Chapter 29 - Closer

1784 Words
Wala sa sarili akong nakatingin sa sahig habang nakahiga sa sofa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag ang nangyayari. How could he fall for me as easy as that? Halos isang linggo pa lang kaming magkasama at sasabihin niya sa akin na may gusto na siya kaagad sa akin? That’s absurd, right? And if we will compare my feelings toward Cerulean, that’s really a different page as his. Hindi ko rin alam ang tamang paliwanag pero hangga’t maaga ay kailangang mawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya. How would I fall for someone who is not real? Ang lahat ng nakikita ko ay pawang ilusyon lang at gawa-gawa lang ng aking panaginip ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit sobrang tagal ko nang naririto sa mundong ito pero bakit hindi pa rin ako nagigising? Maaari kayang patay na ako at naglalakbay ako sa hindi makamundong mundo? Iwinasiwas ko na lang ang nasa isip ko saka bumangon at naupo sa sofa. Hangga’t maaga ay dapat naglalakbay na muli ako upang sa gayon ay makarating ako kaagad sa Gratiorhia. Marahan akong bumuga ng hangin saka tumayo. Kinuha ko naman ang aking malaking bag na katabi ng kabinet saka nagsimulang isilid ang aking mga gamit sa loob mula sa maliit na kabinet kung saan naroroon ang aking mga gamit. Wala na dapat akong sinasayang na panahon at ang paghilata sa loob ng maliit na silong na ito ay dapat ginugugol ko sa aking paglalakad o paglalakbay. Habang nag-iimpake ay may sumaging katanungan sa akin. “Bakit kailangan kong malaman ang tungkol sa buhay ni Zeniya gayong may sarili naman akong pag-iisip? Isa pa ay kaya ko namang mabuhay kahit wala akong abilidad at gift.” “Dahil maaaring may rason ang pagkawala ng totoong Zeniya kaya ka napadpad sa lugar na ito.” Kaagad na napalingon ako sa nagsalita at marahan akong napatango sa sinabi niyang iyon mula sa isip ko. Maybe I really am here for a reason and maybe it is also connected to why Zeniya went out from her body and why I am filling her life in even though I can kill Zeniya at no time because of my clumsiness and impulsiveness. After realization, I am also done with packing my things up. Agad ko namang sinukbit ang aking bag sa aking likuran pagkatapos at nagsimulang maglakad palabas. “Teka, s-saan ka pupunta?” tanong niya sa akin habang siya ay abala sa paggagamot ng kaniyang mga sugat at pasa sa mukha at iba pang parte ng katawan. Marahan akong huminto sa aking paglalakad saka nagsalita. “Patungo pa rin sa Gratiorhia!” tugon ko ngunit hindi ko siya nilingon. “Sasama ka ba sa akin o hindi?” seryoso kong tanong sa kaniya. Naghintay ako ng kaniyang magiging tugon ngunit pagkatapos pa ng ilang sandali ay hindi naman siya sumagot kaya’t dumiretso ako sa aking paglalakad patungo sa maliit na butas. Inalis ko muna ang aking bag sa aking likuran saka ibinato iyon patungo sa maliit na lagusan palabas. Muli akong gumapang upang mapagkasya ang sarili sa makipot na daan at nang makita ko ang liwanag mula sa aking pwesto ay napabuga na lang ako ng hangin. Nawa ay gabayan ako ng kanilang kinikilalang Bathala upang makaligtas ako sa ano mang kapahamakan na maaaring sumalubong sa akin pagkalabas na pagkalabas ko mula rito sa aming pinagtataguan. This is my another chance to redeem my memory and I hope this chance would be successful. Makalipas pa ang ilang sandali ay nakalabas na rin ako mula sa hukay saka pinagpagan ang sarili dahil sa nadungisan kong cloak. Kaagad na kinuha ko rin ang aking bag mula sa lupa saka isinukbit iyon sa aking likod. Nang suriin ko ang paligid ay napakaganda pa rin ng kapaligiran gayong makikita pa rin ang iba’t ibang kulay ng mga dahon ng puno habang sumisilip naman ang ibang mga kulisap sa kanilang mga lungga. Tamang-tama lang din ang klima ngayon gayong hindi gaanong mainit at hindi gaanong malamig. Tila natatabunan ng makapal na ulap ang haring araw. Nang masiguro kong walang tao sa paligid ay masaya kong inihakbang ang aking paa sa lupa ngunit kaagad din akong natigilan nang may biglang sumulpot sa aking harapan. “Anak ng pitumpu’t pitong puting tupa!” gulat na wika ko saka marahang napaatras. Kaagad na hinawakan ko rin ang aking dibdib na kaagad bumilis ang t***k ng dahil sa gulat. “Isa siya sa miyembro ng Dark Assassin, Zeniya!” seryoso niyang wika sa akin. “Halika na at babalik na tayo sa akademya!” Hinawakan niya ang aking braso ngunit agad na iwinasiwas ko iyon upang matanggal ang pagkakahawak niya roon. “Ayaw kong bumalik sa akademya, Cerulean,” seryoso kong tugon. “Kailangan ko pang magtungo sa Gratiorhia upang sa gayon ay mahanap ko ang unang sorcerer at nang sa gayon ay bumalik na ang aking mga alaala!” gatong ko pa. “At paano mo masisiguro na ligtas ka sa iyong paglalakbay?!” tanong niya sa akin kaya’t bahagya akong natahimik. “Siya ang lalaking halos pumatay sa iyo noon!” “A-ano ang ibig mong sabihin?” kunot noong tanong ko sa kaniya gayong naguguluhan ako sa kaniyang sinabi. “Natatandaan mo ba iyong araw na may sumugod sa iyo gamit ang isang punyal?” tugon niya sa akin kaya’t marahan akong napatango. Paano ko naman makakalimutan ang araw na iyon gayong halos mamatay ako noong araw na iyon? “Siya ang taong iyon, Zeniya. Kaya’t hindi ka maaaring manatili rito! Hindi ka ligtas dito, at sa kaniya!” Peke akong ngumiti sa kaniya. “Bakit mo sinasabi sa akin ito ngayon? Bakit tila nag-aalala ka sa akin? Mayroon ba akong dapat malaman mula sa iyo?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya gayong naguguluhan ako sa kaniyang ipinapakita sa akin. “Dahil kaibigan kita, Zeniya! Kaibigan ko ang dati at ngayong Zeniya!” tugon niya sa akin. Mapait akong ngumiti nang marinig iyon mula sa kaniya. Tama! Nag-aalala siya sa akin dahil kaibigan niya ako. Kaibigan niya lang ako at wala nang mas hihigit pa bukod sa pagiging kaibigan. Ano bang inaasahan ko? Na mayroon din siyang nararamdaman para sa akin? How would I assume things that won't happen? Kaagad na pinanusan ko ang tumulong luha sa aking kaliwang mata. Tila hindi niya naman iyon napansin kaya’t kaagad rin akong ngumiti nang mapakla. “Huwag kang mag-alala, Cerulean. Kaya ko naman ang sarili ko.” Muli ko siyang nginitian ng mapait saka hinigpitan ang hawak sa hawakan ng aking backpack saka nilagpasan siya. Sa pangalawa kong paghakbang ay muli akong natigilan nang hawakan niya ako sa aking braso kaya’t napalingon akong muli sa kaniya. “May nakalimutan ka pa bang sabihin sa akin?” seryoso kong tanong. Halos matawa ako sa sinabi kong iyon gayong nagawa ko pang tanungin ang bagay na iyon sa kaniya sa kabila ng nararamdaman ko sa oras na ito. I want to give myself a round of applause because of my acting skills, to not show him that I am not really hurt. “Pakiusap, Zeniya! Makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang,” matamlay na saad niya habang tila nakikiusap rin ang kaniyang mukha upang makumbinsi ako na sumama ako sa kaniya pabalik sa akademya pero buo na ang desisyon ko. Kahit pa buhay ko ang maging kapalit, I will risk anything just to know who I am so that I will know why does me of all people and why me to fill in her unfinished assignment here in other dimension? Marahan akong umiling saka dahan-dahan kong binawi ang aking braso mula sa kaniya. “Alam ko na mapanganib pero mas pinipili ng isip ko na malaman kung bakit ako narito at kung sino ako. Pakiusap, Cerulean, hayaan mo na ako. Pabayaan mo na ako.” Tumalikod na ako pagkatapos at muling inihakbang ang aking paa sa malambot na lupa habang marahang dumadampi sa aking balat ang maliliit na ligaw na d**o. “Bakit ang dali lang para sa iyo na itapon ang sarili mong buhay? Wala ka ba talagang pakiramdam?” Marahan akong natigilan sa kaniyang huling sinabi. “Paano naman kaming kaibigan mo na nag-aalala para sa iyo? Alam mo, napakamasarili mo! Wala kang inisip kung hindi ang sarili mo lang!” malakas na wika nito mula sa aking likuran. “Hindi ka na talaga ang Zeniya na nakilala ko. Ibang-iba ka na! Nagbago ka na! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na lang kita tinulungan nang halos malunod ka sa ilog. Sana hinayaan na lang kita upang sa gayon–” “S-sandali!” putol ko sa kaniya. “Anong tinutukoy mong ilog?” kunot noong wika ko sa kaniya. No way he is the one who helped me out from there. It was Tomas if that is what he pertains to. “Ang ilog ba na tinutukoy mo ay ang ilog din kung saan naparusahan ako dahilan upang mawalan ako ng alaala?” Hindi naman siya sumagot bagkus ay nakipagsukatan lang sa akin ng tingin. “Kung iniisip mo na ikaw ang tumulong sa akin, hindi ako naniniwala! Si Tomas ang tumulong sa akin noon at hindi ikaw!” pagmamatigas ko. Hindi pa rin siya umimik kaya’t marahan akong napangisi. “Tama! Paano nga ba ako maniniwala kung hindi ka man lang sumasagot o umiimik sa lahat ng mga sinasabi ko? Oo nga pala, nakalimutan ko, hindi ka nga pala masyadong umiimik kaya para akong tanga ritong imik nang imik habang wala naman akong natatanggap na sagot mula sa–” Halos manlaki ang aking mga mata nang biglang lumapit ang aking katawan patungo sa kaniya. Ni hindi ko rin naman ginagalaw ang aking mga paa. Bahagyang napadikit ang aking katawan sa kaniyang dibdib kaya’t muling bumilis ang t***k ng dibdib ko. Nang itunghay ko ang aking ulo ay agad kong naiatras ang aking katawan ngunit mabilis din niya akong hinawakan sa aking likod upang ilapit ako sa kaniya. Dahan-dahan niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa mukha ko habang napapaatras naman ako ng aking ulo dahil halos maglapit na rin ang aming ilong sa isa’t isa. It was my first time to be this close at him until his blue eyes met mine which made my heart thumped again uncontrollably. “A-anong sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya habang ramdam ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa lapit namin sa isa’t isa. “Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan, Zeniya.” Mula sa seryoso niya kaninang mukha ay napalitan muli iyon ng matamlay at nangungusap na mata. “Anong ginawa mo sa akin Zeniya upang mag-alala ako sa’yo ng lubos?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD