“CHARLIE, pakiabot naman ng—” Natigilan si Guinevere nang dumampi ang isang panyo sa noo niya para punasan ang kanyang pawis. Alam niyang si Charlie ang may gawa niyon. “P-pakiabot naman ng bulak.” “Bulak. Ah, yes, sorry. Wala na palang bulak diyan. Here.” Iniabot nito sa kanya ang kailangan niya at pinuno na rin nito ang lalagyan na malapit sa kanya. Nang makaalis ang binunutan ni Guinevere ay agad niyang hinubad ang suot na gloves para mapalitan iyon ng panibago. “Gwen, uminom ka muna,” ani Charlie bago siya inabutan ng bottled water. Nabuksan na nito iyon. Tinanggap naman niya ang tubig. “Salamat.” “Hindi ka pa ba nagugutom? I mean, hindi ka nag-almusal, so, baka `kako nagugutom ka na. Ikaw din. Nakakaduling kaya ang gutom.” “O

