CHAPTER 25 HAZEL POV Pagkababa ko pa lang ng sasakyan sa tapat ng mansyon, napatigil ako sandali. Parang may kung anong kaba sa dibdib ko—hindi ko mawari kung dahil ba sa hiya, takot, o kaba na makita silang muli… lalo na ang mga bata. Pero hindi pa man ako tuluyang nakalapit sa pinto, bigla na lang bumukas ito at nagsalubong ang mata ko sa dalawang munting nilalang na agad na kumaripas ng takbo papunta sa akin. "Mommy!" sabay sigaw ng dalawa. Si Lucas, bitbit ang laruang baril na may flashing lights, habang si Llianne naman ay hawak ang maliit na paintbrush, punong-puno ng pintura ang palad. Para silang dalawang munting bolang enerhiya na nag-uunahang lumapit sa akin. “Dahan-dahan lang kayo—baka madapa kayo!” agad kong paalala, pero hindi ko na napigilang mapangiti habang binubuksan

