Alas-sais pa lang ng umaga, ay naghihintay na si Jake sa labas ng dorm nila Ellie, kagabi pa siya nag-aalala para sa nobya, Hindi niya ito makontak simula pa kahapon, panay lang ang ring ng cellphone nito, sinubukan niya ring tawagan sina Maris at Vanessa, out of reach si Maris habang si Vanessa ay kagaya kay Ellie na panay lang din ang ring ng cp. Dahil doon naisip niya na baka magkakasama ang tatlong magkakaibigan, kahit paano naibsan ang pag-aalala niya.
Habang nakatayo siya sa labas ng SBU ay panay pa rin ang dial niya sa numero ni Ellie, ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya, kaya naman nagdesisyon siya na subukan namang tawagan si Vanessa. Medyo natagalan sumagot si Vanessa sa tawag niya. Nabuhayan lamang siya muli ng loob ng marinig na ang boses ni Vanessa sa kabilang linya.
“Hello?” mababanaag sa boses nito na kagigising lamang nito.
“Vanessa! si Jake ito. Kasama mo ba si Ellie? Nasa dorm niyo ba kayo ngayon.”
“Jake? Goodmorning.” Bati ni Vanessa, Sandali itong nag-isip. “Hindi kami magkasama ni Ellie, nauna na akong umuwi kahapon eh, andito na ako sa hometown ko ngayon. Hindi ba kayo nagkita kagabi?”
Nang dahil sa naging tugon na iyon ni Vanessa ay bumilis ang t***k ng puso ni Jake. Napalunok siya sa kaba. Lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo.
“Hindi ko siya makontak kagabi pa.” nanginginig ang boses na sambit niya. “Nasaan kaya si Ellie? Alam mo ba kung nasaan siya? Kagabi pa ako tawag ng tawag sa kanya, ring lang ng ring ang cellphone niya. Andito ako sa labas ng dorm niyo ngayon eh, gusto ko na nga sana pasukin ang kwarto niyo, kaso sarado ang school gates eh, yung school guard naman ayaw makicooperate gusto ko lang naman icheck kung nasa loob si Ellie eh, Please Vanessa help me! Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin, sobrang nag-aalala na ako talaga!” pigil ang hiningang sambit niya.
“Jake, kumalma ka muna, Umm, I’m sure Ellie’s fine, baka nakatulog lang siya kagabi kaya hindi sumasagot…” napahinto sa pagsasalita niya si Vanessa. “Ahhh!” Napaigtad si Jake sa biglang pagsigaw nito sa kabilang linya. “Naalala ko na!” ani nito.
“What is it? Alam mo na kung nasaan siya? May nabanggit ba siya sa’yo na pupuntahan niya?”Sunod sunod na tanong ni Jake bakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito.
“Kahapon naabutan ko pa si mommy niya.”
“Mommy nino?”
“Mommy ni Ellie. Bigla na lang siyang sumulpot sa pinto ng kwarto namin, ang alam ko pinapauwi niya si Ellie sa Itakam.”
“Palagay mo ba sumama si Ellie sa mommy niya?”
“Iniwan ko na kasi silang dalawa kahapon at nauna na akong umalis. Alam mo naman ang status ng relastionshiip nilang mag-ina hindi ba?”
“Yes.” Maiksing tugon ni Jake.
“Maybe, Ellie is too emotional right now dahil sa biglaang pagkikita nila ng mommy niya kahapon, kaya marahil ay nakalimutan ka niyang sabihan ng mga naganap.” Bumaba ang boses ni Vanessa. “Please don’t be upset with her.” Pakiusap nito kay Jake.
“I’m not upset, I’m just worried. Kahit man lang sana text nagsend siya to let me know na hindi na siya makakasama sa akin sa Isla, na kasama niya ang mommy niya sa Itakam.”
“Sana maintindihan mo siya Jake, ang tagal ng dinadala ni Ellie itong family problem nila, ayaw kong pakialaman ang relasyon niyong dalawa, ang tanging hiling ko lang, kung sa one week na sembreak na ito ay maayos ang rift nilang mag-ina, sana maibigay mo sa kanila ang space na kailangan nila. I saw mom’s Ellie kahapon, sa mukha niya kitang kita ko na miss na miss na niya si Ellie, kahit pa pilit niyang itago, dama ko na gusto niya rin na magkaayos sila. Let’s just wish them na magkaayos na talaga sila. Please, please huwag ka sana magalit sa kanya ngayon at baka makadagdag pa iyon sa pinagdadaanan niya.”
“I understand. Don’t worry, I’m not mad with Ellie, and hindi ko siya susumbatan dahil lang nakalimutan niya akong sabihan.”
“Malay mo, later tawagan ka na niya to explain.”
“I hope so. I really need to hear her voice now. Pero hihintayin ko muna ang tawag niya bago ako umuwi, I don’t think it is right na basta nalang akong uuwi ng hindi niya alam.”
“I don’t think that’s a good idea, I suggest na mauna ka na sa Isla, kasi for sure nasa Itakam na si Ellie eh, atleast kapag nalaman niya na natuloy ka sa Isla eh hindi siya maguilty na hindi ka niya nasabihan agad and worst pinaghintay ka pa niya. Don’t worry about her kilala ko si Ellie, ayaw niya kasi maging burden sa ibang tao kaya hindi talaga siya humihingi ng tulong, pero lagi ko sinasabi sa kanya na kapag hindi na niya kaya, tumawag lang siya. Let’s believe in her Jake na kaya niya. and for sure ikaw ang unang tao na hihingan niya ng tulong kapag kailangan na niya.”
“Alright then, sa Isla nalang ako maghihintay ng tawag niya, anyway sunduin ko nalang siya kapag magbago ang isip niya at gustuhin niyang sumunod sa akin doon. Thanks Vanessa.”
“Take care Jake. Bye!”
“Bye.”
Sa kabila ng naging usapan nila ni Vanessa, hindi pa rin mapakali si Jake, hinintay niyang mag nine o’clock ng umaga kung, ang oras ng simula ng visiting hours sa dorm, para lang macheck ang kwarto ni Ellie. Gusto niyang matiyak na wala talaga doon si Ellie, na sumama nga talaga ito sa nanay nito sa Itakam.
Pagdating niya sa tapat ng pintuan ng kwarto nila Ellie, mahinahon siyang kumatok sa pinto, ngunit walang tumugon sa mga katok niya.
Sinubukan niyang tawagan muli si Ellie sa cellphone nito, narinig niyang nagriring ang cellphone sa loob ng kwarto.
Napakunot ang noo niya. Naiwan ni Ellie ang cellphone niya sa kwarto? Nakaramdam siya ng kilabot mula sa ulo niya, pababa sa leeg niya, hanggang sa mga balikat niya. Nabuhay ang takot sa puso niya, paano kung nasa loob si Ellie at walang malay? Paano kung may masamang nangyari dito? Sa mga isipin iyon kaya dali dali niyang pinagsisipa ang pintuan ng kwarto hanggang sa mabuksan iyon.
Tumunog ang alarm ng dorm, ngunit dahil sembreak na iyon, wala kahit isang estudyante doon. Dali dali siyang pumasok sa kwarto, ngunit walang tao doon, nakita niya ang cellphone nito na nasa bedside table pa rin nito. Lumapit siya doon at dinampot ito. Kaya pala hindi siya sumasagot sa mga tawag ko, dahil naiwan niya ang cp niya dito. Absent-minded Ellie, paano mo nga naman ako makokontak niyan ngayon, eh hindi mo naman saulo ang number ko.
Nilibot ng paningin niya ang paligid ng kwarto, May napansin siya sa gilid ng bed nito na isang maliit na maleta, akmang bubuksan niya sana iyon ng biglang pumasok ang dalawang security guard.
Nakilala agad siya ng isa sa guard. “Professor Insano!” ani nito.
“Sir, may problema po ba? Ano po ba ang nangyayari bakit kinailangan niyong sirain ang pinto ng kwartong ito?” tanong nito sa kanya.
“Si Ellie kasi, kagabi pa siya hindi sumasagot sa mga tawag ko kaya nag-alala ako, yun pala naiwan niya yung cp niya dito.”
“Ah si Ms.Villanueva po ba? Kahapon po parang sinundo siya ng nanay niya eh. Nakita ko po na nauna lang po lumabas ng gate si Ms. Ellie, tapos kasunod niya po si Mrs.Villanueva. Hindi naman na po sila bumalik, baka po magkasama sila ngayon?”
“Oo nga.” Tumango tango si Jake. “Pasensya na sa pinto.” Sabay turo niya sa dako ng pintuan “Bayaran ko nalang yung damage.”
“Sige po sir, sana po next time sir wala na pong ganito, pinakakaba niyo po kami eh.” Nakangiting sambit ng guard.
Kakamot kamot sa batok niya si Jake at nahihiyang ngumiti sa mga gwardya. “Pasensya na talaga.”
Kahit paano nakahinga siya ng maluwag ng malaman niya na magkasama talaga sina Ellie at ang mommy nito, at kaya hindi siya kinokontak ng nobya ay dahil naiwan nito ang cellphone nito.
Nakaramdam ng panghihinayang si Jake, kung bakit ba kasi hindi pa siya gumawa ng social media account niya dati, ang bagay na laging kinukulit sa kanya ni Ellie na gawin, edi sana mas madali silang makakapagcommunicate ngayon. Napagtanto din niya na marami pa pala talaga siyang hindi alam tungkol kay Ellie.
Pagkagaling ng SBU, dumiretso na ng apartment niya si Jake, malungkot man siya dahil uuwi siya na hindi kasama si Ellie, pero hangad niya na maayos ni Ellie at ng mommy nito ang hindi pagkakaunawaan nilang dalawa.
Nag-impake siya ng ilang gamit niya, tapos ay sumakay sa sasakyan niya at nagbyahe pauwi na sa Isla Betina.
Magiging mahaba ang bawat segundo ng sembreak na ito para kay Jake, dahil wala pa man silang higit bente kwatro oras na nagkakalayo ni Ellie ay sobrang miss na niya ang dalaga, paano pa kaya niya palilipasin ang isang linggo na pagkakawalay dito.