Five hours ang byahe mula sa Sining City hanggang sa Probinsya ng Bassei, mula naman sa Bassei ay kinse minutos ang lalakbayin sakay ng bangka bago ka makarating sa Isla Betina.
Ang twenty two acre Island nila Jake ay dating private Island lamang, kung saan sila lamang ng mommy niya at iilang tagapaglingkod ng kanilang bahay ang naninirahan sa isla na iyon. Ngunit nagbago ang lahat isang araw nang may napanuod ang mommy niya sa TV, May mga pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa house demolition, bilang bahagi ng “Clearing Operations ng lokal na pamahalan sa Katabing bayan ng Bassei. Nakaramdam si Mrs. Betina ng matinding awa para sa mga ito, karamihan kasi sa pamilya na iyon ay may maliliit pang supling.
Personal na pinuntahan ni Mrs. Betina ang mga ito upang alukin kung nais ng mga ito na magtrabaho sa kanya at manirahan kasama nila sa Isla.
Nagtayo si Mrs. Betina ng bukuhan sa Isla para sa mga lalaki, bumili rin siya ng iilang fishing boats at nagsimula din siyang magpatanim ng Tikog grass upang gawing banig ng mga kababaihan bilang kabuhayan ng labing isang pamilya na kinupkop ni Mrs. Betina doon.
Kabilang sa labing isang pamilyang na iyon ay ang pamilya ni Cathy.
Ang mansion nila Jake sa Isla ay mayroong thirty two thousand square feet, may main house sila na mayroong anim na kwarto, at siyam na banyo. Bukod sa main house meron din silang boathouse na mayroong tatlong kwarto at dalawang CR. Samantalang ang bawat pamilyang pinatira ni Mrs Betina ay binigyan niya ng portion sa Isla kung saan sila ay nagtayo ng kani-kanilang mga bahay.
“Sir Jake!” nakangiting sinalubong ng isang binata ang sasakyan ni Jake. Papasok pa lamang ito sa gate ng isang bungalow na bahay.
“Hello Paeng, kamusta na kayo?” bati ni Jake sa kay Paeng, Pagkababa niya ng kanyang sasakyan. Labing walong taong gulang pa lamang ito pero batak na ang katawan, Kayumanggi ang balat nito at dark brown ang buhok.
“Ayos naman po sir.” Tugon ni Paeng. “Hindi niyo po yata ginamit si Roger.”
Napalingon si Jake sa nakaparada niyang sasakyan. si Roger na tinutukoy ni Paeng ay ang dati nyang big motorcycle na ibinenta niya.
“Wala na si Roger, binenta ko na siya.” matipid na tugon ni Jake.
“Po?” Nagulat si Paeng sa narinig. “Eh hindi po ba paborito niyo iyon? Kelan pa po ba kayo nahilig sa four wheels?” sabay nguso nito sa SUV ni Jake.
“Okay na yan, Mas safe isakay si Ellie dyan kaysa kay Roger.”
Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Paeng. Magtatanong sana ito, ngunit napatingin ito sa bagahe na bibit ni Jake kaya dali dali nitong inabot iyon mula kay Jake. “Naku hindi ko po napansin may dala po pala kayo, akin na po ako na magbitbit.”
“Ako na, ano ka ba? Magaan lang naman ito.” Natatawang iniiwas ni Jake kay Paeng ang bagaheng hawak niya. “Hindi mo naman ako kailangan paglingkuran, ako pa nga ang naikikisuyo sa inyo para maipark ang sasakyan ko dito sa bahay niyo.”
“Sir Jake, alam niyo naman na malaki ang utang na loob namin sa inyo ni Madam Betina, habang buhay po kaming magpapasalamat, ako at ang mga pamilya ko sa pagkupkop niyo sa amin noon at pagbibigay ng kabuhayan.” Sabat ng isang forty two years old na lalaki sa usapan nina Jake at Paeng. Nakangiti itong nakatayo sa main door ng bahay. Gaya ni Paeng ay fit din ang pangangatawan nito, semi-kalbo at may kaliitan din ang height nito, maitim ang balat nito, dala ng madalas na pagbilad sa araw. Pangingisda ang kabuhayan nito.
Napangiti si Jake ng makita ang lalaki. “Kuya Bernard!” Masaya siyang lumapit dito. Kamusta po?” Nagyakap silang dalawa.
“Mabuti naman kami. Ikaw kamusta ka na? Ilang taon ka ding hindi umuwi ah?” Tugon ni Bernard.
“Higit isang taon lang naman ako nawala ah. Gusto ko din sana umuwi, kaso ang busy talaga sa gallery eh.”
“Ah kaya siguro nagresign ka sa university na tinuturuan mo?”
Napakamot si Jake sa batok niya. “Natanggal ako doon eh.” Nahihiya siyang ngumiti.
Nabakas ang pagkabahala sa mukha ni Bernard. “Aba’y bakit?”
“Mahabang kwento kuya eh.”
Natawa si Bernard. “Oo nga pala at tumuloy ka muna. Halika sa loob ng bahay.” Aya nito kay Jake. “Sabagay, dinadalaw ka naman madalas ni madam Betina doon, Isa pa kasama mo si Katya kaya siguro wala kang namimiss dito sa atin.” Dagdag biro ni Bernard sa kanya habang niyakag siya nito na maupo. Dali dali namang kumuha si Paeng ng juice at iniabot ito kay Jake.
“Kuya Bernard, may girlfriend na yan, kaya tigilan mo na ang pagtukso sa aming dalawa.” natatawang lumapit si Cathy sa kuya niya upang tapikin ito sa likod. Si Cathy ang bunsong kapatid ni Bernard.
Nanlaki ang mga mata ni Bernard sa narinig.”Totoo ba? May bumihag na sa pihikan mong puso?” natatawang tumango si Jake bilang tugon sa tanong ni Bernard.
“Speaking of Ellie nga pala, bakit hindi mo yata siya kasama?” Tanong ni Cathy habang sinusulyap ang sasakyan ni Jake sa labas.
“Hindi siya nakasama eh, family matters daw.”
“Sayang naman.” Nakangusong sambit ni Cathy.
“Hindi bale marami pa namang pagkakataon hindi ba sir Jake?” nakangiting sabat ni Bernard.
“Oo naman kuya. Malay mo, next year padalahan na kita ng imbitasyon sa kasal namin.” Kinikilig na napangiti ang tatlo sa narinig nilang sinambit ni Jake. Napakanta pa nga si Paeng ng wedding bells.
“Masaya kami na makita kang masaya sir Jake.” senseryong ani ni Bernard.
“Salamat Kuya.”
“Ay teka nga, nasaan na ba si Myrna?” Luminga linga si Bernard sa paligid hinahanap ang asawa niyang si Myrna. Nang hindi niya ito nakita ay naglakad siya patungo sa kusina. “Myrna! Myrna!” tawag niya dito.
Mula sa pintuan ng kusina ay lumabas ang isang ginang, kasing edad ito ni Bernard, bilugan ang pangangatawan, nakapusod ang hanggang balikat nitong buhok, at nakasuot ng salamin.
“Sir Jake!” ani nito na patakbong lumapit kay Jake. tumayo naman si Jake mula sa pagkakaupo sa sofa para salubungin ang yakap ng asawa ni Bernard.
“Naku habang tumatagal lalo kang gumagwapo!”Sambit ni Myrna sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Jake.
“Salamat po. Ate Myrna.” nahihiyang ngumiti si Jake sa papuri ni Myrna.
“Ay sandali, maghahain na ako, kumain ka muna bago ka lumayag sa Isla ha.” ani ng ginang na dali daling tumalikod at bumalik sa kusina.
“Maiwan muna kita sir Jake ha, at ihahanda ko lang ang bangka patawid mo sa Isla.”
“Salamat po kuya Bernard.”
“Paeng halika at tulungan mo ako maghain ng hapag.” utos ni Myrna sa anak.
“Sige po nay.” tugon ni Paeng sabay lingon kay Jake. “Sandali lang po sir Jake ha.” nakangiting tinanguan lamang ito ni Jake.
Naiwan sina Jake at Cathy sa sala.
“I can’t believe na uuwi ka sa engagement party ni sir Jayjay.” ani ni Cathy
“Jayjay?” nakakunot na tanong ni Jake. “Huwag mo sabihin nasa Isla si Jayjay?”
“I knew it!” napa-clap si Cathy. “Hindi mo alam? Hindi sinabi sa’yo ni Madam Betina noh? Sabi ko na eh. Kasi kung alam mo there’s no way you’re coming home.”
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Jake. Naging matalim ang mata ni Jake. Itinuon niya ang tingin sa sahig. Hindi ito ang unang pagkakataon na isinet up siya ng mommy niya para magkaharap sila ni Jayjay. Ito ang inaakalang paraan ng mommy at tito Carlos niya upang pagbatiin sila, Ngunit tuwing ginagawa nila ang ganun ay nag-iinit lamang lalo ang ulo ni Jake.
“Anong ginagawa ni Jayjay sa Isla?” Himig ng may pagbabanta ang boses ni Jake.
“Sa Isla gaganapin ang Engagement party ni sir Jayjay.”
“Engagement?”
Tumango si Cathy. “Oo. Bukas ng hapon.”
“Bakit sa Isla pa?” Lumakas na ng bahagya ang boses ni Jake. Kung hindi nga lamang siya nahihiya sa pamilya ni Bernard ay baka naihagis na niya ang flower vase na nasa center table ng sala nito.
Nagkibit balikat si Cathy.” Hindi ko alam.” Hindi alintana ni Cathy ang galit ni Jake. Nasanay na siya na palaging ganun si Jake kapag si Jayjay ang topic ng usapan. “Lahat ng guess ay dumating na sa Isla kahapon pa.”
“Si Jayjay nasaan?”
“Sabi ni Kuya Bernard kadarating lang din nila ng fiancee niya sa Isla kaninang umaga.”
Lumalim ang bawat paghinga ni Jake. Nakuyom niya ang magkabilang palad niya.
“Sir Jake okay na po ang bangka na gagamitin niyo pagtawid ng Isla.” Pagbibigay alam ni Bernard na kadarating lamang mula sa labas.
“Tamang tama, nakahain na ang hapag. Tara na at kumain muna bago kayo bumiyahe pa-Isla.” Nakangiting sambit ni Myrna.
“Kuya Bernard, Ate Myrna, Pwede ho ba dito muna ako makitulog ngayong gabi, bukas na bukas din po luluwas ako pabalik ng Sining City.” Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinambit ni Jake. Nagtatanong ang mga mukha nilang tumingin sa direksyon ni Cathy. “Nasa Isla kasi si sir Jayjay hindi ba.” Maiksing tugon ni Cathy.
“Hala ka! Tita Katya! Bilin na bilin ni madam Betina na huwag ipaalam kay sir Jake!” nababahalang sambit ni Paeng.
Nagkibit ng balikat si Cathy. “Bestfriend ko si Jake, natural nasa kanya ang loyalty ko.”
Bakas sa mukha ng dalawang mag-asawa ang pagkabahala, dahil nanatiling tahimik si Jake. Kung nakakahiwa lamang ang matalim na tingin nito, malamang kanina pa basag ang flower vase nila sa center table.