CHAPTER 68 CELETINA POV Habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ng condo, hawak ang isang baso ng pulang wine, hinahayaang lamunin ng city lights ang paningin ko, biglang umilaw ang cellphone ko. Vino. Napakunot ang noo ko. Hindi kasi basta-basta tumatawag ang lalaking ‘to kung walang mabigat na dahilan—at kilala ko siya, hindi titigil hangga’t hindi ko sinasagot. Kaya, kahit may inis sa boses ko, sinagot ko rin. “Ano ba ‘yon, Vino?” tanong ko, pilit na kalmado pero halata ang iritasyon. “Tinatanong ko kung buhay pa si Georgelyn… o kung siya ba talaga si Georgelyn,” deretsong sagot nito. Napahinto ako. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko habang naglalakad papunta sa sofa, iniwan ang malamig na hangin mula sa bintana. “Nakuha ko na ‘yung DNA test na pinagawa mo,” aniya, seryoso ang

