Chapter 10

2929 Words

ILANG beses na huminga nang malalim si Guinevere bago siya lumabas ng silid. Si Charlie ay agad nakatayo at mabilis na nakalapit sa kanya. Before she knew it, nakabig na siya ng binata at nayakap nang mahigpit.          “Oh, love! I’m so sorry.” Saglit itong humiwalay sa kanya para lamang dampian ng halik ang kanyang noo, pagkatapos ay muli siyang niyakap. Naipikit niya ang mga mata. She loved this man too much. Si Charlie ang isinisigaw ng puso niya sa bawat pagtibok niyon. Pero maiintindihan at matatanggap kaya siya ng binata?          Hindi na pinigilan ni Guinevere ang sarili, iniyakap din niya ang mga braso kay Charlie. Maaaring iyon na ang huling pagkakataon na yayakapin siya ng binata. At marahil iyon na rin ang huling pagkakataon na mayayakap niya ito. Halata ang tuwa ni Charlie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD