CHAPTER 8

2552 Words
Chapter 8:In the middle of rain "AKALA KO dadalaw ka kasama ang asawa mo, darling," my mama said, napansin ko kanina na masaya niya akong sinalubong pero nang malaman niya na hindi ko kasama ang asawa ko ay nawala ang ngiti niya sa labi, napalitan nang pagka-dismaya. I kissed my mother's cheek. "Busy po sa hospital ang asawa ko, 'ma," sabi ko na tila nauunawaan ko ang pagka-busy ng asawa ko kahit alam kong hindi. Kailan mo nga ba mauunawaan ang isang tao kung mali naman ang ginagawa nito? Paano mo mauunawaan ang isang tao kung nagdudulot lang ito ng kirot sa puso? Inabot ko kay mama ang binili kong cassava cake na favorite niya. Nakita ko ulit ang mama ko na masayang nakangiti. "Nasaan po si papa, 'ma?" tanong ko at tiningnan ang hagdanan pataas. "Mag-stay na po for good si papa rito?" I added. Inaya ako ni mama na umupo na mabilis kong tinanggihan. "Dumaan lang po ako rito, 'ma. Aalis din naman ako kaagad," sabi ko at tumango lang ang mama ko sa akin. "Bigyan mo kami ng apo agad, ha darling?" nakangiting sabi sa akin ni mama na siyang pagbilis nang t***k ng puso ko. "Soon, mama," sagot ko na lang. Niyakap ko siya para magpaalam na. *** "Take me to his condo, Lay," sabi ko kay Cyan nang makasakay na ako sa Ford Ranger ko. Siya ang driver ko ngayon. Busy siyang tao pero dahil pina-trace ko ang location ni Kierson ay nag-volunteer siya na ipagmaneho ako. "Okay, Xena," nakangiting sagot niya. This time, hindi ang reaper ko ang kasama ko ngayon. Kundi si Cyan na kaibigan ko. "Pero sigurado ka ba na pupuntahan mo siya? Baka iba ang maabutan mo roon, Xena," may pag-aalalang sabi niya, nakakunot din ang noo niya. "May kondisyon lang ako na sasabihin sa kanya," sabi ko. "Kamusta na pala ang paghahanap mo sa pinsan ko?" untag na tanong ko sa kanya. Siya kasi ang kinuhang private investigator ni Cervin. Oh, well kahit hindi siya lumapit sa akin ay matutulungan naman siya ni Cyan. Nadalaw ko na rin month ago ang proxy wife ni Cervin na I can say, she's a quite pretty. Tahimik pero mabait naman. I was shocked nang makita ko ang hitsura niya. She's look exactly like my cousin. Partida lahat, maliban na lamang sa ugali niya. Palangiti siya at may isang dimple sa pisngi. Na-imbestigahan ko na rin ang totoong pagkatao niya. She's a long lost daughter of my tito. Pero hindi ko sinabi kahit deserve ng parents niya na malaman ang tungkol sa kanya. Baka kasi may nakatakda na para sa kanya at ayokong pangunahan ang tadhana. Hahayaan ko na muna saka sasabihin ko naman kung kailangan na. "Hawak siya ngayon ng Lindbergh clan. Mahirap maka-access sa location nila dahil may malaking harang, I mean naka-protekta ito sa pinsan mo. Hindi ko masabi-sabi kay Cervin ang totoo dahil isang prinsipe ng Denmar ang dumukot sa asawa niya. But I can assure you, Xena na nandito pa sa Pilipinas ang pinsan mo," pagkukuwento niya at napahawak ako sa sentido ko. "Bakit naman niya dinukot ang pinsan ko? Sa pagkakaaalala ko sa prinsipe na 'yan ay may fiancé na siya," nagngingitngit na sabi ko. Bakit nga ba kasi dinukot niya ang pinsan ko? Alam kong hindi pera ang kailangan ng Lindbergh clan dahil kahit ang kayamanan ni papa ay walang-wala ito sa ginto ng prinsipe na 'yon. Na isa pa matagal nang nasa kanya ang pinsan ko. "Anong ginagawa ng prinsipe sa Pilipinas?" I asked. "His fiancé," ismid na sagot niya sa akin. "Huwag mo na lamang sabihin kay Cervin ang lahat ng ito. Sabihin mo na wala ka pang lead." "Iyon na nga ang ginagawa ko. We're here, Xena," aniya. Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse at tiningala ko ang condo minimum. May kalayuan ito sa condo niya na ngayon ay tinuyuluyan ko na. Bumaba na ako mula sa kotse ko at kinatok ang bintana na nasa side ni Cyan. "I know you are busy, Cyan. Iwan mo na lang ako rito," sabi ko at may tiningnan pa siya sa phone niya. Itinaas niya ito at may ipinakitang litrato ng babae. "My fiancé," nakangiting sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko. "Congrats then," sabi ko at may ipinakita siyang ibang litrato, mas maganda kaysa sa naunang babae sa picture na ipinakita niya. "My crush," nakangising sabi niya at napahilot ako sa sentido ko. Malakas na pinitik ko ang noo niya at napa-daing ito sa sakit. Sumimangot ang mukha nito. "Child a***e ka!" bulyaw ko sa kanya pero umiling lang siya. "I can still wait for her, Xena. She's soon to be my chef," parang baliw na wika niya. I shrugged my shoulder. Nakasuot pa kasi ng school uniform ang babae, kaya malamang nag-aaral pa ito. Sumeryoso ang mukha niya nang tumingin siya sa labas. "Tawagan mo ako kung kailangan mo ng kaibigan," aniya at tumango lang ako. "Ingat!" sigaw ko sa kanya at patakbong tinungo ang entrance ng condo unit. NASA TAPAT na ako nang unit ni Kierson. Hindi ko alam kung kakatok na ba ako o ano. Bigla rin naman akong kinabahan saka isa pa dapat handa na ako sa kung ano man ang ginagawa niya sa loob kasama ang babae niya. Hindi ko na pala kailngang kumatok dahil may doorbell naman. Wala sa sariling pinindot ko na mabilis kong sinisi ang sarili ko. Pero wala na, eh. Nandito na. Nakailang pindot din ako ng doorbell pero hindi ako pinagbuksan. Wala ba siya rito? Nasa trabaho na kaya siya? Napahampas ako sa noo ko nang maalala ang oras, 3:12 pa lang ng hapon at mamaya pang 4pm ang uwi niya. So, maghihintay ako sa kanya ngayon? Kailangan ko rin naman maghintay sa labas ng condo niya para sure ako na makikita ko siya rito. Tumingin ako sa paligid, nasa 15th floor ito at tiyak na mamahalin ang condo sa floor na ito. Umupo ako sa sahig at sumandal sa nakasarang pintuan saka ko inilabas ang cellphone ko. May text message si Cyan. "4pm pa ang out ng asawa mo, Xena at 3pm ang uwi ng babae niya sa condo nila," basa ko sa mensahe ni Cyan at may kung anong kirot na naman ang naramdaman ko sa puso ko. Nagli-live in na ba sila? Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa naisip ko na ganoon na nga ang nangyayari sa pagitan nila. Napabuntong-hininga na lamang ako at umiling dahil sa pagka-dismaya ko sa asawa ko. Last two weeks din ako nagsimulang magtrabaho sa firm ni papa. Sa ngayon ay wala pa akong kasong hinahawakan at sana hindi katulad ng Switzerland ay may bakbakan kaagad after the trial. Nakakapagod din at nakaka-bored kung paulit-ulit 'yon mangyari sa akin. Ayoko naman na magkaroon ako ng bodyguard. I can protect myself. I felt someone's presence, a familiar one. Mahihina ang bawat hakbang niya at walang ingay ito. Tumabi siya nang upo sa akin at doon na ako napalingon sa kanya. "Para ka talagang magnanakaw," I commented at tumawa lang siya. "What are you doing here, Hersey?" I asked her. Yeah, ang best friend ko lang naman ang tumabi sa akin ng upo. "May aalukin akong trabaho sa 'yo, tatanggapin mo ba?" tanong niya sa akin. Tinago ko na sa bag ko ang phone ko at tinutukan ang kaibigan ko. "Anong klaseng trabaho ba 'yan?" tanong ko. "Bodyguard," simpleng sagot niya at pinataasan niya ako ng kilay." "Ako nga ang nangangailangan ng bodyguard tapos aalukin mo ako na maging bodyguard?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hinagod niya ang likod at mahihinang halakhak ang kumawala sa labi niya. "Relax, Maria Xena Carter-Mojeh. Si Miss Miamor Ferrara ang babantayan natin," aniya. "Ferrara? So, bodyguard ka na ngayon?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya at tumango siya. "Yes, on leave ako sa pagiging CEO ko sa kompanya ko. Duty ko ngayon as a bodyguard, don't worry. Two years lang ang contract natin as a bodyguard," sambit niya. Napakamot ako sa ulo ko, hinampas naman niya ang kamay ko. "Ganoon katagal?" "Ganoon kaikli," sa halip na sagot niya. Hindi ko namalayan ang oras na tumagal pala ang pag-uusap namin ni Hersey hanggang sa nagpaalam na siya sa akin at tumayo na rin ako dahil maya-maya lang ay uuwi na si Kierson. 4:20 na ng hapon pero bakit hindi umuwi ng 3pm ang babae niya? Narinig ko ang pagbukas ng elevator at lumabas doon ang lalaking isang buwan nang nagtatago mula sa akin. Nakasuot na lamang siya ngayon ng puting shirt at dark pants. Basang-basa pa siya at magulo ang buhok niya. Mula sa kaliwang braso niya ay may jacket siyang nakasampay roon. Umuulan ba? Imposible namang naligo siya kung hindi talaga umulan. "What are you doing here?" dinig kong malamig na tanong niya at napalingon ulit ako sa kanya. Nasa tapat ko na pala siyang nakatayo at wala man lang expression ang nakaguhit sa mukha niya. At kung mayroon man ay iyon ang ayaw akong makita. May pagka-disgusto akong nababasa sa mga mata niya. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" takang tanong niya sa akin na sinabayan pa ng pagtaas ng kilay. "I have my own sources," walang buhay na wika ko. Humakbang siya palapit sa akin at tumagilid naman ako. Pinindot niya ang pass code niya pero siyempre nakaharang ang likod niya kaya hindi ko nakita ang pass code ng g*go. "Go away, Xena. Pagod ako at ayokong makipagtalo sa 'yo," malamig na sabi niya at pinihit pabukas ang pintuan niya "Sino naman ang nagsabi sa 'yo na pumunta ako rito para makipagtalo sa 'yo?" tanong ko sa kanya. "Leave now, Xena. Umuwi ka na," pagtataboy nito sa akin at halata ngang pagod na siya. "Mag-uusap lang naman tayo," sabi ko. "Wala tayong pag-uusapan. Nakuha mo na nga ang gusto mo, 'di ba? Naikasal na tayo, kaya wala na tayong pag-uusapan," nagtatagis ang panga niya nang sabihin niya iyon. "Pero dapat sa akin ka pa rin umuwi. Kasal nga tayo pero umuuwi ka sa ibang condo mo." Hinarap niya ako nang nakakunot ang noo at napabuga pa ng hangin. "Anong gusto mong gawin natin? Mabuhay na parang totoong mag-asawa? Kahit alam natin pareho na wala tayong relasyon," malamig na wika niya dahilan nang pagkirot na naman ng puso ko. Hindi na ako nakasagot pa dahil parang nalunok ko na ang dila ko. Masyadong mapanakit ang sinabi niya sa akin at talagang pinapamukha niyang wala siyang pakialam sa akin. "Kung wala ka nang isasagot pa ay umuwi ka na lamang." Padabog na sinara niya ang pintuan nang makapasok siya sa loob ng unit niya. Mas lalo lang naging komplikado ang lahat, Xena. You are pathetic. MAG-USAP tayo," sabi ko mula sa labas ng unit ng asawa ko at pinindot-pindot ang doorbell niya. Pinaglalaruan ko na ito para pagbuksan niya na ako. Gusto kong mag-usap kami at ayokong magkaiba kami ng tinutuluyan gayong mag-asawa na kami. At may mission pa ako na paiibigin ko siya. Ayokong mawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Tiniis ko ang hindi siya makita. "Kierson... Papasukin mo ako at mag-uusap tay--" napahinto ako nang may kakaibang presensiya na naman akong nararamdaman. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nila ako tinatantanan? At paano ba nila ako nasusundan nang ganoon kadali? Ngayon ko lang na-realized na masyado pala akong mapanganib kay Kierson. Nagdadala ako ng bagay na ikakapahamak niya. Dapat mag-ingat ako sa mga salitang binibigkas ko lalo na kung nasa public place kami. Mariin na napapikit ako at dahan-dahang humakbang patungo sa left side ko. Alam kong isang tao lang ang nandirito. Nagtatago lang siya kaya dahil mabilis akong kumilos ay nagawa ko siyang hablutin sa kuwelyo ng damit niya at inangat siya pataas. Isang lalakng naka-sumbrelo, dilaw na t-shirt at black pans. "Sino ka?" tanong ko sa lalaki at gumihit sa mukha ko ang pagtataka. Mukha naman siyang harmless. Pero bakit kakaiba ang presensiya niya? Hindi ko na napaghandaan ang kinilos niya. Nagawa niya akong hampasin ng bag niya sa mukha at may matigas na bagay iyon dahilan na muntik nang mandilim ang paningin ko. "Sh*t!" mura ko at hinabol ko ang lalaki. Dumaan ito sa hagdanan na mabilis na sinundan ko. Para siyang stalker. "Tumigil ka hoy!" sigaw ko sa kanya. Napahawak ako sa ilong ko dahil naramdaman ko ang mainit na likidong umagos dito. Hindi ko alam kung saang floor na ba kami basta sinundan ko lang siya at ramdam ko ang pagod sa kakahabol sa stalker na iyon. Alam ko na may binabalak na kung ano ang isang iyon. Ang sakit na ng mga paa ko dahil sa kakatakbo. Mabuti na lamang at naghilom na ang sugat ko sa tagiliran kaya nakakaya ko nang tumakbo nang mabilis. Binuksan niya ang isang pintuan at nakasakay siya kaagad ng elevator. Malulutong na napamura ako dahil para siyang bulate ang hirap hulihin. Bumukas ang elevator sa kabila at mabilis na sumakay ako at pinindot ang grand floor. Alam ko roon na siya tutungo. As expected ay tumatakbo na siya sa kalagitnaan ng ulan. Ang bilis niyang tumakbo. May b***l ako sa likod pero ayokong gamitin ito dahil baka mahuli ako. "Stop right there, j*rk!" I shouted him. Sampung minuto kami naghabulan sa gitna ng daan at ulan. Nahinto rin siya nang may humablot sa braso niya. Humahangos na napahinto ako at napahawak sa tuhod ko. "C-Cyan." "Binibigyan ka ng sakit sa ulo ng isang ito, Xena?" tanong sa akin ni Cyan at binatukan pa niya ang lalaking nakagapos na ngayon. Pilit itong nagpupumiglas. Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng ulan, kung kailan ay basang-basang na talaga ako. Habol ko pa rin ang hininga ko nang maisipan kong humiga. "Xena, huwag ka ngang humiga! Habol mo pa ang hininga mo, tumayo ka na muna!" sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Nahiga pa rin ako sa basang kalsada. Ramdam ko na ang pagod ko at namamaga na rin ang paa ko. "Nagmala-Cinderella ka pa!" sigaw niya ulit sa akin nang mapansin niyang wala na ang isang pares ng sapatos ko. Natawa ako bigla. Hindi ko namalayan, eh. "At ikaw naman! Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!" kasing lamig ng ulan ang boses ni Cyan nang tinanong niya ang lalaking ginagapos niya. "Aba! May camera ka pa rito!" aniya pa at inagaw ang camera. "H-huwag po!" sigaw ng lalaki at akmang aagawin ang camera niya pero mabilis itong inilayo ni Cyan. "Stalker mo 'ata ang isang 'to, Xena. Ang dami mong litrato na kasama mo pa si Hersey. Anong gagawin mo sa mga litrato na 'to?" "W-wala po..." Dahan-dahan naman akong bumangon at umupo sa kalsada. "Parang iyon lang? Sana hindi ko na siya hinabol," baliwalang saad ko at narinig ko ang pag-ismid ni Cyan. "Illegal na gawain ito, Xena at ibebenta talaga nila ito. Sa presinto ka na magpaliwanag, t*rantado ka," ani Cyan at sinampal niya sa pisngi ang lalaki. Namigat ang talukap ng mga mata ko at tila aantukin na ako. Kinuha ko ang atensyon ni Cyan na mabilis namang lumapit sa akin. "Umuwi na tayo, Cyan," sabi ko at naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. Pinulupot ko kaagad ang braso ko sa leeg niya at sumandal sa dibdib niya. "Yeah, umuwi na tayo and I'm Kierson, baby. Not your Cyan," dinig kong bulong nito at bumilis ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD