Chapter 12

2888 Words
“Walang text, walang tawag, hindi ko na alam kung buhay ka pa.” may hinanakit sa boses na sambit ni Ellie habang nakatitig siya sa painting portrait ni Jake na nasa kwarto nila ni Vanessa.                 Ika-isang linggo ng hindi nila pag-uusap at pagkikita ng nobyo niya. Nung mga unang araw ay pinili ni Ellie na huwag kausapin si Jake dahil nga nagtatampo siya dito, kahit pa lihim siyang umaasa na susuyuin siya ng binata, hanggang sa nagsimula na ring dumalang ang tawag ni Jake sa kanya, hanggang sa totally nawala na lahat kahit text man lang ay wala na rin siyang natatanggap mula dito. Yung hinala niya na kung hindi niya kakausapin si Jake ay hindi na rin siya nito kakausapin, ang lalong nagpapabigat ng kalooban niya habang tumatagal na nagtitikisan sila.                         Hanggang sa hindi na matiis ni Ellie ang cold treatment nila sa isa’t isa kaya nilunok niya  ang pride niya at siya na ang una gumawa ng paraan para makausap si Jake. Tinawagan niya ito, sumagot naman agad si Jake pagkatapos ng dalawang ring, Pagkasagot na pagkasagot ni Jake agad itong nagsabi sa kanya ng mga salitang “I’m sorry Ellie, I’m busy right now. I’ll call you later.” Hindi na nito hinintay ang tugon ni Ellie, agad nitong ibinaba ang tawag. Masama man ang loob niya ay wala siyang ibang magagawa kundi maghintay kung kailan magkakaroon si Jake ng time para sa kanya para magkaayos na sila at bumalik na sa dati.   Naghintay siya hanggang magdamag sa tawag nito ngunit wala siyang natanggap na kahit text message man lang mula dito.               Hindi na rin siya nagtangkang tawagan ito ulit kahit pa sobrang miss na niya ito, dahil baka nga nakakistorbo lang siya kay Jake, ang pinakahuling nais mangyari ni Ellie ay ang maasar sa kanya ang boyfriend niya ng tuluyan at baka makipagbreak pa ito sa kanya. Kahit naman patong patong na ang tampo niya ay mahal niya pa rin naman si Jake at ayaw niya na mawala ito sa kanya.     Napaparanoid na siya sa kakaisip dito, Bago matulog hanggang sa paggising niya si Jake ang laman ng isipan niya. Palagi niyang tinititigan at kinakausap ang painting portrait nito na sa kwarto nila o kaya naman ang larawan nito na wallpaper niya sa cp niya.   Paulit ulit niya ring inaalala ang mga  pinagsamahan nila ni Jake kung saan siya pinakamasaya, yung una nilang pagkikita sa fire exit, hanggang sa naging professor niya ito, tapos natanggal ito sa pagtuturo sa University ng dahil sa kanya, hanggang sa gabi na tinawagan niya ito para humingi ng tulong kung saan naging ganap na nobyo niya nga ito. Sa ganitong paraan na lamang niya maiibsan ang pangungulila niya kay Jake. Kahit pa ang mga masasayang ala-ala na iyon nilang dalawa ay dumadagdag sa lungkot na kanyang nadarama.           Hindi na niya maitago ang pagkabalisa niya nitong mga nakaraang araw, madalas siyang walang kibo, walang gana kumain at nakabusangot ang mukha, kaya naman kahit hindi siya magsabi sa mga kaibigan niya ay pansin nina Vanessa at Maris na may problema siya sa relasyon niya kay ni Jake.   Napabuntong hininga si Ellie ng makita niya ang oras sa wrist watch niya, dalawang araw na ang nakalipas simula nung huling makausap niya si Jake kung saan sinabi nito na magcacallback ito sa kanya. Gustong gusto na niyang marinig ang boses nito at makita muli si Jake, “Kamusta ka na kaya? Kumakain ka ba ng tama? Anong ginagawa mo ngayon? Nasa art gallery ka? May kausap kang client o nagpipinta ka? Bakit hindi mo ako namimiss? Kasi ako sobrang miss na kita” Sunod sunod niyang tanong habang nakatitig siya sa portrait ni Jake sa kwarto nila.   Napayuko si Ellie dahil nagbabadya na naman tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila. Pumasok mula roon sina Vanessa at Maris.   “Sabi ko sa’yo eh andito sya.” narinig ni Ellie na sambit ni Maris kay Vanessa.   “Ellie? Bakit nandito ka pa rin? May klase tayo ng alas dos.” pagpapaalala ni Vanessa sa kanya.   “Alam ko.” malungkot na sagot ni Ellie “Pero wala akong balak pumasok. Kayo nalang.”   “What?!” nabiglang tanong ni Vanessa “Anong hindi ka na naman papasok?”    “Ellie, listen I don’t care kung may lover’s quarrel kayo, pero papasok ka ngayon sa klase sa ayaw mo o sa gusto mo, ilang araw ka ng absent!” tila ba isang nagagalit na ina ang tono ng boses ni Vanessa habang pinagdadampot nito ang mga gamit ni Ellie sa pagpasok sa klase.   “Just leave me alone. I want to be alone. Please.” naluluhang pakiusap ni Ellie sa mga kaibigan niya. “Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon, and I’m dying to know. Miss na miss ko na siya alam niyo ba yun? Hirap na hirap na ako. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Natatakot ako na baka sa mga oras na ito narealize niya na si Cathy pala talaga ang mahal nya.”               Hindi na nakakibo sina Vanessa at Maris sa nakikita nilang paghihirap ng kalooban ni Ellie, nagkatinginan ang dalawa, parehong walang ideya kung ano ang dapat nilang gawin para matulungan si Ellie sa pinagdaraanan nito.                   Tuluyang napahagulgol si Ellie.   Lumapit sina Vanessa at Maris para himasin ang likod niya. Tumigil lamang sa pag-iyak si Ellie ng biglang magring ang cp niya. Dali dali niyang dinampot iyon. Nang makita niya ang pangalan ni Jake na nakadisplay sa screen ay wala siyang inaksayang oras at agad niyang sinagot  iyon.   “Jake.” Pagkabanggit niya sa pangalan ni Jake ay hindi na niya napigilan ang muling paghagulgol niya. Hindi niya sana nais ipaalam sa boyfriend niya na umiiyak siya ng mga oras na iyon kaso hindi na talaga niya kaya ang bigat  na naipon sa kalooban niya.    Napailing si Vanessa na tinugonan naman ni Maris ng malungkot na ngitin. Hindi nila gusto na pinapaiyak ni Jake ang kaibigan nila, Kaso nakikita nila kung gaano kamahal ni Ellie si  Jake wala silang ibang choice kundi bigyan pa ng chance ang binata para sa kaligayahan ni Ellie.   “I’m okay.” narinig nilang tugon ni Ellie kay Jake.   “Liar.” Pairap na komento ni Maris dahilan para tingnan siya ng masama ni Ellie.     Napangiti si Vanessa ng makitang nakakangiti na ulit si Ellie, Bumalik na sa sarili nito ang kaibigan nila, wala nga yata talagang ibang makakagamot sa sakit na nararamdaman ni Ellie kundi si Jake, ang taong dahilan din kung bakit nasasaktan ito. Love is the best and also the worst thing that a human can experience.   “Mmmm… Can go I to see you now, wala naman akong klase.” Ani pa rin ni Ellie sa kabilang linya.   “Sinungaling talaga to oh!” Malakas na sambit ni Maris na si Vanessa ang kinakausap habang itinuturo si Ellie.   Nagkibit balikat lamang si Vanessa. “Hayaan na natin siya. Ilang araw na niyang iniiyakan yan eh. Pagbigyan na natin.”   “Okay. I’ll see you later then.” Muling ani ni Ellie sa kabilang linya. Hindi gaya ng mga nakalipas na araw ay maaliwalas pa sa liwanag ng tanghaling tapat ang mukha ni Ellie ng matapos silang magusap ni Jake.   Masigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa bed niya at dinampot ang mga gamit niya para sa klase nila. “Ano pang hinihintay niyong dalawa? Late na tayo sa klase oh.” dagdag nito tapos ay palundag lundag pang lumabas ng pinto.   Napakunot ang noo ng dalawa niyang kaibigan dahil sa tinuran ni Ellie. Dali dali nila itong hinabol.   “Akala ko ba magkikita kayo ni Jake?” tanong ni Maris kay Ellie ng maabutan nila ito at sabay na naglakad palabas ng dorm nila.     “Yep. pero mamaya pa four pm. Kaya papasok muna ako.” Todo ang pagkakangiti ni Ellie. Kung hindi nga lamang sana namamaga ang mga mata nito dahil sa ilang araw na pag-iyak ay iisipin talaga nina Vanessa at Maris na hindi ito ang Ellie nakasama nila ng mga nakaraang araw.   “Well I guess mamaya na sasabihin ni  Jake sa’yo na ang totoong mahal niya ay si Cathy.” biro ni Maris   “Maris!” sabay na naisigaw nina Ellie at Vanessa ang pangalan nito dahil sa inis.   Pinandilatan pa ni Vanessa si Maris tsaka bumulong dito. “Wala pa ngang isang oras na masaya siya ibabalik mo na naman ang bugnuting version niya.”   “Joke lang.” natatawang sabi ni Maris.   “Don’t listen to her Ellie.” ani ni Vanessa na bumaling kay Ellie.   “Don’t say that again Maris. Kahit biro lang hindi nakakatuwa.” nakangusong reklamo ni Ellie. Nagtaas ng dalawang kamay si Maris. “Sorry na nga. I know you and Jake are meant to be, at walang makakapagpahiwalay sa inyo kahit pa si Cathy.”   “Magdilang anghel ka sana.” bulong na sagot ni Ellie na hindi nawawala ang mga ngiti sa labi.   “So saan ba kayo magkikita mamaya?” curious na tanong ni Vanessa.   “Pinapupunta niya ako sa art gallery niya eh.”   “Hindi ka niya susunduin?” tanoong ni Maris.   “Hindi eh.” Nakangusong tugon ni Ellie. “Why? Kaya ko naman pumunta doon.”   Napasimangot at napailing si Maris sa naging tugon niya. Disappointed ito.   “Well, He better not make you cry again Ellie, I swear lagot siya sa amin ni Maris talaga this time kapag umuwi ka na namang luhaan.” Maririnig ang pagbabanta sa boses ni Vanessa.   Napaakbay na lanag si Ellie sa mga kaibigan niya, abot tenga pa rin ang mga ngiti niya. “Mahal ako ni Jake, hindi niya ako sasaktan.” Pagbibigay assurance niya sa mga kaibigan.   Magkasabay na umirap ang dalawang kaibigan niya sa tinuran niya.   ***   Sinalubong agad siya ni Jake ng makarating si Ellie sa art gallery nito.  Higit isang linggo niyang hindi nasilayan ang mukha ng nobyo niya. Nang magtama ang mga mata nila at ngumiti si Jake sa kanya,  ay tila ba natunaw lahat ng hinanakit niya, at puro pagmamahal lamang para dito ang natira. Kaya naman ng makalapit siya dito ay niyakap niya ito kaagad ng mahigpit na ginantihan din ni Jake ng mainit na yakap.   “I miss you so much.” nakapout na sambit niya kay Jake nang maghiwalay sila sa pagkakayap.   Napangiti ito sa sinabi niya tapos ay pinisil nito ang ilong niya.     Nasa ganoon silang paglalambingan nang lumapit si Cathy sa kanila. Agad na bumitaw si Jake sa pagkakahawak sa kamay niya, na ikinasibangot ni Ellie. Napalitan ng seryosong mukha ang kanina ay nakangiting nobyo niya, kaya naman sinundan ni Ellie ng tingin ang kung sino man ang tinitingnan nito.   Nakangiting tumango si Cathy kay Jake. Napakunot ang noo ni Ellie dahil sa naging reaksyon ni Jake sa tangong iyon ni Cathy, napalunok ito ng malakas. Mukhang kinakabahan ito.   Don’t Tell me...No!  Pinipigilan ni Ellie ang mag-isip ng hindi maganda, hindi kasi niya maiwasang hindi magduda sa nakikita niyag reaksyon ni Jake. Tila ba kinakabahan ito ng mga oras na iyon, kinakabahan ba ito dahil ito ang araw kung saan aamin ito sa kanya na si Cathy pala talaga ang gusto nito kaya makikipaghiwalay na ito sa kanya ngayon. Kaya ba hindi siya nito nagawang sunduin man lang kanina dahil pinigilan na ito ni Cathy?   Muling inabot ni Jake ang kamay niya. Bakit biglang lumamig ang kamay ni Jake. Tinitigan ni Ellie ang mukha nito. Bakit mukha siyang ninenerbyos. Totoo nga kaya ang hinala ko? Na pinapunta niya ako dito para makipaghiwalay? Kaya ba hindi man lang niya ako namimiss ng ilang araw ay dahil hindi na ako ang mahal niya?   Wait!” sigaw ni Ellie sabay tulak palayo kay Jake.   “You’re not breaking up with me because of her? Are you?” ani ng nanginginig na boses ni Ellie sabay turo kay Cathy.   Noong una ay nagkunot ng noo si Jake ngunit napalita agad iyon ng malakas na halakhal pati si Cathy ay natawa sa sinabi niya.   Salubong ang mga kilay na nagpapalit palit ng tingin si Ellie sa dalawa. Bakit sila natatawa?Napasibangot siya sa isiping pinagtatawanan siya nina Jake at Cathy.               Muling inabot ni Jake ang kamay niya, hinila siya nito at niyakap ng mahigpit.   Nang binitawan siya ni Jake ay diretsong tumingin ito sa mga mata niya. “What makes you think that I’m going to break up with you. You’re stuck with me forever Ellie.” Pagkasabi noon ay hinimas ni Jake ang buhok niya.   “Hindi ko type si Jake.” sabat ni Cathy sa kanila, lumapit ito kay Ellie, sabay lahat ng palad nito upang makipagkamay. “It’s nice to finally formally meet you Ellie. I’m Cathy, Jake’s childhood friend.”   Nag-aatubiling tinanggap ni Ellie ang pakikipagkamay ni Cathy.   “Nice to meet you, Cathy.” nahihiyang tugon ni Ellie. “Ikaw naman kasi eh.” baling ni Ellie kay Jake sabay hapas sa braso nito. “Why do you look nervous kanina? Akala ko tuloy may ipagtatapat ka sa akin na hindi maganda.”   “Ah, I see. Akala mo kaya siya ganoon ay dahil makikipagbreak siya sa’yo.” ani ni Cathy.   “May ipagtatapat nga ako sa iyo, pero maganda naman itong sasabin ko.” Nakangiting sabi ni Jake. “Kinakabahan lamang ako sa magiging reaksyon mo.”         “Well Jake. Everything is set.” Agaw  ni Cathy sa pansin ni Jake tapos ay muling bumaling ito kay Ellie. “I would like to stay para sana makapagkwentuhan pa tayo Ellie, pero maybe next time. You two enjoy each other’s company muna, I know namiss niyo isa’t isa.” Nakangiting bumeso ito kay Ellie at kumaway kay Jake bago tuluyang lumabas ng art gallery lobby.   Sinundan ni Ellie ng tingin ang palabas na si Cathy ng biglang nagdilim ang paningin niya dahil tinakpan ni Jake ang mga mata niya ng isang tela.   “Jake. ano ito?” tanong niya dito habang kinakapa kapa ang tela na nakatakip sa mga mata nya.   “May surprise ako for you.” sagot nito sa kanya. “Now Come on, don’t worry aalalayan kita.” sambit nito habang inalalayan nga siya sa braso niya.   Nakailang hakbang sila bago niya narinig ang pagbukas ni Jake sa isang pinto, Tapos ay muli siyang inalalayan nito ng makapasok sila sa loob. Tapos ay tinanggal ni Jake ang piring niya sa mata.   “Surprise!” excited na sigaw ni Jake.   Inilibot ni Ellie ang paningin niya sa paligid niya.   Nasa personal studio sila ni Jake. ang nag-iisang kwarto sa Jakegenix art gallery na walang ibang pwedeng pumasok maliban kay Jake.   Nang mapalingon siya sa likod niya ay nanlaki sa pagkamangha ang mga mata niya. Napanganga siya sa nakita niya.   Nasa harapan niya ang isang napakalaking painting portrait niya. Sixty inches ang taas nito at forty six inches naman ang lapad. Nakangiti ang larawan na iyon. nakasuot ito ng red turtle neck gown na gaya ng isinuot niya noong annual ball, kung saan una silang  nagkakilala ni Jake. Ito ang pinakamagandang reflection niya na nakita niya.   Paanong natandaan ni Jake ang eksaktong itsura niya noong gabi ng annual ball? Ang ayos ng buhok niya, ang kulay ng make up niya, Ang damit niya, ang sapatos pati ang clutch bag niya. Kumpleto ang detalye nito. Habang tinitingnan niya ang painting portrait niya ay tila ba dinala siya nito pabalik sa gabing iyon, Kagaya ng agos sa ilog na tuloy tuloy na  nagbalik sa ala-ala niya ang mga naganap ng gabing iyon.   “Jake.. kailan mo..” Naluluha siya dahil sa walang paglagyang ligayang nadarama niya. Lumingon siya kay Jake at niyakap niya ito ng mahigpit. “I tried to draw you, but it is really hard to duplicate such beauty as yours, there’s no doubt you are one of God’s Masterpiece Ellie.” Mataimtim na ani ni Jake sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Natutunaw ang puso ni Ellie ng mga oras na iyon dahil sa ginawang ito ni Jake para sa kanya, sobrang saya niya. Naspeechless tuloy siya.   “I’m sorry, dahil hindi ko alam yung tungkol sa mga monthsaries, sorry kung nakalimutan ko yung first monthsary. Gusto ko sana ibigay sa’yo itong painting na ito on our third monthsary kaso hindi ko natapos on time. Kaya ngayon ko lang naipakita sa’yo. pasensya ka na kung nalate ako.”    “Thank you! Super super thank you. I love you!” niyakap ni Ellie si Jake. Sobrang pasasalamat niya sa maykapal na nakatagpo siya pag-ibig na tulad nito, Mahal siya ng taong mahal na mahal din nya.   This time sigurado na siya, at never na niya ulit pagdududahan ang pagmamahal ni Jake para sa kanya.   "I promise to love you as long as I live, Ellie." Napangiti si Ellie sa tinuran na iyon ni Jake.   “And I promise to love only you, Jake.” Ang pangakong binitawan ni Ellie kay Jake na hindi niya naman matutupad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD