“Hijo saan ka ba nagpunta? I was so worried about you!” nagmamadaling sinalubong ni Mrs. Betina sina Jake at Cathy.
Maraming kasamang kalalakihan si Mrs. Betina, Mga taong tumulong dito para hanapin si Jake.
“Mom.” Bati ni Jake sa ina. “ Hindi mo na sana sila inabala. Hindi naman na ako bata.” Reklamo niya sa ina.
“Nakatulog po siya sa may talampas ng Isla.” si Cathy ang sumagot sa naunang tanong ni Mrs. Betina.
“Anong ginagawa mo sa talampas?” Tanong niya sa anak, ngunit hindi siya sinagot ni Jake sa halip ay iniiwas nito ang mga namumugtong mata sa ina. Nagbago ang expression sa mukha ni Mrs. Betina, mula sa pag-alala ay napalitan ito ng magkahalong guilt at lungkot. “I’m so sorry anak.” ani nito sabay hawak sa kamay ni Jake. “Nagpupunta ka palagi sa talampas na iyon tuwing may pinagdadaanan ka. I’m sorry kung naging insensitive ako. Pinipilit namin kayo magkaayos ni Justin, hindi ko man lang naisip na baka hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin ng dahil kay Justin.” ang huling tinuran ni Mrs. Betina ay tumarak sa dibdib ni Jake, Nang dahil kay Ellie, hanggang ngayon nga ay nasasaktan pa rin siya ni Justin.
“I’m alright ma.” pagsisinungaling niya.” baka after lunch lumuwas na ako pabalik ng Sining City ha. Dadalawin na lang kita dito ulit next time.”
Tumango tango ang ginang bilang pagsang-ayon. “I understand na you really can’t stand being near with Justin, pero hindi ba pwede magstay ka pa dito? Aalis na rin naman daw sila Justin this afternoon, dahil yata may aasikasuhin pa yata si.. Ano nga ba name ng fiancee ni Justin.” napahawak sa sintido niya ang ginang at pilit inalala ang pangalan ng fiancee ni Justin.
Jake listen intently on what name his mom will going say. Umaasa pa rin kasi siya na masamang panaginip lamang ang lahat ng nangyari kagabi, na hindi si Ellie ang babaeng engaged kay Justin, umaasa siya na ibang pangalan ang babanggitin ng kanyang ina.
“Ellie!” sambit ni Mrs. Betina. “Oo! Tama Ellie ang name ng fiancee ni Justin.”
Muling nagdilim ang expression ng mukha ni Jake. Tila ba muli siyang sinampal ng katotohanan na niloko nga siya ni Ellie.
“Ayun nga, may aasikasuhin pa yata si Ellie sa Itakam City, sa University yata niya, kasi nagtatake yata siya ng business management so ayun kailangan nila umalis kaagad.” lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Jake sa narinig. “Business Management daw ang course niya? hindi fine arts?”
Tumango ang ginang. “ Oo. Iyon ang sabi niya eh.”
Mapanuyang ngumiti si Jake. Anong klaseng palabas ito Ellie? Balewala lang ba talaga ako sa’yo? Para burahin ng ganun na lang ang mga panahong pinagsamahan natin sa Sining City? Ani ni Jake sa isip niya.
“Bakit kilala mo ba si Ellie hijo?” Muling tanong ni Mrs. Betina.
Nag-iwas ng tingin si Jake. “Hindi po ma.” Matabang niyang tugon.
Tinitigan siya maigi ni Mrs. Betina. “Namumugto ba ang mga mata mo?”
Pilit iniwas ni Jake ang mukha sa ina. “Hindi po. Nakagat lang ng insekto.” Pagsisinungaling niya. “Mangangamusta lang ako sa mga kabayan natin sa Isla tapos aalis na ako after lunch. Dalawin nalang kita some other time.”
Malungkot na tumango si Mrs. Betina. “I understand.” hinalikan ni Jake sa noo ang kanyang ina bago siya naglakad palayo. Dumiretso siya sa parte ng kanilang Isla kung saan naroon ang mga alaga nilang hayop. Dali daling sinundan siya ni Cathy pagkatapos nitong magpaalam kay Mrs. Betina.
“Bakit hindi mo sinabi kay madam Betina ang totoo?” tanong agad ni Cathy ng mahabol siya nito.
“Hindi na ako bata Katya para magsumbong sa nanay ko, kung ano man itong gulo sa aming tatlo, sa amin na lang ito.” Tugon ni Jake na patuloy pa rin sa paglalakad.
“Anong plano mo ngayon?” Pilit sinasabayan ni Cathy ang mabibilis na hakbang ni Jake.
“Hindi ko pa alam. Pero I’ll make them pay for what they did to me, I’ll make sure they will.” Tiim bagang na tugon ni Jake.
“Hindi ko inakala na magagawa ito ni Ellie. Mukha naman siyang mabait. Botong boto na nga ako sa inyong dalawa.” iiling iling na sambit ni Cathy.
Mapait ang naging ngiti ni Jake. “No doubt, she’s a professional deceiver. Ayaw ko na siyang pag-usapa Katya, please lang.”
“Okay.” Bakas sa mukha ni Cathy ang awa para kay Jake. Bestfriend niya ito. Simula ng makilala niya ito ay hindi kinakitaan ni Cathy ng masamang ugali si Jake, kaya hindi niya lubos maintindihan kung bakit malupit si Justin dito. Tahimik na tao lamang si Jake, mahiyain kaya madalas na nakayuko ito, inaabala ang sarili sa pagguhit o kaya naman ay pagrerepair ng kung ano mang makita nitong sira na gamit o kasangkapan. Dahil wala siyang makitang valid na reason para ikagalit ni Justin kay Jake. Buo ang paniniwala ni Cathy na, na kay Justin ang problema kung bakit may ganito kalaking away ang dalawa.
Ilang hakbang pa ay narating na nila ang animal shelter sa Isla. Meron doon isang malaking kwadra ng labing tatlong kabayo. Malaki ang pakinabang ng mga kabayo para sa mga naninirahan sa Isla, ito ang nagsisilbi nilang sasakyan o di kaya at taga hila ng mga bagay o produkto na inani at itratransport sa kabihasnan. Sa bandang kaliwa ng kwadra naroon naman ang kulungan ng labing lima nilang baboy. Sa di kalayuan naroon ang chicken coop.
“Magandang umaga po sir Jake!” salubong ng isang binatilyo, karamihan ng naninirahan sa Isla ay maitim ang balat dala ng alat at init mula sa dagat.
May kasunod din itong tatlo pang binatilyo na abot tenga rin ang pagkakangiti ng makita nila si Jake.
“Baste! Joey! Richard! Felipe! Kamusta kayo? Ang lalaki niyo na ah.” Inabot ni Jake ang ulo ng dalawang binatilyo para guluhin ang buhok ng mga ito.
“Opo nga eh. Buti po nakauwi kayo dito.” ani ni Baste ang pinakamantanda sa apat na binata.
“Akala po namin hindi kayo darating kasi andito si sir Justin.” Sabat ni Felipe ang pinakabata naman sa kanila.
Agad sinuway ng tatlong binata si Felipe, hinila ng mga ito ang damit ni Felipe para ipahiwatig na pigilan nito ang bibig.
Napangiti si Jake sa mga ito. Hindi nya pinansin ang kumento ni Felipe. “Naging busy kasi ako sa Gallery eh kaya hindi ako nakadalaw sa inyo ng halos isang taon.” Tugon ni Jake. “Aba teka si Misha at Clover na ba iyan?” turo ni Jake sa dalawang itim na Rottweilers na nakaupo sa likuran ni Felipe habang hawak ng binatilyo ang mga tali nito.
“Ay opo sir, ang lalaki na po nila noh?” tugon ni Felipe, gumilid ito para ipakita kay Jake ang dalawang malalaking aso.
“Kilala pa kaya nila ako?” nakangiti at dahan dahang lumapit si Jake sa mga aso. “Misha, Clover..” tawag niya sa pangalan ng mga nito kasunod ng isang sipol. Nang marinig ang pagtawag ni Jake ay agad din namang kumawag ang buntot ng dalawang aso. Nagtatalon pa ang mga ito patungo kay Jake para dinilaan siya sa mukha. Natatawang hinimas himas ni Jake ang ulo ng mga ito.
“Nagpunta po sila itay sa laot para daw po hanapin kayo.” Pagbibigay alam ni Felipe kay Jake. “San ba kayo nagpunta sir Jake?” Panibagong kurot na naman ang inabot ni Felipe kila Baste dahil sa patuloy na pag-uusyoso nito kay Jake. “Bakit nakakurot kayo!” reklamo ni Felipe sa mga kasama. “Nagtatanong lang naman ako!”
Natawa si Jake dahil sa sinabi ni Felipe tapos ay lumingon siya kay Cathy na noon ay nakatayo sa tabi niya. “Binulabog talaga ni mommy ang buong Isla.”
“Hindi mo siya masisisi, nag-iisang anak ka niya.” tugon ni Cathy sa kanya.
“Hindi pa ba nasabihan sina manong Andres na nandito na ako.” Napabuntong hininga si Jake. “Sige na Felipe, ako na muna bahala dito kila Misha, sunduin mo na ang itay mo sa laot. Ipagbigay alam mo na nandito na ako.”
“Sige po sir Jake.”agad na tumalima si Felipe sa utos niya.
“Samahan mo na siya Baste.” Utos ni Jake. Agadn naman sumunod kay Felipe si Baste.
“Sinayang ni mommy ang isang araw na ipinangisda sana nila manong Andres.” umiiling iling na sambit ni Jake.
“Ano ka ba? Wala iyon sa kanila, sigurado ako. Lahat kaming mga narito sa Isla ay mahal kayong mag-ina. Panigurado ako na nagpresinta yan sila manong Andres na hanapin ka, kasi kahit ako na may ideya kung saan ka nagpunta at kung bakit ka biglang nawala kagabi ay nag-alala pa rin para sa’yo, sila pa kaya?” ani ni Cathy.
“Tama po ang sinabi ni ate Katya sir Jake.” Sang-ayon ni Richard.
“Isa pa po sir Jake, maliit na bagay lang po iyon na pwede namin maitulong kumpara sa laki ng ibinigay niyo sa amin lahat dito.” ani ni Joey.
“Tinuring niyo po kaming pamilya, kaya po mahal namin kayo bilang isang kapamilya din po namin.” dagdag na kumento ni Richard.
Napangiti si Jake sa tinuran ng mga binata sa kanya. “Nakakataba naman ng puso ang mga sinabi niyo. Salamat. Kaya nga panatag ako na kayo ang kasama ni mommy habang wala ako dito, dahil alam ko na hindi niyo siya pababayaan.”
“Wala po kayo dapat ipag-alala kami po ang bahala kay Madam Betina.” Nakangiting tugon ni Joey.
“Oh siya sige na ayaw ko na kayo istorborhin sa gawain ninyo, at ilalakad ko na lamang itong sina Misha at Clover.”
“Sama ako?” nakangiting tanong ni Cathy kay Jake.
Nawala ang ngiti ni Jake “Katya, hindi ako mawawala ano ka ba? Well, hindi rin naman din ako magtatagal. Pero hindi na ako dadaan sa bahay ha, baka makasalubong ko pa doon yung dalawa, ikaw na lamang ang bahalang magpaalam para sa akin kay mommy.”
“Okay. see you at Sining city nalang next week.”
Bumalik ang ngiti ni Jake “Enjoy your vacation, next week marami na tayong trabaho sa gallery.”
“Aye aye, sir!” pabirong sumaludo si Cathy kay Jake, Napangiti at iiling iling na tumalikod si Jake kila Cathy habang hila hila ang dalawang aso. Batid niya na sinusubukan ni Cathy na pagaanin ang loob niya.
Well trained ang dalawang aso nila, kaya hindi nahirapan si Jake na ilakad ang mga ito, dahil marunong itong makinig sa commands ni Jake.
Nakatulong kay Jake ang pag-lalakad ng umagang iyon, kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang bigat na nadarama niya.
Maraming beses na sumagi sa utak niya na puntahan si Ellie ng mga oras na iyon para hingan ng paliwanag. May parte ng pagkatao niya ang ayaw pa ring maniwala na magagawa siyang saktan nito.
Sa pagkakakilala niya kay Justin, walang duda na kaya nitong gamitin si Ellie para lang makaganti sa kanya. Paano kung ako pala talaga ang mahal ni Ellie at hindi ang Justin na iyon? Tanong ng isip niya.
“Sige! Umasa ka pa Jake!” suway niya sa sarili. “Kung mahal ka talaga ni Ellie eh di sana sa’yo siya engaged ngayon!”
Hindi man niya gusto ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga ala-ala nila ni Ellie, mga oras masaya silang magkasama. Hindi niya lubos maisip kung paanong nagawa ni Ellie na talikuran siya at saktan ng ganito.
Ellie chose to betray him. There’s no right words to describe how painful it is to be betayed by the one you love. Nagagalit siya sa isipin na sinayang lamang ni Ellie ang tiwalang ibinigay niya. Ano bang tingin ni Ellie sa kanya? basura? na paghindi na kailangan ay itatapon na lamang basta basta? O laruan? Para paglaruan at gamitin ang damdamin niya? Wala ba talagang halaga ang mga panahon na pinagsaluhan nilang dalawa? Kumpara kay Justin balewala nga lang ba talaga siya?
Matinding galit at hinanakit ang nadarama niya ng mga oras na iyon. Tumingala siya sa bughaw na langit. Mabuti pa ang mga ulap, payapa sa kalangitan. Namuo ang mga luha sa mata ni Jake. Naiinggit siya sa kapayapaan na nakikita niya sa mga ulap na iyon, dahil kabaligtaran ng payapa ang nasa kalooban niya. Pakiramdam niya nalulunod siya sa sakit na dulot ng panloloko sa kanya ni Ellie.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang tumahol at nagpipilit kumawala sa tali ang dalawang aso ni Jake. Napayuko siya sa mga ito. “What’s wrong?” nakakunot na tanong niya. Saka niya sinundan ng tingin ang tinatahulan ng mga aso.
Sa daan na nasa harap nila, may isang kilometro ang layo ay naroon ang talampas. Sa talampas may babaeng nakatayo, nakatalikod sa kanya at nakatingin sa karagatan. Hinahawi ng hangin ang itim at lampas balikat nitong buhok, dinadala ng ihip nito ang mala rosas na amoy ng babaeng nasa talampas. Ang amoy na kilalang kilala ni Jake.
Nagdilim ang expression ng mukha niya. Ang taong hindi niya nais makita ay nasa talampas na iyon.
Dahan dahang lumingon sa gawi niya si Ellie. Ngumiti ito ng napakatamis ng magtama ang kanilang mga mata. “Jake!” tawag nito sa kanya.
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Jake. So you decided to continue your act Ellie? akala mo ba hindi ko nakita ang engagement party mo kagabi? Matalim na tingin ang ipinukol ni Jake kay Ellie.
Nakangiti pa rin ito kay Jake. Nang akmang lalapit si Ellie sa kanya, ay kinapa ni Jake ang tali sa leeg ng mga aso. Napansin iyon ni Ellie kaya napahinto ito sa paghakbang palapit sana sa kanya.
“Jake?” Batid sa boses ni Ellie ang pagtataka at kaunting pangamba.
Maya maya ay binitawan niya ang tali na nakakabit sa leeg ng dalawang aso.
Napaurong si Ellie ng ilang hakbang patungo sa dulo ng talampas nang simulang sugurin siya ng galit na galit na mga aso..
Pagkalito at takot ang nakabakas sa mukha nito.
Nasa pinakadulo na si Ellie ng cliff. Nang bigla itong sunggaban ni Misha dahilan para madulas ng tuluyan si Ellie dahil sa sinubukan nitong umiwas kay Misha.
Dali daling tinawag ni Jake ang pansin mga aso. “Misha! Clover! Sit!” Sumunod naman agad ang mga ito sa kanya.
Tinakbo niya ang dulo ng talampas kung saan nadulas si Ellie.
Nakakapit si Ellie sa isang nakausling bato. Nakabitin siya sa cliff. May kataasan ang talampas na iyon. Nasa fifty feet ang taas noon hanggang sa ibabaw ng dagat.
“Jake.. help me.. Please..” pagsusumamo nito sa kanya.
Abot kamay lamang ni Jake si Ellie. Ngunit hindi niya magawang i-extend ang palad niya para hilahin ito paakyat. Sa halip ay nakatingin lamang siya sa mga mata nito. walang expression ang mukha ni Jake ng mga oras na iyon. Nananaig ang galit sa puso niya para kay Ellie. para sa mga panlolokong ginawa nito sa kanya at ni Justin.
Para saan pa na tulungan kita? Kung si Justin lang din naman ang mahal mo. ani ni Jake sa isip niya, mga katagang hindi niya magawang sabihin ng harapan kay Ellie.
“Jake.. hindi ko na kaya.. please help me! Please! Namamanhid na mga kamay ko, hindi ko na kayang kumapit ng matagal!” naiiyak na pakiusap ni Ellie sa kanya. Ngunit hindi nagbago ang expression sa mukha ni Jake, Nagsusumamo na tiningnan ni Ellie si Jake, noon lamang niya napansin ang matinding galit sa mga mata nito. “Bakit? Bakit galit ang mga mata mo?” ang huling naitanong ni Ellie kay Jake bago dumulas ang kamay niya sa bato at tuluyang nahulog sa dagat.
Nanlaki ang mga mata ni Jake. Para siyang biglang natauhan, tinangka niyang abutin ang kamay ni Ellie pero nahuli siya dahil hindi na niya iyon naabutan. Nakita niyang bumagsak si Ellie sa tubig. Ngunit nang hindi ito lumutang ay nagpanic siya. Natunaw ang lahat ng galit na nararamdaman niya kanina para sa dalaga, napalitan ng takot at pagsisisi. Paano niyang nagawa ang ganito sa babaeng pinakamamahal niya. Oo nga, marahil niloko siya ni Ellie, at hindi siya ang mahal nito, kahit sino pa ang nasa puso nito, atlis sigurado si Jake na mahal niya si Ellie.
Tinalon ni Jake ang talampas. Sinundan niya si Ellie sa dagat. Sinisid niya ang ilalim noon, pilit niyang nilabanan ang malalakas na alon, hindi niya alintana ang alat ng tubig na pumipitik sa mata niya, pilit niyang hinanap si Ellie. Kasabay ng takot na nadarama niya, hindi para sa sarili kundi para sa kaligtasan ng babaeng mahal niya.
Pumailalim siya sa tubig. Nasama siya sa alon na humampas sa mga bato. Please.. God.. please ibalik mo sa akin si Ellie please. Ang paulit ulit na panalangin ni Jake habang walang humpay siyang sumisisid. “Ellie!” sigaw niya sa pangalan nito tuwing aahon siya. Nagtagal ng halos isang minuto ang paghahanap ni Jake.
Sa ika anim na sisid niya ay nakita na niya si Ellie, pilit itong pumapadyak para makaahon sa ibabaw ng tubig. Dali daling nilangoy ni Jake ang pagitan nila. Nang maabot niya ang kamay ni Ellie ay hinila niya ito pataas. Sabay silang lumangoy hanggang sa pinakamalapit na dalampasigan. “Are you okay?” agad na tanong ni Jake kay Ellie ng makaahon sila. dalawang tango ang isinagot nito sa kanya. Niyakap ito ni Jake ng mahigpit. “Sorry… Sorry.. Sorry..” naluluhang na paghingi ng tawad ni Jake.
Nakahinga ng maluwag si Jake ng maramdaman niya na gumanti ng yakap sa kanya si Ellie.
Bumitaw si Jake sa pagkakayap niya kay Ellie. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. “Hindi kita kayang mawala Ellie. Nakapagdesisyon na ako. Ilalaban kita. Ilalaban ko tayong dalawa. Payag ka ba?”
Halos hindi humihinga si Jake habang hinihintay ang magiging tugon ni Ellie. pagkatapos ng napakahabang segundo ay dahan dahan na ngumiti si Ellie sa kanya at tumango.
Napangiti rin si Jake at hinalikan niya si Ellie sa labi.
Walang ibang hangad si Jake ng mga oras na iyon kundi ang magbalik sila ni Ellie sa dati. Yung walang Justin sa pagitan nila. Buburahin niya sa ala-ala niya na na-engaged ito kay Justin. Kunin na ni Justin ang lahat sa kanya, huwag lamang ang Ellie niya.