Chapter 19

2843 Words
Hawak ni Jake ng sobrang higpit ang kamay ni Ellie. Buo ang loob niya na hinding hindi niya bibitawan si Ellie kahit ano pa ang mangyari.               Inalalayan niya sa paglalakad, iilang tao na mga taga-Isla ang nakakita sa kanilang dalawa. Dali dali ang mga ito na lumapit sa kanila.               “Sir Jake, ano pong nangyari sa inyo?” tanong ng isang taga roon.   “Kuya Jomar may balabal ka ba jan para kay Ellie?” tanong ni Jake na hindi pinansin ang tanong ni Jomar sa kaniya. Agad naman siyang inabutan ng tuwalya ng isa sa mga naroon, isinukbit niya iyon sa magkabilang balikat ni Ellie.               “Manong Isko baka pwedeng pahiramin mo ako ng bangka mo, kailangan ko madala si Ellie sa hospital sa bayan.” ani ni Jake.               “Jake, okay lang ako. Hindi na kailangan ang hospital.” singit ni Ellie bago pa man makatugon si manong Isko.               “Sigurado ka ba?” tanong muli ni Jake na bakas sa boses at mukha ang pag-aalala.               Napangiti si Ellie, sabay buong pagmamahal na hinaplos ang pisngi ni Jake dahilan para magkatinginan ang limang mangingisda na nakamasid sa kanila. Kilala nila si Jake at kilala din nila si Ellie, dahil kabilang sila sa mga tumulong sa pagset up ng engagement party nito sa fiancee na si Justin, kaya naman naiilang sila sa nakikitang fondness ng dalawa para sa isa’t isa. Ngunit kahit nagtataka sila ay walang nangahasa na magtanong sa kanila.               “Pakiusap ko manong Isko ipahiram niyo po sa akin ang bangka ninyo kailangan namin makabalik sa bayan.” Muling pakiusap  ni Jake na lalong nagpakunot sa noo ng mga tao na naroon.               “Ihahatid ko na po kayo doon sir Jake, tara na po.” ani ng matanda sabay talikod sa dalawa upang tumungo sa sarili nitong bangka.               Maya maya pa ay nasa laot na sila. Tinatawid nila ang karagatan, palayo sa Isla Betina. Mahigpit ang yakap ni Jake kay Ellie, Nais niyang matiyak na wala ng iba pang tao o bagay ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.               Nang makarating sila sa Bassei dumiretso sila sa tahanan nila Bernard, ngunit dahil sa pagdiriwang na naganap kahapon ay nanatili ang mag-asawa kasama ni Cathy sa Isla para tumulong sa preparasyon at sa pagliligpit, kaya naman si Paeng lamang ang naabutan nila.               “Sir Jake! Basang basa po kayo ah.” bungad ni Paeng sa kanya, natuon ang mga mata nito kay Ellie ng makita ito ng binatilyo.               “Ellie, wait me here, kukunin ko lang ang mga gamit ko.” paalam ni Jake bago dumiretso sa loob ng bahay nila Bernard.    “Aalis ka na po?” tanong ni Paeng habang nakasunod kay Jake patungo sa ikalawang palapag ng bahay.               “Oo eh, ikaw na bahala magpaalam kila kuya Bernard ha. Salamat kamo.” tugon ni Jake na isa isang dinadampot ang mga gamit na nasa kama at ipinapasok sa hand carry bag niya.               “Hindi po ba Fiancee ni sir Justin ang babae kasama niyo?” Tanong ni Paeng sa kanya. Matagal ng gusto ni Jake na makilala si Ellie ng lahat ng mga taga-Isla pero bilang nobya niya at hindi fiancee ni Justin.               “Damn that Justin.” wala sa loob na nasabi ni Jake sa naisip na naunahan na naman siya ni Justin, bakit ba palagi na lamang one step ahead ito sa kanya.               “Sorry po.” May pag-aalalang paumanhin ni Paeng dahil akala niya ay dahil sa kanya kaya napamura si Jake.               Tumingin si Jake dito. “No. hindi ako galit sa iyo.” Bitbit ang kanya bag ay tinapik niya ito sa braso. “Ikaw na ang bahalang mag-paalam sa akin kila kuya Bernard. Mas maappreciate ko kung wala ka ng ibang ikwekwento sa kanila maliban sa kinuha ko lamang ang mga gamit ko.”               Sa tinuran ni Jake ay kumislap ang mga mata ni Paeng. Malapad ang naging pagngiti nito. “Opo naman po, hindi ko ikwekwento na may itinanan ka na.”               Natawa si Jake sa biro nito.                 Pagkababa niya ay dirediretso niyang ipinasok sa sasakyan niya ang mga gamit niya. Tapos ay inalalayan niya si Ellie na makaupo sa passenger seat bago niya tungungo ang driver’s seat.               “Alam ko basang basa pa tayo, hanap nalang tayo ng mabibilhan ng damit sa daan ha.” ani nya kay Ellie.               “Okay.” tugon ni Ellie pagkatapos ay napatitig ito sa aircon ng sasakyan.               Mula pa sa bangka sila ay napansin na ni Jake ang pagakawalang imik at madalas na pagkatulala ni Ellie, ngunit pinigilan niya ang sarili niya na magtanong dito, Dahil natatakot siya na baka sa mga oras na iyon ay magbago ang isip ni Ellie na sumama sa kanya, na piliin nitong bumalik kay Justin.   Huminto sila sa isang convenience store na nadaanan nila para bumili at magpalit ng basa nilang mga damit, tapos ay naghanap sila ng makakainan.   “Saan mo gusto kumain?” tanong ni Jake kay Ellie.   “Diyan na lang siguro.” Turo nito sa Fastfood Fiesta.   “Okay.” Nakangiting tugon ni Jake.   Magkahawak kamay silang pumasok ng fastfood chain. Sabay silang pumila sa counter at saka umorder.   “Hello po. May I take your order po.” Bati ng cashier sa kanila.   “What do you want?” lumingon si Jake kay Ellie.   “Yung Bangus with rice nalang siguro.” Order ni Ellie sa cashier.   “Ay mam, yung bangus po will take about seven minutes. Willing to wait po ba kayo?” ani ng cashier.               “That’s fine.” Nakangiting tugon ni Ellie.               “Yun na lang din order ko.” Ani ni Jake sa cashier. “Para sabay pa rin kami kakain.” Napangiti ang cashier sa tinuran ni Jake.               Nagbaya sila ng order nila, sinerved ang drinks nila at kinuha nila ang waiting number nila bago sila pumili ng lamesa kung saan sila naupo na dalawa.               Makalipas ang higit pitong minuto, medyo naiinip na sina Jake at Ellie, Tatayo na sana si Jake para magfollow up ng order nila ng may lumapit sa kanila na crew ng fastfood.               “Hello po sir, and mam.” Bati ng lalaking crew. “My name is Prince po. Regular po ako dito sa Fastfood Fiesta. With regard po kasi sa order niyong bangus. Nagkamali po kasi ako, naiout ko po sa ibang customer yung order niyo. I am humbly apologizing po.” Paliwanag ni Prince na yumuko sa dalawa bilang paghingi ng paumanhin. “If you’re still willing po to wait I can arrange another rice bangus po para sa inyo, or order nalang po kayo ng iba sa menu namin, it’s free of charge na po. Irefefund po namin yung binayad niyo bilang paghingi po ng paumanhin.”               Nagkatinginan sina Ellie at Jake.               “That’s okay.” Ani ni Ellie. “I think will just have the chickenand rice nalang. I don’t think I can wait another seven minutes.” Nakangiting sambit ni Ellie.               “Yes. Yun nalang din sa akin.” dagdag ni Jake. “And no need for refund. We understand na hindi maiiwasan ang magkamali lalo kapag pagod na kayo.”               Napangiti si Prince sa narinig. “Thank you so much po sir and mam. Ipapaready ko na po ang order niyo.” Pagkasabi noon ay nagpaalam na ito sa dalawa.               Hindi nga nagtagal ay naiserved na ang orders nila at masaya silang kumain ng sabay gaya ng dati.   Ang Ellie na pinakamamahal niya na muntik ng mawala sa kanya ay nagbalik na sa piling  niya. Masaya si Jake dahil ni minsan ay hindi rin nabanggit ni Ellie ang tungkol kay Justin, iyon din naman ang gusto niya, ang ibaon si Justin sa limot.   “Okay lang ba kung pumunta pa tayo sa ibang lugar?” Maya maya ay tanong ni Jake kay Ellie habang nagmamaneho siya, wala siyang bumalik sa Sining City, dahil may pangamba siya na baka naroon si Justin na nag-aabang kay Ellie. “Sayang ang bakasyon natin eh may ilang araw pa tayo bago matapos ang sembreak mo.”   “Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Ellie.   “Kahit saan! Mamasyal tayo sa mga lugar na hindi pa natin napuntahan.”   “Sabagay parang magandang idea yata iyan, malay mo noh makakuha pa ako ng bagong ideas sa pagpinta ko bago man lang matapos ang sembreak.” nakangiting pagsang-ayon ni Ellie sa mungkahi ni Jake.   “Talaga?! Hindi ka na babalik sa Itakam? Sa Sining City ka na ulit mag-aaral?” malapad ang pagkakangiting tanong ni Jake.   “Bakit naman ako babalik sa Itakam?” kunot noo at nakangiting balik tanong ni Ellie.   “Wala naman.” Malapad ang pagkakangiting tugon ni Jake. Sa pagkakatanda niya ay nabanggit ng mommy niya na balak bumalik ni Ellie sa Itakam para ipagpatuloy ang business course nito. Ang pagsabi ni Ellie na hindi ito babalik sa Itakam ay indikasyon na mananatili na talaga si Ellie sa piling niya, na siya ang pinipili nito at hindi si Justin.   “How about Tawi-Tawi for our next destination?” nakangiting suhestyon ni Jake.   “Tawi-tawi? Hindi parang sobrang layo na nun?” tugon ni Ellie.   “Malayo nga, pero maganda doon. Ayaw mo ba?” pabirong ngumuso si Jake.   “Hindi naman. Sige puntahan natin. Basta kasama kita, okay na ako.” pasweet na ngumiti si Ellie kay Jake. bumitaw ang kanang kamay ni Jake mula sa manibela para hawakan ang kaliwang kamay ni Ellie.   “I love you so much.” paglalahad ni Jake sabay halik sa palad ni Ellie.   “I love you too love.” tugon naman ni Ellie, sabay halik sa pisngi ni Jake.   Abot hanggang langit ang ligayang nadarama ni Jake. Kung panaginip lamang iyon ay ayaw na niyang magising.   Iniwan ni Jake ang sasakyan niya sa parking lot ng airport at sumakay sila ng eroplano papuntang Zamboanga dahil walang direct flight papuntang tawi tawi. Mula sa Zamboanga ay sumakay sila ng bangka hanggang sa marating nila ang capital city ng Tawi Tawi.    Pagdating nila sa Tawi Tawi nakakuha sila ng accomodation na cottage style at overlooking sa dagat.                 Nalibot nilang dalawa ang magandang Isla, umakyat sila ng bundok, nagpakain ng mga unggoy, nagtampisaw sa karagatan. Ni hindi nila namalayan na dalawang araw ng nakalipas simula ng makarating sila sa Isla.   Hindi pa man, ay alam ni Jake na hindi sila pwedeng manatili dito ni Ellie ng mas matagal na panahon, alam niya ano mang oras ay maaring magyayaya na itong bumalik sa Sining City, isang bagay na iniiwasan sana ni Jake na mangyari, dahil paano kung sa pagbabalik nila sa syudad at makita nito muli si Justin? Paano kung magdesisyon si Ellie na sumama ulit kay Justin? Paano na siya?   Kaya naman hangga’t maari ay pinipilit niyang manatili sila dito sa Isla ng Tawi-tawi kung saan panatag siya na si Ellie ay hindi mawawala sa piling niya. Lahat ng kaya niyang ibigay ay ibibigay niya kay Ellie, kung nanaisin na nitong bumalik sa Sining City ay babalik sila. Kung nais rin nito na bumalik kay Justin ay ihahatid niya pa ito. Ang tanging hiling niya lamang sa ngayon ay kaunti pang panahon na makasama ito. Dahil kahit pa sinabi ni Ellie na nais nito na kasama siya ay hindi pa rin mapanatag ang kalooban niya, may pakiramdam siya na parang nakaw lamang ang mga sandaling meron sila ngayon, lalo pa at sa mata ng maraming tao na kakilala nila si Ellie ay fiancee ni Justin.   Naisip ni Jake na baka nag-aalala na ang kanyang mommy sa kanya, kaya nagdesisyon siya na tawagan si Cathy habang abala si Ellie sa pagpipinta sa terrace ng cottage na tinutuluyan nila.               Tatlong beses nagring bago niya narinig ang boses ni Cathy sa kabilang linya.               “Hello?”               “Katya.”   “Jake!” napasigaw ito ng makilala ang boses niya “Anong nangyayari? Ilang araw ka na namin di makontak alalang alala na si madam Betina sa’yo! Nasaan ka?”   “Ikaw na muna bahala kay mommy Katya.” Ani ni Jake na hindi pinansin ang magkakasunod na tanong ni Cathy sa kanya.   “Kasama mo raw si Ellie?”   “Paano mo nalaman?”   “Ang daming nakakita sa inyo na umalis ng Isla. Akala ko naman ibinabandera mo talaga sa lahat lalo kay sir Justin na itinanan mo ang fiancee niya!”               Napangisi si Jake. “Bakit galit na galit na ba siya?”   “Pinaghahanap kayo syempre! Gustong gusto ka na nga kasuhan ni sir Justin ng k********g eh pero nakiusap si madam Betina na bigyan ka ng chance, sigurado daw na may maganda kang dahilan. ano bang nangyayari? Bakit kasama mo na naman siya? Kayo na ba ulit?”   “Hindi ko pa maexplain sa’yo.”   “Anong hindi ma-explain? Paano si sir Justin? Sinabi ba ni Ellie sa iyo na makikipaghiwalay na siya kay sir Justin?”   “Hindi na namin siya napag-usapan.”   “Bakit hindi? Are you that stupid? Niloloko ka na niya and yet tinanggap mo pa rin sya?! Ano? magpapanggap ka rin na wala kang alam? Na parang walang nangyari? Na parang okay lang kahit tinu-two time ka na niya?” Hindi na napigilan ni Cathy ang pagtaas niya ng boses.   “Katya, you don't understand.” napayuko at napailing si Jake.   “You’re the one who doesn’t understand. Hindi ka niya mahal Jakey. Pinaglalaruan ka lang ni Ellie. Kasi hindi ba dapat kung talagang ikaw nag pinipili niya hindi ba dapat linawin mo na niya kay sir Justin na wala na sila? Paano kung kasama din ito sa plano nila? Na kunwari nakidnapped siya tapos kasuhan ka nila at makulong ka? Buti nagawan ng paraan ni Madam, paano kung next time hindi na masolusyunan? Huwag mo ng palalain ang sakit na naidulot niya sayo. Tumigil ka na please! Baka magulat ka nalang nasa putikan ka na dahil nagpakatanga ka na naman kay Ellie!”   “ I know.” tumaas na din ang boses ni Jake, napapagod siya ngunit ayaw niyang sumuko, ayaw niya ng ganitong pakiramdam na parang siya pa ang nagkamali. Nagmahal lang naman siya bakit kailangan siya pa ang masaktan. Namula ang mga mata niya dahil sa mga luhang nabuo roon. “I’ll wait, I’ll do whatever it takes, I won’t get tired because I don't want to live the rest of my life, regretting, the things I want to do and yet I didn't do. Hayaan mo akong patuloy na mahalin siya Katya, sa kahit anong sitwasyon meron kami ngayon, ang gawin ang lahat para sa kanya, hayaan mo akong ibuhos ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya, habang abot kamay ko pa siya, dahil alam ako na baka bukas..” Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mata ni Jake. “Baka bukas, Hindi na ako ang pinipili niya.”                 Ilang segundo na hindi nakapagsalita si Cathy ng marinig niya ang sinabi ni Jake, dama niya ang paghihirap ng kalooban nito. Ngunit hindi na niya alam kung ano ang pwede niyang gawin para matulungan itong makalaya sa pagdurusa nito ng dahil minahal nito ang maling babae.     “Alam kong mahal na mahal mo siya. Pero sana bago ka sumugal ng malaki sa kanya,  malinaw din sa’yo kung mahal ka din ba niya talaga. Ayaw na kitang makitang masaktan ulit. Jake. Kung ganyan nahindi ka sigurado at natatakot ka na the moment na makita ni Ellie si sir Justin ay sasama siya dito at hindi sa’yo, hindi ba mas okay na putulin mo na ang ugnayan ninyong dalawa at magmove on ka na? Kesa patuloy kang magkunwari at umasa sa wala.”   “Kaunting oras lang, pagbigyan mo ako sa kaunting oras. Katya.”   “Kaunting oras ng pagtatago? Hindi kiya maintindihan Jake. Ikaw ay nobyo niya at alam ng lahat ng tagaSBU iyon. Bakit kailangan niyong magtago ngayon?”   “Ayaw kong magkaroon ng hindi magandang usap-usapan patungkol kay Ellie.”   “Oo nga naman. Sinacrifice mo ang career mo dati para iligtas siya sa chismis kahit hindi pa naman kayo. Ngayon pa kaya na girlfriend mo na siya.” Huminga ng malalim si Cathy. “Kaibigan kita, at kahit hindi ako sang-ayon dito sa ginagawa mo, pero kung  mangailangan ka ng tulong, tawagan mo kaagad ako.”   “Salamat, Katya.”   “Sa ngayon, okay pa naman ang lahat. Galit na galit lang si sir Justin, Dumiretso siya ng Itakam nung isang araw at kailangan niya din yata daw mag-out of the country dahil may problema sa isang business nila doon. Hindi ko sure pero ang sabi baka isang buwan din siya doon. Ipinaubaya niya muna sa mga invistagator ang paghahanap sa inyong dalawa. So Come home soon Jakey, Ayusin mo agad ito bago pa man tuluyang masira ng issue nito ang pangalang matagal mong pinaghirapan.”   Napangiti si Jake sa narinig. Aalis ng bansa si Justin. Makakabalik sila on time bago matapos ang sembreak ni Ellie.                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD