“TINAMAAN sa `yo si Charlie,” deretsang wika kay Guinevere ni Febe nang ihatid siya ng pinsan sa isa sa mga guest room ng grand villa. Gabi na niyon at tapos na rin silang maghapunan. Napag-alaman niya na kasalukuyang nasa honeymoon pa rin sina Vicente at Marissa habang sina Cedrick at Katrina ay nasa California. Roel was in Manila. Sina Dylan at Lorraine ay nakahabol sa hapunan. Alam ni Guinevere na may sari-sariling log cabin ang mga Valencia sa paligid ng hacienda. Ngayon ay pinili muna ng mga ito na doon matulog sa villa para may kasama siya. Napag-alaman din niya na ano mang oras mamaya ay darating ang ibang miyembro ng Valencia clan mula sa California. “Tinutukso mo ba ako, Ate Febe?” Ngumiti ito. “No. I am just stating a fact. And mind you, hindi lang

