CHAPTER 60 CELESTINA POV Kakatok na sana ako sa gate ng bahay ni Xander nang marinig ko ang isang galit na boses mula sa loob. May mga yabag, may mga kalabog—parang may gulo. Napatigil ako at kusa nang lumapit sa poste sa gilid para makinig. Ilang sandali pa, nakita kong bumukas ang ilaw sa may labas ng gate kaya agad akong nagkubli sa dilim. Hindi dapat ako makita, lalo na sa ganitong sitwasyon. Maya-maya, bumukas ang gate. Lumabas si Hazel, may dalang sling bag, at halatang tulala habang pinapahid ang luha sa kanyang pisngi. Kita ko ang mabigat na hakbang niya, para bang walang direksyon ang pupuntahan. Napatingin uli ako sa loob ng bahay ni Xander at kusa akong napangiti. Wala na akong ibang pwedeng isipin—pinalayas na siya. Siguro ay napagtanto na ni Xander na hindi niya talaga mah

