CHAPTER 7

2122 Words
Chapter 7:Civil wedding Two weeks later... "Is this real?" My eyebrow raised at him when my transaction asked me that. "I didn't sell a toys, Mr. Young," I coldly said. Sinuri pa niya lahat ang mga b***l na binebenta namin. As in isa-isa talaga. Mas tumaas lang ang kilay ko dahil sa ginawa niya. Bagong buyer si Mr. Young, and I can't blame him kung wala siyang tiwala sa amin at iyon pa ang tinanong niya sa amin. Nakaka-offend 'yon sa part namin. Nasa Club House kami na pagmamay-ari ni Lay, kasalukuyan kaming nagne-negotiate. We sell a guns, and yes. It's illegal but we have reason. Ngunit matatawag pa ba itong illegal pagkatapos naming mag-usap? "5.7 Billion," he said and I nodded. Walang makakakita sa amin dito at safe ang lugar, walang CCTV. Nasa isang private room kami ng Club House. Nakaupo sa tapat ko si Mr. Young na mid-30's na ang age nito. Naka-formal attire siya at may limang bodyguard sa likod at gilid niya. While me, I only have Lay. "The deal is closed," I said. Tumayo ako at naglahad ng kamay sa kanya. "Thank you, Mr. Young," bored na sabi ko pero tipid na nginitian ko siya. Tinanggap niya ang pakikipag-kamay ko sa kanya. "I'm looking forward for the business, Miss Carter," he said. I rolled my eyes behind my sunglasses. Dream on, dude. Ako na ang unang umalis sa loob ng lugar na iyon at naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Lay. "It's time," I whispered. I heard him cleared his throat. From the other room ay may limang kalalakihan ang lumabas doon at dumiretso sa kuwartong pinaglabasan namin ni Lay. What will gonna happen with them? Aarestuhin sila dahil sa pagbibili ng mga b***l na gagamitin lang sa dahas. We have connections. Hawak namin ang mga pulis. 'Yon ang ibang trabaho ko when it comes to Mafia world. Kami ang nakikipag-contact sa kanila, bumili ng mga b***l namin na minsan ay drugs pa. Parang kami ang nagse-set sa kanila para mahuli sila ng alagad ng batas. Poor them, kung ang agency namin ang napili nila at talagang mabubulok sila sa bilangguan. "Where are you going this time, my queen? How about your marriage with Mr. Mojeh?" tanong sa akin ni Lay at parang may pumitik sa sentido ko nang maalala ko iyon. Oh! After the family dinner, umuwi na ako kaagad without their permission to leave. I just left without a trace. Pinatay ko pa nga ang phone ko para hindi ako ma-contact ni mama. Nag-stay ako sa hotel since wala pa akong condo unit dito. "Ilang araw ba ako na missing in action?" I asked him. "Not just a day, my queen. It's a week, probably a two weeks." I smirked, dapat isang linggo ko na dala-dala ang surname ni Kierson. Perk dahil badtrip ako sa kanya ay nagmala-MIA ako after that night. "I see," I said. It's already 9:22 in the evening. Ang madilim na paligid sa Club House ay napakatahimik pero kapag nasa loob ka na ay masyado nang maingay dahil sa lakas ng music nito at maraming customer sa bar. Marami kang makikita na hindi kaaya-aya. Kung inosente ka ay huwag ka na lamang pumunta sa bar. Pagkalabas namin mula sa loob ng Club House ay tinungo namin ang parking lot. Katulad ng inaasahan ko ay marami talagang naka-park na mamahaling sasakyan. Hindi rin basta-bastang customer ang mayroon si Lay. "You can leave me, here, Lay." "Yes, my queen. Take care in your way home," he said and bowed before he left. Cyan Lay Del Rossa, my reaper at isa rin siyang negosyante. Magkasing edad din kami and he's my trusted friend. Well, siya ang tipo ng lalaki na iiyakan ng mga kababaihan. He's kind and soft, gentleman at guwapo talaga si Lay. Maganda ang pangangatawan niya. He's a good guy. Sumandal ako sa hood ng blue Ford Ranger ko at may inilabas ako na isang stick ng sigarilyo, Bravo. Binigay ito sa akin ng isa kong tauhan. Not Lay, dahil alam kong pagbabawalan niya akong manigarilyo. Sinindihan ko ito at pagkatapos ay humithit. Naka-dalawang beses pa akong humithit nito nang may marahas na kamay ang humablot sa sigarilyo ko. What a good manners. "What the h*ll?!" malutong na mura ko dahil talagang nainis ako roon. "What's your problem, woman?! Alam mo bang masama sa kalusugan ang sigarilyo?!" nanggagalaitang tanong ni...oh, si Kierson. "I do not know," sarcastic na sagot ko at sinabayan ko pa nang pag-iling. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito sa bar? Oh, nambabae? Wearing his simple v-neck t-shirt and a blue pants. He looks dazzling with his outfit. "Where have you been, woman?" malamig na tanong niya sa akin at napahaplos ako sa gilid ng labi ko na sinundan naman niya. Kumunot ang noo niya at binalik ulit ang paningin sa akin. "Saan ka nagpunta at bakit hindi ka namin ma-contact?! Nawala ka pa ng dalawang linggo!" pagalit na sabi niya ulit sa akin. Nagkibit-balikat ako dahil wala akong maisasagot sa kanya. "Answer me, Xena Carter!" sigaw niya. Salubong na ang kilay niya, napapatiim bagang siya at halos lumabas na ang ugat niya sa leeg. Malamig at walang emosyon sa mukha niya. Nakakuyom ang magkabilang kamao. Bumaba ang mata ko sa sigarilyo at nang makita niya iyon tinapakan niya ng sapatos niya. Kawawang sigarilyo. Napasimangot ako. "Hmm... Who are you, by the way?" "What the f**k, Xena?!" Ang sarap marinig ang pangalan ko na binibigkas niya. Kung hindi lang talaga siya galit sa akin. "I'm asking you. Who are you? And how did you know my name?" takang tanong ko kunwari. Walang masama kung paglalaruan ko siya ngayon, right? Gusto ko lang inisin ang doctor na ito at alam kong maikli lang ang pasensiya niya. At ang pinaka-ayaw niya ay ang nilol*ko siya at dine-deny na hindi kilala. Ayaw niya iyon siya ang pinaglalaruan ng mga tao. Kumalabog ang dibdib ko nang hinapit niya ang baiwang ko palapit sa kanya at nagdikit ang katawan namin. Ilang dangkal na lamang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Namimilog ang mata ko at kahit hindi niya nakikita ito ay talagang diretso ang mata niya sa akin. I-I can even smell his manly perfume. Dimwit! Hinawakan ko ang dibdib niya at mahinang tinulak ito pero hindi nagpatinag. Halos manginig na ang kamay ko dahil lang sa paghawak ko sa dibdib niya. Gusto kong makita ang matigas niyang dibdib--what?! Did I said that?! "Are you playing with me, baby?" malambing na tanong niya sa akin, napapikit-mata ako nang tumama ang mainit na hininga niya sa tainga ko at bumaba iyon sa leeg ko. Ang lakas pa rin ng atraksyon niya sa akin. Ganitong-ganito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. "You are drunk," sabi niya at napalunok ako nang magtama ang dulo ng ilong naming dalawa. Hindi ako lasing 'no? Uminum lang ako kanina ng margarita habang nakikipag-negotiate kami ni Lay. Saka mataas ang tolerance ko sa alak, baka siya pa ang unang makakatulog kapag nag-inuman kami. Hindi naman dahil lasenggera ako kaya may high tolerance ako pagdating sa alak. Gamit ang libreng kamay niya ay hinaplos niya ang pisngi ko na nagdadala lang lalo sa akin ng init. Para akong tinutusok ng karayom sa bawat haplos niya. "You are so beautiful, kaya puwede na kitang pagtiisan," aniya at doon tila nawala sa akin ang lahat. Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi niya ang natamo niya sa akin. Tumagilid ang mukha niya at napaawang ang labi. "How dare you!" galit na sigaw ko at malakas na tinulak siya. Nagawa ko naman dahil hindi pa siya naka-get over sa pagsampal ko sa kanya. May kalakasan talaga iyon kaya bumakat ang kamay ko sa pisngi niya, namumula na rin. "Well, on the second thought. I can still call-off the wedding, a**hole!" I shouted. I was about to enter my car nang may humila sa braso ko at pabagsak pa akong sinandal sa hood ng kotse ko. Bago pa ako makapag-react ay nilukumos na ako kaagad ng halik sa labi. Nanlaki na naman ang mga mata ko. Mariin at may pagpaparusa ang mga halik niya sa akin. Hindi rin ako makapalag dahil hawak niya ang magkabilang palapulsuhan ko tapos nasa likod ko pa. Hindi na ako makakilos dahil nanghina kaagad ang tuhod ko. Nanlalambot dahil sa mga halik niya. Pinakawalan niya ang kamay ko pero nakakulong na ang magkabilang pisngi ko ang malaking palad niya at mas dumiin ang halik niya sa akin. Nagawa niya ring kagatin ang pang-ibabang labi ko kaya nalasahan ko ang dugo rito. Sa halip na huminto sa ginagawa niya ay mas dumiin lalo! Napaungol ako sa ginawa niya. Hindi ko ma-appreciate ang tamis ng labi at halik niya dahil mapagparusa ito! Parang galit na galit na ewan! Siguro tumagal ito nang ilang minuto bago niya pinakawalan ang labi ko. Ramdam ko ang pangangatal nito. Namumungay ang mata ko nang nagmulat ako. Habol namin pareho ang hininga. I meet his grey eyes. Napangiti siya na ikinakunot ng noo ko. Nabahiran ng pulang lipstick ang labi niya at nagkakalat na ito. Parang inaantok pa siya dahil sa namumungay niyang mata. Muling humaplos ang kamay niya sa pisngi ko at hinalikan ito. Naramdaman ko ang labi niya sa tainga ko. Nanindig ang balahibo ko dahil sa ginawa niya. "Behind this dark sunglasses, may itinatago ka palang magandang tanawin," mahinang bulong niya at naninimbang na tinitigan ako. Napaawang ang labi ko nang nasa kamay na niya ang sunglasses ko. Natanggal niya 'yan noong hinalikan niya ako at hindi ko man lang napasin?! "I love your eyes, baby... Nakakahalina na nakakatunaw." Sinuot niya ulit ang sunglasses ko at sinuklay pa niya ang buhok ko gamit ang daliri niya. "But I want you to hide this beautiful eyes from others, gusto ko ako lang ang makakakita niyan." NAKASANDAL ako sa likod ng inuupuan ko. Nasa kotse na ako ni Kierson at tinatahak ang condo unit niya. After the kiss ay hindi na niya ako pinakawalan pa dahil nakatali na raw ako sa kanya. Gusto kong magprotesta tapos nang mapapasulyap ako sa kanya ay may ngisi pa siya sa labi habang nakahawak sa pang-ibabang labi niya. "Para kang t*nga," mahinang sabi ko na narinig pala niya. Mabilis na sumulyap sa akin. "Ganoon pala kasarap halikan ang labi mo?" "p*****t," nagtatagis na bagang na wika ko. "I want more, baby." Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya inabot ko ang kung anong bagay sa dashboard ng kotse niya at binato ito sa kanya na mabilis na nasalo niya. "Oh? You want more than that?" nakangising sabi niya at nanlaki ang mata ko nang makita ang box ng c****m niya. Boyscout ang g*go at may comdom pa sa kotse niya! "Kadiri ka talaga! Don't tell me nakikipag-anuhan ka sa kotse mo?!" takot na tanong ko sa kanya. "Yes, definitely in your seat," sagot niya sa akin at kinilabutan ako. "You're a dirty ugly froglet p*****t, as*hole!" I cursed him and he jus chuckled. "Just kidding, baby. I love teasing you. Namumula kasi ang pisngi mo," he said. Nagawa kong hampasin ang braso niya na hindi naman niya inalintana. Ako pa ang nasaktan sa ginawa niya! Oh, good God! Ang baliw ni Kierson. Nakangiwing hinaplos ko ang kamay ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito, mabilis na aagawin ko sana pero hinigpitan niya ang pagkakahawak. *** Civil wedding. 10:15 in the evening, January 11, 20XX, literal na Mrs. Kierson Mojeh na ako ngayon. Hindi niya pinalampas ang gabi hangga't hindi kami nakakaisal. Shotgun wedding. Para raw hindi na ako makatakas pa at panindingan ko raw ang gusto ko na maikasal ako sa kanya. Alam kong masasaktan ako oras na maikasal ako kay Kierson. Pero ito ang gusto ko dati pa man. Ang maikasal sa lalaking mahal ko at oo, mahal ko na siya simula pa lang. May past kami na ako lang yata ang nakakaalala. Maybe, mababago ko ang playboy na si Kierson. Gagawin ko ang lahat maibaling lang ang tingin niya sa akin. Pinapangako ko na kakalimutan niya ang babaeng minamahal niya at ako na lang ang mamahalin niya. Magagawa ko iyon hangga't kasal kami. Hangga't may pinanghahawakan ako. Isusulat ngayong gabi, na ako si Xena Carter-Mojeh na paiibigin ko si Kierson Mojeh. Gagawin ko ang lahat makuha lang ang puso niya. Pero nanadya ang g*go at ginagantihan ako sa ginawa ko. Naglaho rin siya ng higit pa sa isang linggo. Isang buwan. Umabot ng isang buwan na hindi siya nagpakita sa akin at hindi umuwi sa condo unit niya. At nang mahanap ko siya ay nasa kandungan ng ibang babae. Natawa ako, kakasimula pa lang ng buhay mag-asawa namin ay nagtaksil kaagad siya sa asawa niya. Napaka-complicated ng life mo, Xena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD