TAHIMIK na ni-review ni Robert ang feasibility study na ibinigay ni Meril noong isang linggo. Tungkol iyon sa plano nilang bilhin na property na pagtatayuan ng panibagong hotel and resort. Mamaya ay may lunch meeting siya at ang may-ari ng property kaya pinag-iisipan niya kung paano niya makukumbinse ito na ibenta iyon sa kanya. Nagdadalawang-isip pa raw kasi ang may-ari na ibenta iyon, pero alam niyang gusto lamang nitong maibenta ang lupain sa mas malaking halaga keysa sa tunay na value nito. Natigil siya sa ginagawa nang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Bumukas iyon at pumasok ang sekretarya niyang si Sally. “Sir, nasa labas ho si Miss Jade Alexandria Ricafort, dala raw ho niya 'yong hinihintay ninyong mga design ng furniture,” ani ng babae. Napakunot-noo siya. Alam niyang ng

