NAPAPAKAMOT sa ulo na isinara ni Jade ang laptop niya. Kanina pa siya may sini-search doon pero bigo siyang mahanap ang pakay. Napasandal siya sa backrest ng upuan at napabuntong-hininga. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang uma-attend siya ng Party of Destiny pero hanggang ngayon ay hindi mapuknat-puknat sa isip niya ang nangyari roon. Paulit-ulit na nagpa-flashback sa isip niya ang mukha ni Robert at ang mga labi nito. Maging sa panaginip ay hindi siya tinatantanan nito. Bigla siyang napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng shop, at pumasok doon ang dalawa niyang kaibigan na sina Louise at Anikka. "Thank God, you're still alive!" palatak ni Anikka pagkakita sa kanya. Lumapit ang mga ito sa lamesang kinaroroonan niya, at ibinitang ang dala na isang box ng assorted donuts at

