“NO! HUWAG! Parang awa mo na, huwag mong gawin ito sa akin! Maawa ka! Maawa ka! Ano’ng kasalanan ko sa `yo? Please… please maawa ka. Huwag! Nooo! Mommy! Daddy! Tulong, tulungan ninyo ako. Tulong! Mommy! Daddy! Tulungan n’yo ako!” Nanginginig ang katawan na tili ni Guinevere. Subalit ang lahat ng iyon ay nasa isip lamang niya. Hindi niya mailabas ang kanyang tinig dahil sa telang nakabusal sa bibig niya. Ang mga kamay at paa niya ay nakatali. At ang mga mata ay nakapiring. Habang may lalaking nagsasamantala sa kanya. Hindi niya kilala kung sino ito. Kagagaling lamang niya sa school, pagkatapos ay dumeretso siya sa isang mall para bumili ng ilang school supplies. Alam ng kanyang mga magulang ang tungkol sa pagpunta niya sa mall dahil nagpaalam siya. Pauwi na siya at inaantabayanan

