Chapter 17

1821 Words
“Hijo patawarin mo na ako.” paghingi ng tawad ni Mrs. Betina sa anak niya na nasa kabilang linya ng telepono.   “What you did to me is really unfair mommy.” May hinanakit na sambit ni Jake.   “Ang gusto lang naman namin ng tito Carlos mo ay magkaayos na kayo ni Jayjay. Kung ano man ang nangyari noon, hindi ba pwedeng kalimutan niyo na lamang, matagal ng nangyari iyon, malalaki na kayo ngayon.”               Napabuntong hininga siya ng malalim. “Mommy, you know very well na hindi ko kayang gawin ang gusto niyong mangyari, mahirap makalimot, lalo ang magpatawad sa taong hindi naman humihingi ng tawad.”               “Hanggang ngayon ba nasasaktan ka pa rin ni Jayjay? Hijo, anak hindi gagaling ang sakit na iyan hanggat hindi kayo nagkakausap. Bigyan mo ng chance kayong dalawa ni Jayjay para magkapatawaran.”                 “Hilingin mo na sa akin ang lahat mommy, wag lang yan.”               Sandaling napaisip ang ginang. “O edi sige, sabi mo humiling ako ng iba hindi ba? At tutuparin mo?”               “Yes.”               “Promise?”               “Opo.”               “Umattend ka ng engagement party ni Jayjay mamayang hapon.”               “Mommy naman!”               Tumawa ang ginang sa kabilang linya.”O eh sabi mo humiling ako ng iba. Sige na umattend ka lang, hindi ko na ipipilit na kausapin mo si Jayjay. Gusto ko lang na umattend tayo sa engagement party ng anak ni tito Carlos at tita Jackie mo. Para sa kanila na lang anak. Samahan natin sila sa isa sa pinakamasayang araw nila.”   Napabuntong hininga na naman si Jake. May tatlong mahalagang tao sa buhay niya ang kaya niyang gawin ang lahat maging masaya lamang ang mga ito, una ay ang mommy niya, si Ellie at si tito Carlos niya.   “Fine. Anong oras ba?” Napatili ang ina sa kabilang linya ng marinig ang pagpayag niya.     “Five o’clock. Sharp! Salamat anak!” mabilis na sagot nito. “See you later son. Bye for now!” Dali daling binaba ni Mrs. Betina ang telepeno sa takot na baka magbago pa ang isip ni Jake.   Napangiti at Iiling-iling na ibinaba ni Jake mula sa tenga niya ang cellphone niya. Nasaksihan iyon ni Cathy na noon ay nakatayo na sa pintuan ng kwarto na pansamantalang ipinagamit kay Jake nila Bernard. “So, Hindi mo rin pala talaga matiis si madam Betina, napapayag ka niya sa kagustuhan niya.” mapanuksong ang ngiti ni Cathy.   “Asarin mo na ako hangga’t gusto mo Katya, I don’t think may mas papangit pa sa araw ko ngayon.” Bagsak ang balikat na naupo si Jake sa gilid ng kama.   “Malay mo naman Jake nagbago na si sir Jayjay, malay mo this time talaga magkaayos na kayo.”   “Do I want that?” Umiling si Jake na may mapait na ngiti.  “I don’t think so.” Sagot niya sa sarili niyang tanong.   Humakbang si Cathy papasok ng kwarto.“You have been consumed with your hate for him for too long, kaya baka naman kasi naging komportable ka na lang sa ideya na mortal mo siyang kaaway, kaya akala mo hanggang ngayon galit pa rin kayo sa isa’t isa. Kasi aside from hate wala na kayong ibang emotion na alam towards each other.”   Napatingin si Jake sa mukha ni Cathy. Napaisip siya sa mga katagang sinabi nito. Bakas sa mukha niya ang pagod at puyat. Hindi siya nakatulog kagabi ng maayos dahil simula ng malaman niya na nasa Isla si Justin ay nabuhay na naman sa kalooban niya ang magkahalong galit at takot. Matanda na sila ngayon, wala ng bagay ang maaaring gawin si Jayjay sa kanya na ikasasakit niya, kaya hindi niya maintindihan kung bakit natatakot pa rin siya. Marahil tama si Cathy. Nasanay na siya na ganun ang emosyon na nararamdaman niya para sa pinsan niya, kaya kahit mabanggit lamang ang pangalan nito ay naghahatid na ng takot at matinding galit kay Jake.   “Well, you will find out soon.” Ani ni Cathy na nagpabalik kay Jake mula sa malalim niyang pag-iisip. “Nandito nga pala ako para sana ipaalam sa’yo na tatawid kami papuntang Isla ng one o’clock, pero ngayon dahil kasama ka na so tatanungin na po kita sir Jake kung okay sa’yo ang sa oras na iyon?” Nang-aasar na sambit ni Cathy.   “Bakit one o’clock?” nakakunot nong tanong niya.   “Anong oras ba?” Napataas ang mga kilay na balik tanong ni Cathy kay Jake.   “Midnight?”   Natawa si Cathy sa tugon niya. “Eh kung wag ka na kayang umattend?”   “Ayoko nga sana eh.” Naging seryoso ang mukha ni Jake.   “Sabihin ko kay kuya Bernard Five o’clock. Okay? hindi na tayo pwedeng mas magpalate pa doon.” Bakas ang simpatya sa mukha ni Cathy para kay Jake. Batid niya na napipilitan lamang talaga ito umattend dahil sa pakiusap ng ina nito.   “Urgh! How I wish Ellie is with me right now! Para naman gumaan ang loob ko!” sigaw ni Jake na patumbang humiga sa kama. “Kung pwede ko lang sanang pahintuin ang oras ginawa ko na. Ayaw ko talagang makita ang Jayjay na iyon. Kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari sa bakasyon ko, hindi na lang sana ako umuwi dito.”               “Too late for regrets now.”  Pagkasabi noon ay humakbang na si Cathy palabas ng kwarto.               Naiwang nakahiga sa kama si Jake at nakatulala sa kisame, mapanuya ang naging ngiti niya. “After thirteen years ng pag-iwas ko sa’yo, finally magkikita tayo muli, why do I have this feeling that this night will not end well. Kung nangyari sana ito bago ko nakilala si Ellie. I will snatch your bride to be, as a revenge for the things you did to me in the past, and inviting me to your engagement party will be your biggest mistake, Jayjay.”   ***   Nagkatotoo nga ang sapantaha ni Jake. Hindi nga naging maganda ang kinalabasan ng gabi ng party ni Justin. Napag-alaman niya kasi na si Ellie na nobya niya ang bride to be nito. Pinaglalaruan yata talaga siya ng tandahan, ang wala sa loob na banta niyang agawin kay Justin ang fiancee nito ay nabaliktad, dahil siya ang naagawan nito ng nobya.   Mabilis at malalaki ang bawat hakbang ni Jake habang papalayo siya sa pavillion kung saan kasalukuyang ginaganap ang engagement party nina Justin at Ellie.               Nag-uunahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata, ang mabilis na lakad niya ay nauwi sa mabilis na pagtakbo.   Tumakbo siya ng tumakbo.   Nagbabakasakali siya na mapawi ng hangin na sumasalubong sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya.   Kung masamang panaginip lamang ito ay nais na niyang magising, at ibalik siya sa panahon  kung saan sigurado pa siya na si Ellie ay nobya niya na mahal na mahal niya at mahal din siya.   Sa pagtakbo niya ay narating niya ang dulo ng Isla, sa may talampas doon napahinto siya. Hinahabol niya ang kanyang paghinga. Halo halo ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang ba talaga ang nangyayari, ang dami niyang katanungan, ang dami niyang nais linawin.     Napahawak siya sa ulo niya. Naninikip ang dibdib niya tila ba nahihirapan siyang huminga, sumasakit ang ulo niya at walang patid ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya.   Kusang bumigaw ang mga tuhod niya kaya napaluhod siya.     Bakit hanggang ngayon pinapahirapan pa rin siya ni Justin? Ang buong akala niya ay wala na itong maari pang gawin para masaktan siyang muli. Ang buong akala niya malakas na siya, ngunit paanong nakuha na naman ni Justin ang kahinaan niya.  Paanong naging fiancee ni Justin ang Ellie niya. Sa lahat ng pambubully ni Justin sa kanya. itong engagement nito kay Ellie ang pinakamasakit.   “Ellie…” Nanghihinang sambit niya. “Bakit?” Tumaas baba ang mga balikat dahil sa paghagulgol niya.   “Bakit!” Sigaw niya sa madilim na karagatan. “Bakit mo ako nagawang saktan?!”   ***   “Jake.” Nagising si Jake sa mahinang yugyog sa balikat niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay mukha ni Cathy ang bumungad sa kanya.  Nakatulog siya sa ilalim ng isang puno sa may talampas. Dahan dahan siyang bumangon at naupong sumandal sa puno. Kasabay ng pagbabalik ng mga alaala niya sa nagdaang gabi ay ang pagbabalik din ng mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.   “Nag-aalala si Madam Betina sa’yo dahil bigla ka nalang daw nawala kagabi.” Bakas sa mukha ni Cathy ang pag-aalala.   Hindi tumugon si Jake.   Matiim na nakatitig si Cathy sa mukha niya. “A-akala ko nung una kamukha niya lang eh.”  Napakagat labi si Cathy, hindi niya kasi magawang banggitin kay Jake ang panagalan ni Ellie. “Anong nangyari?” sa halip ay tanong niya.               Bahagyang umiling si Jake. Nagbabadya muli ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.   “Hindi ko alam.” Maiksing sagot niya.               “Bakit hindi mo siya kinumpronta kagabi para sana nagkaalaman na?”               “Para ano pa? Para bigyan ng chance si Justin at si Ellie na pagtawanan ako? Para pagmukhain akong kaawa-awa sa lahat ng tao lalo na sa harap ng nanay ko?” mapait na ngumisi si Jake. “I’ll make them pay for this, hindi pa man ngayon pero titiyakin ko na pagbabayaran nila itong ginawa nila sa akin.”               Napakunot ang noo ni Cathy sa narinig. “Magkasabwat ba sila? Sigurado ka ba na kasabwat si Ellie ni sir Jayjay?”               “Tinatanong pa ba iyon?” Matalim ang mga mata ni Jake na tumingin kay Cathy. “Ano pa bang dahilan ni Ellie para biglang pumasok sa buhay ko? Bigla siyang lumitaw sa fire exit noong gabi ng annual ball, hinalikan niya ako doon, para ano? Para mapalapit sa akin? tapos pa-ibigin at para saktan sa huli? marahil para ipahiya na rin sa lahat ng bisita nila sa engagement nila!” Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ni Jake.  “Plinano nila ito ni Justin! Kaya pala ginawa nila lahat para masiguro na aattend ako sa party nila, dahil may plano silang ganito!” Tiim bagang na sambit niya, nanginginig ang mga kamay ni Jake sa galit, nakuyom niya ang dalawa niyang palad. “Pagbabayarin ko sila Katya, Maniningil ako ng doble sa sakit at panlolokong ginawa nila sa akin.”               Nababahala si Cathy sa nakikita niyang matinding galit sa mukha ni Jake, Hindi lingid sa kaalaman niya ang matagal ng hindi pagkakaunawaan ng magpinsan. Pero mas natatakot siya ngayon para kay Jake, dahil sa involvement ni Ellie. Si Ellie ang kauna unahang babaeng minahal ni Jake kaya alam ni Cathy na sobrang sakit para kay Jake ang malaman na ikakasal ito sa mortal pa nitong kaaway.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD