Chapter Eleven

1212 Words

SINULYAPAN ni Robert ang dalaga na nasa kanyang tabi. Yakap-yakap ni Jade ang bag nito at mahimbing na natutulog, ni hindi nga yata nito namalayan na nasa Maynila na sila. Magdadapit-hapon nang makaalis sila ng La Union kanina. Unlike noong bumiyahe sila patungo ng La Union, napansin niyang tahimik si Jade ngayon. Hindi ito masyadong kumikibo hanggang sa tuluyan na nga itong makatulog.  Inihinto niya ang kotse sa tapat ng address na sinabi ni Jade kanina, inalis niya ang kanyang seatbelt, saka pumihit paharap sa babae. “Jade,” aniya na marahang inalog ang balikat nito.  Hindi nagmulat si Jade kaya muli niya itong inalog. Bahagya itong gumalaw, lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa bag at bahagyang umawang ang labi nito. Hindi niya mapigilang mapangiti nang marinig ang mahinang hilik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD