CHAPTER 39 THIRD PERSON POINT OF VIEW Habang abala sa pag-higop ng mainit na kape ang lalaking nasa 40s, matikas pa rin ang tindig at seryoso ang mga mata, bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Pumasok ang kanyang assistant, hingal na hingal at punong-puno ng kaba sa mukha. Napakunot ang noo ng lalaki, agad na inilapag ang tasa sa mesa. “Anong balita?” malamig at diretso niyang tanong. “Sir… nakita na po namin si Madam. Nasa poder siya ng isang mayamang lalaki.” Saglit siyang napaisip. May bahid ng kaba ang pagkakapikit ng kanyang mata. “Mayamang lalaki?” ulit niya. “Hindi kaya si Xander Belfort…” “Oo po, Sir. Posible. Base sa mga litrato at impormasyon, parang matagal na siyang nandoon. At… mukhang masaya siya. Wala pong indikasyon na pinipilit siya roon.” Napalapit siya sa mes

