Chapter 28 - Small Room

1827 Words
I scanned the surroundings and I wish no one tailed me. I have with me an green herbal leaves and some fruits, ranging in colors blue, violet, pink, and green. My eyes roam at different angles, which is very unknown to me in the first place. Tons of trees again with variety of leaf colors–blue, red, peach, rusty brown, and other shades of green–can be seen everywhere while the little light bugs brought decorations to it. Sky was pale blue in color and it seem to be an indecisive weather again. Nang masiguro ko na walang nakasunod sa akin ay marahan akong lumuhod upang mapagkasya ko ang aking sarili sa maliit na hukay, sa ilalim mismo ng isang malaki at matabang puno saka dahan-dahan akong gumapang papasok sa loob. Dahil din sa kuryusidad ay natuklasan namin ito upang gawing pansamantala naming maging silong sa darating na malakas na ulan. Ayon kasi kay Chartreuse ay tila napadpad kami sa Aeradale na sakop din ng Veonniphere continent kung saan sa tuwing sasapit ang gabi ay bubuhos ang malakas na ulan samantalang sa tuwing sisikat naman ang araw ay maaaring makaramdam kami ng init o lamig dahil sa pabago-bago ng klima rito. Halos tatlong araw na rin ang nakakalipas nang makita kong muli ang aking ama mula sa isang pangitain ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nangyayari ang ganoong bagay gayong hindi naman lingid sa aking kaalaman ang magkaroon ng ganoong vision sapagkat hindi ako si Zeniya. Nananatili pa rin naman ang alaala ko mula sa totoo kong mundo at ang makita mula sa isip ko ang nangyari sa aking ama ay hindi na sakop ng aking memorya. If that is one of the reasons or hints to have Zeniya’s memories back, it was really a good start. Tila ito na ang simula na malapit ko nang makilala kung sino ako sa mundong ito. Although, I don’t know what will happen next if I knew myself or learn who I really am after that. Will it change me after knowing myself? Yet, it is still a must to have even a single piece of memory about me because maybe, I am not a sorcerer without a gift or a sorcerer but useless. “Hindi ka useless!” Napalingon ako sa kanan ko nang magsalita si Chartreuse sa kaniyang kinauupuan. He is still recovering from the wounds and bruises after those three days of our walking journey and here we are, our feet brought us here to Aeradale. Marahan akong napangiti sa sinabi niya pero kaagad ko ring binawi. “Hindi ba’t isa sa rules natin ay walang gagamit ng gift o hindi kaya’y class’ ability?!” pagpapaalala ko sa kaniya. “A-aksidente ko lang namang nasabi nang malakas ah. Mabuti pa nga at pinuri kita no!” pag-depensa nito sa aking sinabi na marahan kong ikinangiti. Sino ba naman ang mag-aakalang magiging kaibigan ko siya sa maikling panahon naming magkasama? Ngunit hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang kalagayan nina Sapphire, Blizzard, at Cerulean. Kamusta na kaya silang tatlo? Bumalik na kaya sila sa akademya at mas piniling huwag na lang akong tulungang mahanap ang matandang salamangkero? Ngunit mabuti na rin iyon na wala sila rito at nasisiguro ko na nasa maayos sila na kalagayan. Masyadong mapanganip kung kasama ko pa sila rito gayong maaaring nasa paligid lang ang mga nilalang na gusto akong paslangin. Ngunit ano naman kaya ang kapangyarihan ni ama upang maging ganoon na lang ang pagnanais ni Laurel na makuha ang kapangyarihan niya? Was it a class ability or a gift or a tangible power like throne or crown? Napabuga na lang ako ng hangin sa aking mga iniisip saka kinagatan ang prutas na pinitas ko kanina lang sa isang puno na iba’t iba ang bunga. Wala naman sigurong masama na pumitas ng ilan gayong kumakalam na rin ang aking sikmura dahil gutom na gutom na ako. Naging routine ko na rin ang pumitas ng prutas at tanging iyon na lang ang sumasayad sa aming tiyan ni Chartreuse. Wala naman kaming magagawa dahil ayaw naming magpakalayo-layo sapagkat mapanganib pa rin ang labas. Oras na makapagpagaling na si Chartreuse ay doon lang kami maaaring lumabas sapagkat manunumbalik na rin ang kaniyang lakas. Pinaalis ko na rin sa kaniyang katawan ang nangangalawang na kadena upang makakilos siya nang maayos gayong nagiging sagabal din iyon sa kaniyang katawan dahil masyado pala iyong mabigat. Makatapos kong makagapang nang halos limang minuto ay narating ko na rin ang aking patutunguhan, sa dulo ng maliit na butas ng lagusan ay lumabas ako roon at kaagad na inabutan naman ako ng kamay ni Chartreuse upang tulungan ako sa aking mga dala mula sa aking balabal na ginawa kong supot para sa aking mga dala. Marahan naman akong tumayo at muling nasilayan ang kamangha-manghang kwarto na matagal na ring hindi nabibisita dahil sa mga agiw at gabok na pinaligiran ang paligid noon ngunit naisayos naman kaagad dahil kay Chartreuse gamit ang kaniyang abilidad. Ngayon ay magarang nakasaayos ang mga kagamitan sa loob. Sa isang maliit na kabinet na gawa sa kahoy ay nakalagay ang aking mga kagamitan na mula dala kong malaking bag. Isa namang sofa na yari sa kawayan ang makikita sa tabi ng kabinet kung saan doon naupo si Chartreuse matapos akong tulungan sa aking mga bitbit na prutas kanina at isang maliit na lamesa naman ang nakalagay sa harap ng sofa na gawa rin sa kawayan. We are at the underground safe place and I hope we really are safe here for the mean time. Idagdag pa na masyadong matatalino ang mga miyembro ng Dark Assassin patungkol sa pasikot-sikot dito sa Veonniphere dahil taga-rito sila noon, I hope we can’t be traced in here. Muli kong kinagatan ang hawak kong prutas na tila pinagsamang lasa ng mansanas at kalamansi mula sa mundo ko kaya’t masyadong maasim ang mansanas na pupunan na naman ng aking kumakalam na tiyan. Tila puro acids na ang laman ng tiyan ko araw-araw. “Z-Zeniya!” Kaagad na napalingon ako sa boses ni Chartreuse na nakatayo na ngayon mula sa inuupuan niyang sofa. “M-may dapat akong ipagtapat sa iyo!” dagdag nito ngunit tanging pagtingin ko lang sa kaniya ang aking naging tugon na walang kaemo-emosyong lumabas mula sa aking mukha gayong naboboryo na ako sa pananatili rito sa loob. “H-huwag ka sanang mabibigla o magagalit!” Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya gayong puno ang aking bibig ng kinakain kong prutas. “Ang totoo niyan...” Tila kinakabahan siyang sabihin sa akin ang kung ano man ang nais niyang sabihin. Ano naman kaya iyon at tila nangangamba siya sa aking magiging reaksyon? “Hmm?” I hummed as a reply as I continuously grinding the fruit from my mouth. “I-isa talaga ako sa...” Marahan siyang napahinto sa kaniyang sana ay sasabihin sa akin at tila hindi siya mapakali kung sasabihin niya ba sa akin iyon o hindi gayong palinga-linga ang kaniyang mga mata sa paligid. “Sa?” tanong ko sa kaniya upang muli niyang ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. “Sige na, sabihin mo na!” pagpapatuloy ko. Marahan naman siyang bumuga ng hangin saka nagsalita. “I-isa talaga ako sa mga miyembro ng Dark Assassin!” mabilis nitong wika at kaagad akong napaubo dahil marahan akong nasamid sa nginunguya kong prutas. “A-ano?!” Tila hindi maproseso ng aking utak ang sinabi niya. Napakagandang biro naman niyon. “I-ikaw ha! Huwag ka ngang nagbibiro!” nauutal na wika ko habang peke akong tumatawa gayong ngayon ko lang napagtanto na kung anong ibig sabihin ng kaniyang sinabi. How dramatic my life was! Marahan akong napatayo mula sa sahig na aking inuupuan na malapit sa may parte ng kabinet habang kinakabahang tinitingnan siya. “Tama ba ang lahat ng narinig ko?! T-totoo ba na... na mula ka s-sa... p-pero–” nauutal na wika ko at hindi ko lubos maisip na ang isang tulad niya ay totoong nanggaling sa organisasyong iyon. Marahan akong umatras patungo sa maliit na butas o ang lagusan palabas habang hawak ang aking dibdib na nangangarera dahil sa aking narinig. Bahagya ko pang natabig ang isang upuan habang umaatras kaya’t napaupo ako sa sahig gayundin ang upuan na natumba dahil sa ginawa ko. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Tila nablangko rin ang aking utak upang gumawa ng paraan para makatakas dito. Of all the people, bakit siya pa? Paano niya nagawang paikutin ako at pinaniwalang mapagkakatiwalaan ko siya? And why does everyone cannot be with me? Bakit kailangan na lahat ng taong pinahahalagahan ko ay hindi pwedeng manatili? “P-paano mo n-nagawa sa akin ito?” malungkot na wika ko sa kaniya habang matamlay na tiningnan siya. “Pinaniwala mo ako at pinaikot na maaari kitang maging kaibigan ngunit ikaw rin pala ang papatay sa akin!” dugtong ko habang ramdam ko na may namumuo ng luha sa aking mga mata Mayamaya pa ay hindi ko namalayan na bumuhos na pala ang aking luha sa gilid ng aking mga mata habang mabilis pa ring tumitibok ang puso ko. He knew everything about me but I don't know anything about him and it is my fault to trust someone easily. “H-hinding-hindi ko magagawang saktan ka, Zeniya,” mahinang wika niya saka sinubukang lumapit sa akin ngunit agad na itinaas ko ang aking kamay upang pigilan siya kahit hindi ko alam kung makikinig siya. That’s because he can kill me right now since I am weak and off guard. “Pero nasaktan mo na ako, Chartreuse,” matamlay kong tugon. Kaagad na pinunasan ko ang muling bumagsak na luha mula sa aking mata saka marahang tumayo. “Hindi man pisikal ngunit sinaktan mo ako rito!” Itinuro ko ang aking dibdib habang sinasabi iyon sa kaniya at paulit-ulit na sinusuntok ang aking dibdib. Sa hindi ko inaasahan ay naramdaman ko na lang siya na nakatayo sa aking likuran habang pinipigilan ako sa ginagawa kong pagsuntok sa aking sarili. “Bakit?” mahinang wika kong muli habang pinipilit bawiin ang aking braso mula sa kaniyang pagkakahawak. “Habang may pagkakataon ay patayin mo na ako ngayon, Chartreuse! Upang sa gayon ay matapos na ang iyong misyon!” lumuluha at walang ganang wika ko sa kaniya. “Hinding-hindi ko magagawa iyon, Zeniya,” muli niyang tugon na katulad ng sinabi niya kanina. “Bakit?! Bakit hindi mo magawa! Huwag kang maawa sa isang tulad ko dahil isa lang akong hamak na nilalang na hindi kilala ang sarili!” saad ko habang umiiyak. “Dahil... dahil gusto kita!” mahinang tugon niya ngunit sapat na upang marinig ko kaya’t agad na natigilan ako. Tila muling naestatwa ang aking utak sa pagproseso ng sinabi niya at kumalas mula sa kaniyang pagkakahawak sa akin saka humarap sa kaniya. “A-anong sinabi mo?” tanong ko. “Gusto kita Zeniya at kahit parusahan ako ni Pinuno, hinding-hindi ko magagawang saktan ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD