"Hello lovebirds." Bati ni Vanessa kina Jake at Ellie ng makita niya ang dalawa sa parking lot ng SBU campus. Kagagaling lang nitong mamili sa grocery.
"Hi Vanessa." Nakangiting bati rin ni Jake. "Kakatapos namin magdinner ni Ellie, teka nagdinner ka na rin ba?" Tanong nito.
"Yes sir Jake, with Maris." Tugon ni Vanessa.
"Ikaw naman.” May halong tampong ani ni Jake kay Vanessa. “Diba sabi ko sa’yo Jake nalang itawag mo sa akin. Hindi naman na ako professor dito sa school niyo eh"
"Oo nga pala." Natawa si Vanessa "Sorry, Jake."
"Oh sige pala magpapaalam na ako sa inyo ng makapagpahinga kayo." Ani ni Jake tapos ay hummalik ito sa noo ni Ellie. "Don’t stay up too late okay?"
Tango ang isinagot ni Ellie dito. "Ingat ka sa pagdadrive."
Muling nilingon ni Jake si Vanessa. "Goodnight Vanessa.”
"Goodnight sir Jake, este Jake" ani ni Vanessa habang kumaway kay Jake
Tinanaw nila ang sasakyan ni Jake hanggang sa mawala ito sa paningin nila.
Napabuntong hininga si Ellie Bagay na ikinakunot ng noo ni Vanessa.
"Ang lalim nun ah.” Puna nito kay Ellie. “Why? What’s wrong?"
"Nothing.” tanggi ni Ellie dito tapos ay tumalikod na ito sa kaibigan para humakbang patungo sa dorm nila.
Hinabol siya ni Vanessa.
“Tell me.” Pangungulit nito sa kany. “Alam ko may problema ka. Kilalang kilala na kita kaya wala ka ng maitatago sa akin.”
Huminto sa paglalakad si Ellie pero hindi niya hinarap ang kaibigan sa halip ay tumingin siya sa kanyang mga paa.
“Si Jake kasi eh.” Nakasibangot na ani niya.
"What about him?” nakakunot na tanong ng kaibigan niya.
Nakanguso si Ellie na tumingin kay Vanessa. “Monthsary namin ngayon, nakalimutan na naman nya.”
“Eh baka kasi busy lang yung tao kaya nakalimot. Sana kasi pinaalala mo na lang.”
“Noong first monthsary namin hindi niya naalala so sabi ko okay lang kasi hindi niya daw alam na may ganun na sine-celebrate sa magkasintahan, noong second monthsary namin nakalimutan niya na naman, so pinaalala ko ulit sa kanya, noong third monthsary namin nakalimutan niya ulit kaya pinaalala ko na naman ulit. Pero ngayon, Fourth monthsary hindi na naman niya naalala. Para saan pa na na ipaalala ko sa kanya kung next month makakalimutan din naman niya.” Magkasalubong ang kilay na paglalabas ni Ellie ng sama ng loob sa kaibigan niya. “Ilang beses ko ng sinabi sa kanya ito, pero bakit hindi niya pa rin natandaan? Pakiramdam ko wala akong halaga sa kanya.” May himig ng hinanakit ang boses ni Ellie.
“Nonsense! Ano ka ba?” sabay tapik ni Vanessa sa braso ni Ellie. “Huwag ka nga mag-isip ng ganyan. Alam ko at ramdam ko na mahalaga ka kay Jake. nakikita namin mismo ni Maris yun kaya nga supportive kami sa relasyon niyo eh. Hindi man niya naalala na monthsary niyo ngayon eh atlis gumagawa pa rin siya ng way para mabigyan ka ng oras niya everyday. Alam mo naman diba na hindi siya kagaya natin na maraming oras. Nagmamanage siya ng isa sa sikat art gallery dito sa bansa, kaya siguro super busy siya.”
“Sapat ba na dahilan iyon para makalimot siya?”
“Sapat ba na dahilan yan para pagsimulan ng tampuhan niyong dalawa?”
Hindi kaagad nakasagot si Ellie sa tanong ng kaibigan. Ilang segundo pa ay unti unti siyang ngumit. “Baka nga tama ka.”
“Anong baka? Tama talaga ako.” Nakataas noong sambit ni Vanessa.
Alam naman niya na tama ang mga sinabi ni Vanessa pero hindi niya pa rin magawang alisin sa isipan niya ang tampo na nararamdaman niya. Hindi lang naman kasi iyon ang problema niya, Tuwing lalabas sila ni Jake, lagi siya lang ang nagkwekwento ng tungkol sa nangyayari sa maghapon niya, kapag tatanungin niya ito maiksing "okay lang." Ang sinasagot nito, syempre diba para mas lumalim ang ugnayan nilang dalawa sana nagoopen up din ito sa kanya, hindi yung sa iba niya pa nalalaman ang mga ganap nito sa buhay. Gaya na lamang nung isang beses na kinilala ito ng bansa at pinarangalan ng Young Pioneer Award dahil sa edad nitong 28 yrs old ay Co-founder na ito ng Jakegenix Art Gallery at ito rin ang napiling representative ng bansa nila sa Asia Artist Club. Isang promenenteng Artist club sa buong Asia.
Hindi niya malimutan kung gaano siya ka-upset ng ibalita iyon ng isa sa mga kaklase nila, biniro pa siya ng mga ito na hindi man lang niya sinabi sa kanila ang achievements ng nobyo niya. Tandang tanda niya kung paanong pinilit niyang ngumiti at magkunwari na alam niya ang lahat ng nangyayari sa boyfriend niya kahit pa ang totoo ay wala siyang idea na may ganun na ganap na pala kay Jake. Hindi naman nagsabi sa kanya ang nobyo niya kahit pa araw araw silang sabay nagdidinner edi sana siya ang unang nagcongratulate dito. Mali ba siya na makaramdam na tila hindi siya mahalaga dito? Mali ba siya na masaktan sa isipin na pagmay magandang balita ay hindi siya ang unang unang tao na nais sabihan ni Jake tungkol doon?
Ang gusto lang naman ni Ellie ay maging totoong bahagi siya ng bawat araw ni Jake. Hindi gaya ng ganitong nangyayari sa kanila na kahit araw araw sila magkausap sa cellphone at madalas kumakain sa labas ay tila ba may bahagi pa rin sa buhay nito na hindi niya pwedeng pasukin, hindi niya pwedeng pakialaman o kaya naman yung madalas na pinaparamdam sa kanya ni Jake na hindi siya nito kailangan.
Gustong gusto niyang i-open up ang tampo niya pero hindi niya pa kasi alam kung paano ito sasabihin kay Jake. Nagdadalawang isip din kasi siya na sabihin ang tungkol doon kay Jake dahil natatakot siyang madisappoint ulit. Noong sinabi niya dito ang tungkol sa tampo niya sa paulit ulit na paglimot ni Jake sa monthsary nila ay hindi naman siya nito sineryoso, palaging lamang humihingi si Jake ng paumanhin pero walang pagbabago. Palagi niyang kinukumbinsi ang sarili niya na okay lang kahit ang totoo ay hindi na siya okay.
“Happy monthsary Ellie ko!” Ang pagbating iyon ang nagpawala ng mga iniisip ni Ellie. May ngiti sa labi siyang nagpalinga linga sa paligid niya, hinahanap niya ang pinagmulan ng boses na narinig niya. Ngunit agad din naglaho ang ngiti niya ng makita na walang ibang tao sa paligid nila, tanging silang dalawa ni Vanessa lamang ang nasa parking lot ng mga oras na iyon.
Lumalim ang pagkakakunot ng noo niya, muling sinuri ni Ellie ang paligid niya, ngunit wala talagang ibang tao doon, nagsimulang magsitayuan ang mga balahibo niya.
Agad din naman napansin ni Vanessa ang paglinga linga niya kaya sinundan din ng mga mata nito ang mga tinitingnan niya. “Bakit? Anong hinahanap mo?”
“Parang may narinig kasi ako na tumawag sa pangalan ko.” Namumutla sa takot na tugon ni Ellie.
“Wala naman ako narinig eh. Huwag ka nga manakot dyan Ellie.” napayakap sa sariling sabi ni Vanessa dahil tila ba lumamig sa paligid nila.
“Guni guni ko lang siguro iyon.”
“Oo, guniguni mo lang iyon. Tara na kasi” biglang hinila ni Vanessa sa kamay si Ellie at nagmamadali silang tumungo sa dorm building nila.
Hindi guni-guni iyon. Ani ng isip ni Ellie habang hila hila pa rin siya ni Vanessa, malapit na sila sa pintuan ng dorm nila. Sigurado akong sa narinig ko. Si Jake kaya iyon? Binati niya ako ng monthsary. Napailing si Ellie. Hindi iyon boses ni Jake. Pero bakit parang pamilyar sa akin ang boses na iyon?
***
“Good morning love!” Masiglang bati ni Ellie kay Jake ng umagang iyon, sinundo siya nito para sabay silang mag-almusal dahil ayon dito hindi na sila makakapagdinner ng sabay dahil sobrang abala nito sa art gallery.
"Goodmorning." Napasibangot si Ellie sa naging tugon ni Jake. Sinuggest niya kasi dati kay Jake na magkaroon sila ng tawagan, ngunit tinawanan lamang siya ng nobyo niya. Patuloy pa rin si Ellie sa pagtawag ng ‘love’ kay Jake dahil baka sakali mapagbigyan din siya nito balang araw. Pilit binabalewala ni Ellie ang mga kaunting hinanakit niya para dito, sa halip pinili niyang unawain si Jake at patuloy siyang umaasa na magiging malambing din ito sa kanya.
“Something wrong? Natutulala ka.” maang na tanong ni Jake ng makita ang pagsimangot nya.
Pilit ang naging ngiti ni Ellie bago siya tumango “Nothing, medyo napuyat ako sa kwentuhan namin ni Vanessa kagabi.” pagsisinungaling niya, Ayaw na niyang banggitin dito ang tungkol sa tampo na nadarama niya ng mga oras na iyon dahil kung sasabihin niya dito ang hinaing niya tapos ay lalabas lang din sa kabilang tenga ni Jake ay lalo lamang siyang masasaktan kaya pinili na lamang niyang manahimik lamang.
Binuksan ni Jake ang pinto sa passenger seat ng sasakyan nito at inalalayan niya si Ellie na makasakay bago ito tumungo sa driver seat.
“Aba, nagpuyat pa pala kayo kagabi ni Vanessa ha. I told you diba, you should rest early. Kasi malapit na finals niyo oh. You should focus on your lessons.” ani ni Jake habang inaayos nito ang seatbelt ni Ellie.
Napanguso si Ellie. Hindi na kita professor, girlfriend mo na ako, stop treating me as if I’m still your student Jake! Ang mga katagang iyon ang nais niyang isigaw ng mga oras na iyon ngunit pinigil niya ang sarili niya, dahil alam naman niya na wala ring kahahantungana ang outburst niya, mabuti sana kung makikipag argue si Jake sa kanya kaso hindi naman nakikipagtalo si Jake eh, mag-aagree ito sa mga sasabihin niya at hihingi ng tawad ngunit wala din naman changes. Tipid siyang ngumiti dito bago niya isinaandal ang ulo niya sa headrest at pumikit. Umaga pa lamang pero pagod na pagod na ang pakiramdam niya.
Sa isang all day breakfast siya dinala ni Jake para mag-almusal. Kalahati na ang nuubos ni Jake sa tapsilog nito habang hindi pa rin nagagalaw ni Ellie ang pancake niya, wala kasi siyang gana kumain.
“Marami kang work mamaya?” Tanong ni Ellie habang nilalaro ng tinidor niya ang pancake sa plato niya.
“Ha?” napatingin si Jake sa kanya. Nagpuna ito ng bibig bago siya sinagot. “Hindi, si Katya. May event siya, and she asks for my help.”
Naningkita ang mga mata ni Ellie sa narinig. So si Cathy lang pala ang dahilan kaya magiging busy ka.
Si Cathy, ang childhood friend ni Jake. She’s a former beauty queen and after grumaduate ng college nagtayo ito ng events organizing company. Ang babaeng pinagselosan nya dati, pero dahil binigyan siya ng assurance ni Jake na kapatid lamang ang turing niya dito ay napanatag ang loob niya. Ngunit hindi maiwasan ni Ellie na habang tumatagal sila sa relasyon nila ay nagkakaroon siya ng duda sa totoong relasyon ni Cathy at ni Jake. Madalas kasi kapag tumatawag si Cathy kay Jake at nangangailangan ng tulong ay agad itong pinupuntahan ni Jake. Minsan pa nga ay kinancel ni Jake ang lakad nila dahil may emergency si Cathy.
Napangiti si Ellie, pinapungay niya ang kanyang mga mata. “Pwede ba akong sumama?”
“No need. Maabala ka pa.” Mabilis na tugon ni Jake.
“No, really it’s fine, para magkakilala kami lalo ni Cathy.” Napangisi si Jake sa sinabi niya.
“Ellie, busy si Katya dahil trabaho niya iyon kaya for sure hindi ka niya mahaharap mamaya, maybe next time.” maikling sagot ni Jake at muling ibinalik nito ang atensyon sa pagkain nito.
Ellie na naman. Kailangan mo ba ako pagbibigyan sa gusto kong endearment Jake.Pairap na ani ni Ellie sa isip niya.“Bakit next time pa kung pwede naman ngayon?” pagpipilit niya. “Malay mo baka may maitulong ako sa inyo.”
Natawa si Jake sa huling tinuran niya, na naghatid ng kirot sa dibdib niya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Hindi ba siya naniniwala na may maitutulong ako sa kanila doon? Hindi man sinasadya ni Jake pero naiparamdam na naman nito sa kanya na para siyang bata, walang alam at walang kakayahan.
“You are adorable.” nakangiting ani Jake sabay kurot sa chin niya. “Finish your meal, malalate ka na.”
Napakagat si Ellie sa ibabang labi niya at yumuko, pinipigilan niya ang maluha ngunit sobra talaga siyang nasaktan sa tila ba pagmamaliit ni Jake sa kakayahan niya. Hindi ba sabi nito dati na talented siya, dahil nagandahan ito sa painting na ginawa niya.
Mahal kita, ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko and yet you don't believe in my capabilities. You used to believe in me noong si sir Jake ka pa, Noong professor pa kita. What happened? Bakit ka nagbago? Si sir Jake na nag-iisang naniwala sa talent ko dati. Pakitang tao lamang ba iyon dati? Pinuri mo lang ba ang gawa ko para palakasin ang loob ko? Para imotivate ako? iyon ang mga katagang tumatakbo sa isipan ni Ellie habang nakayuko siya. Mga salitang hindi niya magawang sabihin ng harapan kay Jake.
***
Inihatid siya ni Jake sa SBU campus, pagkatapos magpaalam sa kanya ay umalis na rin ito agad. Ang bigat ng bawat hakbang ni Ellie patungo sa una nilang klase. Ang bigat ng pakiramdam niya, nang dahil sa kawalan ng pananalig ni Jake sa kakayahan niya tila ba lumiit na din ang tingin niya sa sarili niya.
“Ellie, wait!.” Napalingon si Ellie sa pagsigaw ni Vanessa sa pangalan niya.
“Kanina ka pa namin tinatawag, kanina ka pa tulala.” humahangos na sambit ni Maris ng makalapit sila ni Vanessa kay Ellie.
“Oo nga, what’s the matter? Mukhang ang lalim ng iniisip mo.” dagdag ni Vanessa.
Napayuko si Ellie. Hindi niya mapigilan ang pagmugto ng mga mata niya. Sobrang punong puno na siya. Hindi na niya kayang itago pa ang lahat ng sama ng loob na nadarama niya. “Sabi kasi ni Jake tutulungan niya si Cathy sa Event nito, gusto ko sana sumama kaso ayaw naman niya.” pagsusumbong niya sa mga kaibigan.
“Eh bakit daw?” nakataas ang kilay na tanong ni Maris.
“Ayaw daw niya ako maabala.”
Inabot at pinisil ni Vanessa ang braso ni Ellie dahilan para mapatingin siya dito. “Huwag ka na magtampo. Baka naman…”
“May surpresa si sir Jake sayo!” puto ni Maris sa pagsasalita ni Vanessa. “Kaya kinuha niya ang service nila Cathy. diba fourth monthsary niyo kahapon? Baka kaya kunwari nalimutan ni Jake kasi may inihahanda siyang surpirse para sa’yo!” Todo ang ngiting samit ni Maris.
Maaari nga kaya?
Come to think of it. Never pa siyang surprise ni Jake.
Meron nga kaya itong surpresa para sa kanya?
Tumingin si Ellie kay Vanessa, hinihintay niya ang opinyon nito kung sasang-ayon ba ito sa sinabi ni Maris. Sa kanilang tatlo ito ang pinakamatalino, may mga bagay itong naiintindihan sa buhay na hindi nila maintindihan ni Maris. Mas matured itong mag-isip kaysa sa kanilang dalawa kaya pagdating sa mga advices dito siya unang tumatakbo.
Ngumiti ito sa kanya. “Pwedeng tama si Maris, pwedeng mali din siya, kaya wag ka masyadong aasa para hindi ka lalong masaktan.” Payo nito.
Pinili nyang maniwala sa sinabi ni Maris, pinili nyang maniwala para maibsan ang tampo na nararamdaman niya. Ang hindi niya alam iyon ang naging pagkakamali niya, hindi dapat siya umasa. Hindi dapat siya nag-assume at nag-expect.
Isang araw ang lumipas..
Dalawang araw na ang nakalipas..
Tatlo at apat na araw na nakalipas, Wala ang ine-expect niya.
Walang inihandang surpresa si Jake para sa kanya.
Kaya naman mas lumalim ang tampo niya dito.
Dumami rin ang pagdududa sa relasyon nilang dalawa. Palagi na niyang sinusukat na mas malalim ang pagmamahal niya para kay Jake kesa sa pagmamahal ni Jake para sa kanya.