CHAPTER 45 HAZEL POV Hindi ko alam kung bakit tila may kakaibang pintig ang puso ko habang pinagmamasdan si Xander na abalang-abala sa pag-fill out ng form para sa kambal. Ang lalim ng pagkakaukit ng ngiti sa kanyang labi. Tila ba wala siyang ibang iniintindi kundi ang moment na ito kasama kami. “Hindi mo naman kailangang sumunod, Xander. Akala ko nagpapahinga ka pa,” mahina kong sabi habang iniaabot sa kanya ang folder ng requirements. “Hindi ko kayang hindi makita ‘to, Hazel. Unang araw nila. Gusto kong maging parte,” mahinahon niyang sagot, at sa loob-loob ko, may kung anong init ang gumapang sa dibdib ko. Hindi ko alam kung epekto pa ito ng halik kagabi. O dahil lang sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon — parang ako ang tahanan na matagal na niyang hinanap. “Mommy, ang cute

