Chapter 9: Home
NAPATINGIN ako sa direction ni Lay, nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya. Hindi si Lay ang bumuhat sa akin kundi ang asawa ko! Paano naman siya napunta rito?
Eh, sa pagkakaalala ko ay pumasok na siya sa unit niya, hindi niya ako pinapasok sa loob at pinagtabuyan pa niya ako. Paanong nangyari nandito na siya kaagad sa amin?
"L-Lay?" tawag ko kay Lay.
"Yes, hon?" malambing na sagot nito. Napakunot-noo ako.
"Who's Lay? Better f*cking leave my wife alone, whoever you are," Kierson said that with a cold tone. There's no emotion written on his face.
Lay is a playful one at alam kong pinaglalaruan na niya ngayon ang asawa ko. He loves playing around. Gustung-gusto niya 'yong may naiinis sa kanya.
"Hey, I can carry my girlfriend," ani Lay at lumapit sa akin na akmang aagawin ako mula kay Kierson pero sinamaan siya nito nang tingin at bahagya pa akong inlilayo rito.
Hindi ko namalayan na may mga pulis na pala sa kinaroroonan namin at patuloy pa rin sa pagpatak ang ulan. Hindi na naman ito kalakasan.
"Girlfriend? Sorry to hurt your buble, dude. She's my wife now and you better, back off," aniya at nagsimula na siyang maglakad.
Dala-dala pala niya ang kotse niya. Naka-park ito sa gilid at parang nagmamadali ito, naka-gewang kasi ang pag-park niya. Nilingon ko si Lay na kumindat lang sa akin. Inilingan niya ako at tumaas ang sulok ng labi niya.
"Don't look at him!" sigaw sa akin ng asawa ko and I rolled my eyes. Nakakagulat siya!
Nang ibaba niya ako sa passenger's seat ay may kalakasan ito at napangiwi ako. Napapikit-mata ako nang malakas na sinara niya ang pintuan sa tapat ko. Napa-cross arms na lamang ako at pinukulan ko ng masasamang tingin ang asawa ko. Padabog pa itong umupo sa driver's seat at nagtatagis ang bagang.
"I thought you are tired and ready to sleep," I said.
"At sino naman ang makakatulog kung makikita ko ang sunglasses na ito sa sahig at sa labas pa ng unit ko?!" pagalit na tanong niya sa akin at balewalang binato sa back seat ang baby ko!
"That's expensive, idi*t!" mura ko sa kanya.
"I don't fre*king care, I can buy you a new one or a whole store! Say it!" sigaw niya sa akin.
"You are just a doctor, you can't afford that. Nagta-trabaho ka nga sa hospital ng kaibigan mo at wala ka man lang sariling hospital. You want me to build your own hospital, darling? Say it," balik na wika ko sa kanya at nagusot ang matangos niyang ilong na ikinagisi ko.
"Kulang ka pa sa information about myself, baby. Dig more and more," aniya at ayaw rin magpatalo sa akin.
Sumuko ako dahil ayokong makipag-away sa kanya. Pagod na ako, gusto ko nang matulog.
"Zipper your mouth, darling. I am tired," I murmured and close my eyes.
"Wear your seatbelt," I heard him saying.
"I can't," I replied.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago ko naramdaman ang presensiya na lumalapit sa akin. Hanggang sa nanunot sa ilong ko ang pabango niya.
"I love your smells," I commented. Hindi ko alam kung narinig ba niya iyon kasi pahina nang pahina ang boses ko.
"And please don't ever do that, you scared the h*ll out of me," I didn't heard him what he have said dahil nadala na ako sa kaantukan ko.
"Good night, darling..."
***
I WOKE up one morning, I was in a dark room. When I said dark room ay hindi madilim, it means lahat ng mga gamit dito ay color dark. Mapa-wall at table and things.
Bumangon ako at sinuri ng mga mata ko ang hindi pamilyar na silid. Nagustuhan ko ang structure nito at kulay. Dark.
Napahawak ako sa tiyan ko nang kumalam ito bigla. I didn't eat my dinner last night kaya ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko.
Malaki ang master's bed, malambot. Tapos maski ang blanket at unan ay color dark din. I wonder kung ano pa ang kabuoan sa labas ng room na ito.
Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok saka ko tinungo ang pintuan para makalabas na.
Nasa loob ako ng isang mansion. Kanino kaya ito? Masasabi kong bago pa lamang ito. Naaamoy ko pa ang bagong pinta ng dingding.
Si Kierson ang kasama ko kagabi at ang huling natatandaan ko ay nakatulog na ako sa loob ng kotse ng asawa ko.
MALAKI ang mansion kaya natagalan pa ako sa paghahanap ng kitchen kung hindi ko lang sinundan ang amoy ng isang masarap na niluluto.
Hindi naman ako nabigo dahil nakapasok din ako sa loob ng kusina. Dahan-dahan ang mga hakbang ko na lumapit ako sa kitchen table. Nakatalikod mula sa akin si Kierson.
May niluluto siya ng kung ano man. He was half n***d na tanging apron lang ang suot niya at naka-dark pajama siya pababa. He loves pajama. Siya lang ang lalaking nakita kong nagsusuot ng pajama. Kasi 'di ba, karamihan sa mga lalaki ay naka-shorts lang or boxer.
Bumaba ang mata ko sa suot ko ngayon. Dark t-shirt and dark pajama. Halatang dark ang favorite color niya.
Tila may pumitik naman sa sentido ko. Sino ang nagpalit ng damit ko kagabi? Siya kaya? Uwah! Nakakahiya. May nakita ba siya?!
Tahimik na umupo ako sa highchair and I rested my both arms on the table. Ginawa kong unan ito habang tahimik na pinapanood ko lang siya. He didn't notice my presence.
Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko at parang kulang pa ako sa tulog. Kaya ang ginawa ko ay umidlip ako.
Hindi ko alam kung umabot ba ng ilang minuto pero narinig ko na lamang ang malutong na mura ni Kierson. Nagmulat ako ng mga mata. Inaantok pa ako. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
"Good morning," I greeted him with my bedroom's voice. Napahikab pa ako dahil talagang inaantok pa ako.
Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Naka-unan pa ako sa braso ko.
Napapikit ako nang lumapat ang mainit niyang palad sa noo ko at pababa sa leeg ko.
"Bumaba na ang lagnat mo. Kamusta ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong niya sa akin sa mahinang boses. Hindi siya 'yong Kierson na galit na galit na nagpapalayas sa akin sa condo niya, kagabi.
Siya 'yong Kierson na nakilala ko years ago, kahit napaka-playboy niya ay alam kong maalaga siya sa mga taong malapit sa kanya.
Na-miss ko ang ganitong side niya. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita.
"W-what do you mean?" tanong ko, maski ang magsalita ay parang tinatamad ako.
"May sinat ka kagabi at masakit ang ulo mo," sagot niya.
Hindi na ako nagulat sa sinagot niya. Hindi ako nakakaalala kung nagkakasakit ako at talagang mahina ang katawan ko sa ulan. Pinaka-ayaw ko rin sa lahat 'yong maraming tao sa paligid ko kahit na trabaho ko na marami akong makakasalamuhang tao. Ayaw ko rin nang hinahawakan ako, kahit sa dulo pa 'yan ng daliri ko. Pakiramdam ko kasi magkakasakit ako. Hindi ako maarte, ganoon lang ako.
"I'm hungry," parang batang sambit ko at hinimas-himas ko pa ang tiyan ko. Napatawa siya nang mahina na ikinagulat ko.
"Alright, wait a seconds," aniya saka tiningnan ang niluluto niya.
Naghahain na siya ng breakfast namin sa table at sinusundan ko lang siya nang tingin. Para siyang chef dahil ingat na ingat siya.
Marunong magluto ang asawa ko. Kabaliktaran ako, hindi ako marunong magluto. Maski siguro kanin ay hindi. Hindi ako perpektong asawa, dahil maski siguro ang paglilinis at paglalaba ay hindi ko kaya. Hindi ako nagmana kay mama at kahit nakailang beses na akong tinuruan ay hindi ako natuto kaya sumuko na rin naman ako. Wala akong future sa gawaing pambahay.
Napabuntong-hininga ako. Ang dami kong kulang. Nahihiya ako kay Kierson. Siya na lalaki ay marunong magluto. Ako? Hays.
Umayos ako nang upo at tiningnan ang pagkaing hinanda niya. Parang lunch lang ang niluto niya. May ginisang gulay kasi at beef tapa, fried rice na nilagyan niya ng egg. May sandwich din na egg din ang palaman saka orange juice, may milk din at kape. Ang dami niyang hinanda.
"Now, eat your breakfast," parang tatay na wika niya at kinuha ko na ang spoon ko.
Siya ang naglagay ng fried rice at ulam sa plato ko. Nilapit pa niya ang isang basong milk. Tuwang-tuwa ang puso ko dahil makakasabay ko sa breakfast ang asawa ko.
Parang naglaho kaagad ang sakit sa dibdib ko, 'yong mga sinabi niya sa akin month ago at kahapon ay wala na. Naglaho na!
"Thank you," nakangiting sabi ko at nagsimula akong kumain. Pero nakailang subo lang ako ng mag-ring ang phone niya.
"Okay, I'm going," dinig kong wika niya.
Napatingin ako sa plato niya ng hindi naman niya nagalaw man lang ang foods niya. Tumayo siya at napatingin ako sa kanya.
"I need to go, it's emergency. Eat your breakfast and please, take care of yourself. Sa ngayon, susundin ko na ang gusto mo. Uuwi ako sa 'yo, uuwi ako sa bahay natin. Huwag mo na akong hintayin, matulog ka nang maaga. You need to rest, huwag mong kalimutan ang gamot mo, okay?" pagpapaalala niya sa akin. Tumango lang ako bilang tugon.
Napayuko ako at narinig ko na ang footsteps niya palabas ng kitchen. Parang bumalik ulit ang sakit sa dibdib ko. Nabitawan ko ang spoon ko at inusog palayo sa akin ang plato ko saka ko sinubsob ang mukha ko sa table.
Nawala ang gutom ko, nawalan ako ng ganang kumain, nawala ang excitement ko. Nawala ang happiness ko kanina lang. Tila nagbalik lahat ang kirot sa puso ko. Bumigat ang dibdib ko dahil tila tinutusok ito ng kung anong bagay na matulis.
Sumama ulit ang pakiramdam ko at namalayan ko na lamang sa sarili ko na basang-basa na ang pisngi ko dahil sa mga luha ko.
Hindi ba puwedeng unahin niya ako?
Masama ang pakiramdam ko, masamang-masama. Kailangan kita, Kierson. Please bumalik ka. Bumalik ka sa akin.