First day of semestral break, Start na ng one-week vacation nila Ellie sa University.
Nasa dorm room sina Ellie at Vanessa ng mga oras na iyon, Pareho silang abala sa pag-iimpake ng mga gamit ni Vanessa. Ilang minuto nalang kasi ay darating na ang sundo ni Vanessa pauwi sa hometown nito, habang si Maris ay nakalipad na ng ibang bansa kahapon pa ng hapon upang magbakasyon sa isang magandang beach resort kasama ang pamilya nito.
“Gusto mo ba bukas na lang din ako bumyahe para may kasama ka pa dito mamayang gabi?” suhestiyon ni Vanessa, bakas sa mukha nito ang pag-aalala para kay Ellie dahil maiiwan itong mag-isa sa dorm nila ng isa pang gabi.
“Ano ka ba?!” natatawang tugon ni Ellie. “Ayaw kong aksayahin ang isang araw mo para makasama mo ang family mo noh! Huwag kang mag-alala sa akin, I’ll be fine here.”
“Bakit naman kasi bukas pa kayo aalis ni Jake, dapat ngayon nalang din, para naman hindi ako mag-alala na maiwan ka dito mag-isa. Halos lahat pa man din yata ng estudyante ay nagsibakasyon na.” Nakangusong sambit ni Vanessa.
“May importanteng meeting pa kasi si Jake mamayang hapon sa gallery, eh hindi rin niya kasi alam kung ano oras matatapos iyon kaya minabuti nalang namin na bukas nalang kami aalis.” Pilyang ngumiti si Ellie kay Vanessa. “Besides, I might stay at Jake’s place later, you’ll never know.”
Nanlaki ang mga mata at napabuka ang bibig ni Vanessa sa narinig na tinuran ni Ellie, Natatawang hinampas niya ito sa braso na ikinatawa rin ni Ellie.
“Oh sige pala, mauuna na ako sa’yo ha.” pamamaalam ni Vanessa, nagyakapan pa silang dalawang mag-kaibigan.
“Ingat ka sa daan.” bilin ni Ellie dito.
“Ikaw din, enjoy the Isla Betina.” binuhat na ni Vanessa ang bagahe niya.
“Ihahatid na kita sa baba.” Alok ni Ellie.
“No need, I can manage na.” tanggi ni Vanessa dito nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto nila.
Nagkatinginan silang magkaibigan. Wala naman kasi silang inaasahan na bisita ng mga oras na iyon, isa pa lahat ng kakilala nila na ibang estudyante sa dorm ay nasa bakasyon na kaya sino ang bisita nilang ito?
“Ako na.” presinta ni Vanessa. Dala dala ang bagahe niya ay tinungo niya ang pintuan, habang bumalik si Ellie sa closet niya upang may ayusin doon.
Pagbukas ni Vanessa ng pinto ay isang magandang babae ang bumungad sa kanya. Tantiya niya nasa early fifties ang edad nito, pero sophisticated pa rin ang ayos at tindig nito.
“Good morning po.” bati ni Vanessa sa bisita nila. “Sino pong hanap nila?”
“Good morning din, Nandito ba si Ellie?” tugon ng babae kay Vanessa. Mababanaag sa boses nito ang autoridad, sinyales na mataas ang estado nito sa buhay.
“The who?” tanong ni Ellie kay Vanessa.
Nilingon ni Vanessa si Ellie, Humakbang siya sa gilid ng pintuan para ipakita kay Ellie ang hndi pa kilalang bisita nila. Agad na dumilim ang expression ng mukha ni Ellie ng mapagtanto nito kung sino ang nasa pintuan ng dorm nila.
“What are you doing here mom?” agad na tanong ni Ellie.
“Mom?” pag-uulit ni Vanessa sa narinig na sinambit ni Ellie. Muli niyang hinagod ng tingin ang babae sa pinto. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng iyon ang nanay ni Ellie. Nagpalit palit siya ng tingin sa dalawa. “Mommy mo?” muling tanong niya. Ngunit walang naging tugon si Ellie kay Vanessa, matiim ang bagang at nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig pa rin sa nanay niya. Nakipagtitigan din naman kay Ellie ang nanay nito.
“How are you dear?” boses ng ginang ang bumasag sa halos isang minutong staring contest nilang dalawa ni Ellie.
“What do you need mom?” Pairap na tanong ni Ellie sa ina.
Ngunit hindi kumibo ang ginang sa tanong niya, sa halip ay humakbang ito papasok sa loob ng kanilang kwarto at inabala ang sarili upang suriin ang buong silid.
“You’re wasting my time mom.” Her arms crossed across her chest.
“I want you to come home.” Tahasang ani ng ginang.
Nagsimulang mamula ang mukha ni Ellie sa galit.
Bigla naman ang ring ng cellphone ni Vanessa. Napatingin silang tatlo sa nagriring naa cellphone ni Vanessa na nasa ibabaw ng study table nito.
Dali dali iyong dinampot ni Vanessa at kinancel ang tawag. Nahihiya siyang ngumiti sa mag-ina. “Yung sundo ko andito na.” Paliwanag niya.
Pilit na ngumiti si Ellie sa kanya. “Sorry hindi na kita mahahatid sa labas.”
“It’s okay.” bumaling si Vanessa sa mommy ni Ellie. “Mauuna na po ako, tita.”
Ngumiti ang ginang kay Vanessa. “Ingat ka hija.”
Pagkasabi noon ay dinampot ni Vanessa ang bagahe niya, humakbang siya palabas ng silid, muli siyang ngumiti kay Ellie bago niya tuluyang isinara ang pintuan ng kwarto nila.
“This is my home. Mom.” Ani ni Ellie.
“This is your school, not your home Ellie, hanggang kailang ka ba magrerebelde sa akin?” reklamong tanong ng ginang.
“Hindi ako nagrerebelde lang!” tumaas na ang boses ni Ellie, hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon ay hindi pa rin siya naiintindihan ng nanay niya.
“What else do you want? I gave you your space. pinabayaan na kita na gawin ang gusto mong gawin these past few years. Ano pa ba ang gusto mo?”
“I want daddy back.” Natigilan ang mommy niya sa narinig na sambit ni Ellie.
“Hindi na siya babalik Ellie.”
Ellie clenched her teeth “Then, hindi rin ako babalik sa bahay mo.”
Patakbo lumabas ng kwarto si Ellie, iniwan niya ang mommy niya sa kwarto nila. Narinig niya pa na tinawag nito ang pangalan niya pero hindi siya lumingon. Tumakbo siya ng tumakbo ng walang eksaktong direksyon na pupuntahan. Nais lamang niya talaga ay makalayo sa mommy niya. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa manghina na siya. Hinahabol niya ang hininga niya na naupo siya sa isang bench sa gilid ng kalsada, sa tapat ng isang family park.
May isang lalaki ang dahan dahang lumapit sa kanya.
“Ellie?” Hindi makapaniwalang tawag nito sa pangalan niya.
Dahan dahang nag-angat si Ellie ng ulo niya upang tingnan kung sino ang lalaki.
“Ikaw nga!” galak na galak na sambit nito. Agad siyang niyakap ng binata.
Unti unting napalitan ng abot tenga na ngiti ang gulat na mukha ni Ellie.
“Namiss kita ng sobra!” ani ng lalaki na hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
“Ang tagal kitang hindi nakita.” Maluha luhang bumitaw sa pagkakayap si Ellie upang punasan ang mga luha niya. Matamis na ngumiti ang lalaki sa kanya. hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi, at tiningnan siya ng diretso sa mga mata.
“I know. I’m sorry, pero andito na ako love, hindi na tayo maghihiwalay.” Dinampian nito ng halik sa labi si Ellie. “I love you.” Dagdag nitong sabi.
Napangiti si Ellie sa narinig. “I love you too, Justin.” Tugon niya dito bago muli silang nagyakap dalawa.