NANGHAHABA ang nguso na tiningnan ni Jade ang mga nagsasayaw sa dance floor. Kanina ay nag-i-enjoy siya sa party, she was fascinated by the magical and mysterious theme of the event pero pagkalipas ng ilang oras ay nakadama na rin siya ng pagkabagot.
May mangilan-ngilan siyang nakilala at nakausap na mga lalaki pero wala ni isa sa mga ito ang nakakuha ng interes niya. Katunayan ay mas interesting pa nga para sa kanya ang host ng party na si Lolo Kupido. Pamilyar kasi sa kanya ang tindig nito at pati ang hugis ng bigotilyong mukha nito, hindi nga lang niya masiguro kung kilala niya ito dahil nakasuot rin ito ng maskara.
Can’t it be true, could I be wrong?
That somewhere in my past there was also me and you...
Napahinga siya nang malalim bago niya inubos ang laman ng hawak niyang kopita. Naiinggit siya sa mga magkakaparehang nagsasayaw, mabuti pa ang mga ito may nahanap na partner ngayong gabi, samantalang siya ay wala. May ilan namang nagyaya sa kanyang sumayaw kanina pero siguro tulad niya ay wala ring naramdamang spark ang mga ito, kaya pagkatapos ng isang sayaw ay pasimple na ring nagpapaalam ang mga ito at iniiwan siya.
Napatingin siya sa circular flatform nang muling tumayo doon ang host ng party. Natigil ang tugtog at nangibabaw ang tinig ni Lolo Kupido.
“…Ilang minuto na lang ay sasapit na ang araw ng mga puso, kaya naisipan kong magkaroon ng isang munting game. Ang larong ito ay tinatawag kong ‘Kiss of Destiny’,” wika ni Lolo Kupido.
Tumikwas ang kilay niya sa narinig, lalo pa nang sabihin ni Lolo Kupido ang mechanics ng larong sinasabi nito. Kung tutuusin ay hindi naman iyon laro, isa iyong katuwaan. No! Kalokohan ang mas bagay na tawag doon. Kahit naman hibang siya sa paniniwala sa hula ni Aling Salve, hindi niya magagawa na bigla na lang manghila ng kung sino na estranghero para halikan. No way! Hindi niya basta-basta ibibigay ang first kiss niya sa kung sinong lalaki lang!
“Kapag lumamlam na ang mga ilaw sa buong paligid, magsisimula na akong mag-countdown,” dagdag pa ni Lolo Kupido. "At kung sinuman ang makaharap ninyo sa sandaling sinabi ko na 'you may kiss' ay hahagkan ninyo sa labi."
Muling pumailanlang ang musika pagkatapos magsalita ng host. Ibinigay niya sa waitress na dumaan ang kopita at saka siya naglakad patungo sa hagdanan. Nagpasya siyang bumalik na sa suite niya, matutulog na lang siya keysa tumunganga rito; at isa pa, medyo nahihilo na rin siya dahil sa mga cocktail na nainom niya.
Kakababa pa lang niya ng hagdanan nang biglang lumamlam ang ilaw sa buong paligid. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa pintuan ng function hall.
“Three…,” malakas na sabi ni Lolo Kupido.
Ilang hakbang na lang ay nasa b****a na siya ng function hall kung saan naroon ang dalawang babae na crew ng resort. Ang mga ito ang namamahala sa pagla-log ng mga guest. May kausap ang mga ito na isang matangkad na lalaki.
“Two...” patuloy ni Lolo Kupido sa pag-countdown. “One. You may now kiss.”
Sa mismong sandaling iyon ay aksidenteng natapakan ni Jade ang laylayan ng gown niya. Napatili siya nang mawalan siya ng balanse. Pero sa halip na masubsob sa sahig, may dalawa na matipunong braso na sumalo sa kanyang katawan. Namilog ang mga mata niya nang mangudngod ang nguso niya sa labi ng lalaking nasa b****a ng function room.
Pakiramdam ni Jade ay nanahimik ang buong paligid at tanging ang bayolenteng t***k ng kanyang dibdib lang ang naririnig niya. Talo pa niya ang namatanda na napatulala sa lalaking may-ari ng mga labi na nakadaiti sa kanya. Pakiramdam niya ay may mumunting kuryente na nanulay sa buo niyang katawan. Naramdaman niya ang dalawang kamay ng lalaki sa kanyang magkabilang balikat. One part of her mind silently wished that he'll pull her closer to him, pero agad din niyang kinastigo ang sarili. Hindi niya dapat iniisip iyon. For heaven’s sake this man is a complete stranger!
Naramdaman niya ang marahang pagtulak sa kanya ng lalaki, palayo mula sa katawan nito. Doon nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay nawala sa tamang puwesto ang kanyang puso. This man have the most attractive and sexy eyes she had ever seen.
“Excuse me," ani ng isang baritonong tinig mula sa likuran ng lalaki, iyon ang nagpabalik sa kanyang diwa. Maging ang nakahalikan niyang lalaki ay tila noon lang rin natauhan. Sabay silang napatingin sa nagsalita, na walang iba kundi si Lolo Kupido. “You wished to speak with me, Sir? What can I do for you?”
Pumormal ang mukha ng lalaki at inilahad nito ang isang kamay kay Lolo Kupido. “Good evening, Sir. I’m Robert Villamor Torres, and I came here for my sister.”
Napatanga si Jade sa lalaking nagpakilala bilang ‘Robert’. Pakiramdam niya ay lalo pang nadoble ang kabog ng kanyang dibdib, at nagtayuan ang lahat ng mga balahibo sa kanyang katawan. Robert Villamor Torres. RVT! Iyon ang initials na sinabi ni Aling Salve!
“Someone told me that she might be here, but I asked these two ladies here kung may guest kayong Cassie Torres pero wala raw ganoong pangalan sa guest list ninyo. Is there another way para masiguro na wala nga rito ang sister ko?” sabi pa ni Robert.
Parang may nagliliparang paru-paro sa tiyan ni Jade habang nagre-replay sa isip niya ang mga sinabi ni Aling Salve noon. Lalaking may initials na RVT, na makikilala niya sa isang hindi inaasahang pangyayari sa sandaling magpapalit na ng araw—tugmang-tugma ang nangyari ngayon sa hula ng matanda!
Talo pa niya ang natuod doon habang nakatitig lang kay Robert. Nang tumalikod na sina Robert at Lolo Kupido, at naglakad palayo ay saka lang siya parang natauhan. Inalis niya ang suot na maskara habang nakasunod ang tingin sa dalawa.
“Excuse me, nasaan na 'yong lalaki rito kanina? 'Yong kasama ko,” ani ng isang babae na kakalapit lang sa kinaroroonan niya.
Napatingin siya sa bagong dating dahil pamilyar sa kanya ang tinig nito.
“Si Mr. Torres ho? Nagpunta ho sila ng host ng party sa office ng security namin,” tugon ng isa sa dalawang crew na babae.
“Meril?” singit niya.
Napatingin sa kanya ang babae. “Jade!” gulat na sabi ni Meril nang makilala siya. “What are you doing here?”
“Invited ako rito. Ikaw, bakit ka nandito? Kasama mo ba 'yong lalaki kanina rito, 'yong may hinahanap na kapatid?”
“Yes, he’s my brother. Kumusta ka na? It’s been years since—” naputol ang sinasabi ni Meril nang mag-ring ang cellphone nito. Agad nito iyong sinagot. “Okay, susunod na ako d'yan,” ani Meril sa kausap nito bago muling ibinulsa ang cellphone. "Jade, sorry but I need to go. Hinahanap kasi namin ni Kuya 'yong bunso naming kapatid. Anyway, it’s nice to see you again.”
Bago pa siya makapagsalita ay nagmamadali nang umalis si Meril. Naiwan siyang natitigilan. Wala na ang pagkahilong nararamdaman niya kanina, gising na gising na ang diwa niya ngayon.
Umangat ang kanyang kamay at dinama ang mga labi niya. Robert Villamor Torres. Siya nga iyon, he’s the one! tila siguradong-sigurado sigaw ng isip niya.