nag-utos sa lalaking iyon, anong gagawin mo? Sasakalin mo rin siya tulad ng pagsakal mo sa lalaking iyon kahit wala kang ebidensiya na siya nga ang nag-utos sa kaniya?”
“Tumahimik ka!” malakas na dumagundong ang sigaw niyang iyon sa tainga ko saka iwinasiwas ang kaniyang kamay upang tabigin ako palayo.
Sa hindi ko inaasahan ay tumalsik ako patungo sa malapit na puno at malakas na napasandal doon. Ramdam na ramdam ko ang aking likod na tila humulma sa katawan ng puno kung saan ako napasandal. Halos hindi rin ako makapagsalita dahil sa lakas ng pwersa na ibinigay ni Blizzard sa ginawa niyang iyon. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan pagkatapos dahil sa impact ng likod ko sa puno. Tila may nabali ring buto sa likod ko kaya’t hindi ko maigalaw ang aking buong katawan.
Marahan akong tumunghay upang makita si Blizzard mula sa malayo. I can pretty feel her rage towards Chartreuse as she spoke at him and later, Chartreuse started to be enveloped with an ice too like what she did to the assassin a while back.
Mahina akong humiyaw dahil sa nangyayari kay Chartreuse at wala ako roon upang iligtas siya. Sa halip na boses ang lumabas sa bibig ko ay napaubo na lang ako kaya’t tinakpan ko ang aking bibig.
“B-blood,” I spoke to myself as I saw thick red blood on my hand. I smiled back to my blood while my vision started to be blurry.
Marahan akong tumungo dahil sa nararamdaman kong sakit mula sa dibdib ko at marahan akong napangiti dahil sa isang malamig na bagay na nakatarak sa aking dibdib.
“Zeniya!” marahang pagtawag ng kung sino sa akin habang marahan ding tinatapik ang aking pisngi.
Bahagya ko nang naipipikit ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon. Nakikita ko pa rin mula sa aking tayo ang taong hindi ko inaasahang sa kaniya’y mahuhulog ako nang hindi ko inaakala at ang isang kaibigan na hindi ko kailanman makakalimutan dahil sa kaniyang masayahin at maalalahaning personalidad.
Finally, the last chance of living that their deity gave me expired already and now I am fighting between life and death.