Chapter 26: Prologue Part 2
"What was that all about?" I asked them, tila naging kulog ang boses ko dahil sabay pa silang nagulat nang marinig ako.
"B-Baby..." aniya nang makita ako.
Binagtas niya ang distansya namin at hinawakan ang magkabilang balikat ko pero nagpumiglas ako. Isang malakas na sampal ang pinakawala ko sa kanya at dinig na rinig ko ang tunog ng pagkakasampal ko sa pisngi niya at dahil maputi ang balat niya ay visible ang bakas ng palad ko. Pulang-pula ito.
Tagilid ang ulo niya dahil malakas talaga ang pagsampal ko. Ngunit hindi pa man siya nakaka-get over sa ginawa ko nang muling dumapo ang kaliwang palad ko.
Mag-asawang sampal ang ibinigay ko sa kanya. Nawala ang emosyon sa mukha niya pero nanatiling nakayuko at hindi makatingin sa akin.
"T-Tama na...huwag mo siya--"
"Shut up, b***h! You know nothing!" putol ko sa sasabihin ni Conrad at pinukulan ko siya ng masasamang tingin.
Pumuwesto siya sa likod ng asawa ko. May mga luha sa pisngi niya pero may nakakainis na ngisi ang nakaguhit sa labi niya.
"Eson..."
"X-Xena..."
"Alam mo ba ang ginagawa mo ngayon, Eson? P-Pinapamukha mo lang talaga sa akin na wala akong kuwenta sa 'yo!" usal ko. Punung-puno ng emosyon, sumisikip ang dibdib ko.
Hindi ko lubos na maisip na kaya pa niyang gawin 'yon sa akin. Hindi ko akalain na gagawin niya rin pala ang dating nakagawian niya.
"Wala kang pinagbago. Ikaw pa rin ang nakilala ko na Kierson na g*go, wom-nizer."
"Baby, hindi 'yon ganoon..." nahihirang sambit niya at humakbang palapit sa akin pero napahinto siya nang pinigilan siya ni Conrad sa braso.
"Eson..."
"Minsan naisip ko... Kung ano pa ang kulang sa akin, kung may mali ba ako? Kung nagkasala ba ako sa mga tao sa past life ko para ganituhin mo lang ako. A-Alam mo...n-nakakapagod ka rin palang m-mahalin, eh..." mahinang sambit ko at nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko.
"No...n-no... Don't say that baby ..." dinig kong sambit niya at ikinulong niya ako sa mga bisig niya.
"T-Tama na?" sa nanghihinang boses ko at nalambot ang tuhod ko.
Kung hindi lang siya nakayakap sa akin ay baka bubulagta na ako sa sahig. Ang impit na pag-iyak ako ay unti-unting lumalakas.
Naikuyom ko ang kamao na nasa laylayan ng suot niyang white polo. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
"Are you worth it, Kierson?" naiiyak na tanong ko sa kanya.
"Please... Xena, stay. Stay... don't ever think that I...cheat you--"
"But you did!" asik ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa dibdib niya at akmang itutulak ko sana siya nang humigpit lalo ang yakap niya sa akin.
"f**k, let me go! I hate you! I do f*****g hate you! I am done with you! A-Ayoko n-na..." He didn't let me go. Kaya ang paghampas ko sa dibdib niya ang tanging nagagawa ko at humagulhol na ang akala mo ay wala ng bukas.
"A-Ayoko na..."
"I'm so sorry, baby..." Why? Bakit siya nagso-sorry sa akin?
At bakit... umiiyak siya? Bakit umiiyak siya ngayon?
Naisubsob ko sa dibdib niya ang mukha ko at wala pa ring tigil sa kabubuhos ang masagana kong luha.
Alam niyo 'yong feelings? Na tila inapakan ng matigas na sapatos ang dibdib mo? Na tila may malaking truck ang bumunggo rito? Na tila libu-libong patalim ang bumaon sa puso mo?
Namamanhid...ang sikip-sikip. Sobrang sakit... P-para akong kakapusin ng hininga. Pinipiga ng isang malaking kamay.
Ang sakit...
"A-Alam mo ba nagsisisi ako? Nagsisisi ako na k-kumuha ng katulad ng babaeng 'yan para siya 'yong magdadala ng anak mo! A-Alam mo na g-gusto ko na h-huwag nang ituloy? A-Ang sakit-sakit. Ang sakit dahil s-sa halip n-na ako ...na ako ang magiging ina ng anak mo ay sa iba pa. But I can't blame you, d-dahil ideya ko 'yon. Pero hindi ko akalain n-na ganito pala kasakit, Eson," mahabang sambit ko na sinasabayan nang paghikbi. Tumataas-baba ang dibdib ko dahil sa pagsisikip nito.
"Don't get me wrong...mahal ko si Kienna. I treat her like my own daughter. I didn't regret na dumating sa buhay natin si Kienna. I love her. I l-love your daughter. But I am tired... Ubos n-na ako, eh. G-Gusto ko nang kumalas sa isang matinik na lubid na ikaw ang dahilan. Gusto ko nang nagpahinga..."
"No... Xena. We can still f-fix this. Please..."
"Let me go?"
"No..."
"Then choose... Choose me. I'll stay with you...kung kaya mong ipalaglag ang anak mo. I am still staying even though ubos na ubos na ako. Mananatili ako...I act na okay lang ako. Na hindi ako nasaktan sa revelation na 'to. If you choose me, I'll stay. Then if you won't. Choose them and I'll go."
Alam ko na masama. Makasalanan ang sinabi ko na ipapalaglag ang batang nasa sinapupunan ni Conrad. Pero desperada rin ako.
Gusto kong piliin niya ako. Tatanggapin ko pa rin siya kahit sobra-sobra na niya akong nasaktan.
"Please, Kier. H-Huwag mo namang patayin ang anak natin." I gritted my teeth nang marinig ko ang nagmamakaawang boses ni Conrad.
"Choose. Ako ba o ang mag-iina mo?"
"Xena..."
Umaasa ako. Umaasa ako na sana ako ang piliin niya. Na sana ako na lang. Pero mas matimbang ang anak niya, eh.
Hindi niya ako mahal...
Nang binitawan niya ako, dumistansya siya palayo sa akin at doble-doble ang sakit na nararamdaman ko at this moment.
He choose the better... To let me go and be with his children and the other girl.
I am nothing.
"Sinungaling ka..." umaagos ang mga luhang sambit ko.
"Hindi mo ako mahal at hinding-hindi mo mamahalin..."
"I'm sorry..."
Mas masakit ang marinig sa kanya na hindi niya ako mahal. Pero wala na palang mas isasakit kung ang "I'm sorry" na ang maririnig ko. Kasi alam kong talo na ako.
Talo na ako sa labanan ayon sa sinabi ni Conrad.
At siya ang nagwagi ...
That Arizona sky burning in your eyes
You look at me and, babe, I wanna catch on fire
It's buried in my soul like California gold
You found the light in me that I couldn't find
So when I'm all choked up
But I can't find the words
Every time we say goodbye
Baby, it hurts
When the sun goes down
And the band won't play
I'll always remember us this way
Kung puwede lang maging manhid o kung puwede lang na bumili ng gamot na 'yong hindi ka makakaramdam ng sakit sa puso kapag nasaktan ka na.
Sana may gamot sa puso, 'no? Sana kaya nitong gawing manhid ang mga puso natin.
Kahit milyon pa ang halaga ay bibili ako. Kahit pati kayamanan ko ay maubos para lang sa gamot na 'yon.
S-Sana may mag-imbento ng gamot para sa puso kahit limitado pa 'yan ay ako ang unang tao na magpapalista para sa gamot.
Kasi... Hindi ko k-kaya nag sakit, eh. Sobrang sakit na halos takasan ako ng kaluluwa. Sobrang sakit na halos pipiliin ko ang mawala sa mundo.
"That's what your final decision? B-Bigyan p-pa kita ng o-oras upang m-makapag-isip. B-Babawiin mo ang d-desisyon mo," naiiyak na wika ko pa rin. Ang mga luha ko ay hindi man lang huminto sa pagbagsak nito sa aking pisngi.
Lovers in the night
Poets tryna write
We don't know how to rhyme
But damn we try
But all I really know
You're where I wanna go
The part of me that's you will never die
Taas-baba ang dibdib ko, habol ang sariling hininga. Ang desisyon niya ay kaya niya akong saktan. Dahil alam ko n-na sa oras na hindi niya babawiin ang sinabi niya o pinili niya...ay a-alam ko na ro'n na matatapos ang lahat s-sa amin.
"B-Bawiin m-mo n-na pakiusap. M-May o-oras k-ka p-pa... B-Bawiin m-mo na at ako...ako na lang ang piliin mo. Ako naman, please. P-Puwede bang ako n-na lamang? A-Ako na l-lang?"
So when I'm all choked up
But I can't find the words
Every time we say goodbye
Baby, it hurts
When the sun goes down
And the band won't play
I'll always remember us this way
Oh, yeah
Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao niya habang nakayuko at alam ko na nakapikit ang mga mata niya.
Bakit ganoon? Iba ang sinasabi ng mga mata niya. R-Ramdam ko na hindi niya ako kayang i-let go. Ramdam ko na hindi niya gustong umalis ako.
R-Ramdam ko na...
"Just leave... and don't came back."