Chapter 25: Prologue Part 1
"Baby!" Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng asawa ko out of nowhere.
Nakauwi na ako sa mansion at mula pa kanina ay hindi ako lumabas mula sa loob ng silid namin. Malalim pa ang iniisip ko na ang hirap ding makaahon.
Bumukas ang pinto at ang humahangos na si Eson ang bumungad sa akin.
May kaba, takot at lungkot ang mga mata niya pero nang makita ako ay naglaho ang tatlong emosyon na 'yon. Bigla ay umaliwalas ang mukha niya. Relief?
Napaayos ako sa pagkakaupo ko sa kama namin at ang mahigpit na yakap kaagad ang naramdaman ko.
"What's wrong?" naguguluhang tanong ko. Curious ako kung bakit ganito ang reaction niya. Tapos umiba nang makita ako.
"Xena..." he uttered my name. Mahinang-mahina ang boses niya. Niyakap ko na lamang siya pabalik at bumuntong-hininga.
"What's the matter, Eson? Bakit mukhang takot na takot ka?" I asked him habang hinahagod ko ang likod niya.
Nakabaon sa leeg ko ang mukha niya at nararamdaman ko ang malalim na paghinga niya ro'n. Para siyang bata na takot mawalay sa mommy niya.
"I thought...I... Why did you leave the hospital, baby? I was worried sick nang madatnan ko ang kuwarto mo na wala ka na ro'n. A-Ang akala ko umalis ka na... Please don't ever do that, Xena," sa nanghihinang boses na sambit niya.
"Ano ba ako para sa 'yo, Eson?" I asked him, that made him surprised, I guessed. Dahil naramdaman ko na natigilan siya.
"You knew ever since na ikaw ang mahal ko, right? Na nag-agree ako sa kasal kahit civil wedding lang. No rings, no vow and a real wedding in church. What am I to you, Eson?" tanong ko sa seryosong boses.
"This time, ano ako para sa 'yo?"
Bumaba sa kama ang magkabilang kamay ko na kasabay na kumalas siya sa pagkakayakap naming dalawa.
Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ko na naghihintay ng kasagutan from him.
"Ako pa rin ba ang babaeng ayaw mong maging ina ng mga anak mo?" dagdag na tanong ko sa kanya dahilan nang pagyuko niya at tumaas baba ang dibdib niya.
"Until now...wala ka pa rin bang nararamdaman sa akin? O na kay Conrad na? Na si Conrad na ang mah--" hindi ko natapos ang pangungusap ko nang haklitin ng kanang kamay niya ang braso ko at hinawakan ang batok ko.
Hinalikan niya ako ng mariin sa labi... Napaungol ako sa ginawa niya bago pa ako makatugon sa halik niya ay kaagad na pinutol na niya 'yon.
Pinagdikit niya ang noo namin at magkadikit din ang tungki ng mga ilong namin.
"You are special, baby. I like you, I like you... I really do. Just wait for the right time. I know deep in my heart... N-Nakapasok ka na, Xena. Nandito ka na... Please sa ngayon iyon lang ang kaya kong sabihin sa 'yo." That's it. Naging marupok na ako. Narinig ko lang ang paliwanag niya na sapat na sa katanungan ko ay bumigay na kaagad ako.
Wala namang mawawala kung maghintay pa ako ng ilang panahon, hindi ba? Baka sa susunod na tanong ko ay makuha ko na ang 'saktong kasagutan sa katanungan ko na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isip ko. Na may pagdududa pa rin sa puso ko.
Pero tama pa ba ang ginawa ko? Maghihintay pa ba ako?
For now, knowing that he like me was enough...
Iyon lang ang panghahawakan ko.
Pero hindi ko rin alam kung hanggang kailan.
Weeks later...
Hindi na ako nakakaramdam ng sakit at selos kahit papaano. Dahil iniiwasan ni Eson si Conrad. Alam niya na masasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang nag-uusap at napapalapit ang loob nila.
Sana...totoo na. Sana ito na nga ang unang kabanata ng buhay ko na magiging masaya na ako. Masaya na kasama ang asawa ko.
"Mahal kita, Eson."
"Alam ko," 'yan ang palaging sinasagot niya. Nakaka-dissapoint, alam ko.
May kirot pa rin sa puso ko.
***
Napataas ang kilay ko nang bigla akong hinarangan ni Conrad.
"What do you want?" malamig na tanong ko sa kanya.
"Tapos na ang pagtitimpi ko sa 'yo, Xena. Hindi ko na gusto ang pinaggagawa mo. Inilalayo mo lang sa akin si Kierson!" asik niya sa akin at sinabayan pa nang pagtulak sa balikat ko.
Nawala ang expression sa mukha ko. Kumulo bigla ang dugo ko sa sinabi niya.
"What the f*ck, Conrad? Kung makaakto ka ay ikaw ang asawa niya? Alam mong katulong ka lang dito!" sabi ko. Kalmado lang ang boses ko pero parang hinukay pa sa libingan dahil sa lamig ng tono ko.
"I hate you."
"The feeling is mutual," walang emosyon na sabi ko naman.
"Panoorin mo. Panoorin mo ang gagawin ko, Xena at alam ko na...this time. Ikaw naman ang matatalo."
"There's no war, may competition ba Conrad, para matalo ako? You're just a f*cking desperate para makuha lang ang asawa ko. A f*cking sl-t," I told her at mas lalo lang siyang nagalit sa sinabi ko.
"Pathetic desperate woman," I commented.
"Kierson, makukuha ko rin siya at ako ang pipiliin niya." Ang huling warning niya sa akin.
At magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin ang totoo na natakot nga ako. Kinabahan at natakot ako sa huling katagang binigkas niya.
Na tila mangyayari nga iyon at may bagay na pinanghahawakan siya. Para akong tinakasan ng kaluluwa at nanginig ang buong sistema ko.
It's just a words, Xena. Walang meaning iyon. H-Hindi niya kayang gawin dahil ikaw na...alam ko na ako na ang mahal niya hindi niya lang masabi-sabi.
Kinalma ko ang sarili ko at tinungo ang kitchen. Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso at inubos ang laman nito.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa pants ko at medyo nagulat pa ako.
I took a deep breath bago tiningnan ang mensahi na na-received ko from my husband.
"Let's have a dinner somewhere, and I'll pick you up. 8 sharp. See you, tonight baby."
Nag-ayos ako buong hapon at nagpapasalamat ako na hindi ko nakita ang pagmumukha ng babaeng iyon.
Dapat lang kasi ayokong makita ang pangit niyang face. Yikes.
"What's that smell?" nakakunot-noong tanong ko sa isang kasambahay namin. May niluluto kasi siya something I don't know.
Lumapit ako nang bahagya sa kanya. May ginigisa siya at malansa ang amoy ng niluluto niya.
Napatakip ako sa ilong ng wala sa oras.
"Itapon mo 'yan!" sigaw ko. I didn't mean to shout the maid but I can't help dahil naiinis ako sa mabahong amoy nang niluluto niya.
"M-Ma'am," nauutal na wika nito. Nag-aalangan.
"Throw it," may pagbabantang sabi ko.
"Ma'am k-kasi. P-Para po ito kay ma'am Maria."
"As if I care? Ano bang klaseng pagkain 'yan at ang pangit ng amoy?" naiirita pa ring tanong ko.
Naramdaman ko na parang hinahalukay ang tiyan ko at tila nasusuka ako.
"Ma'am n-niluluto rin po ito ni sir Kierson para k--"
Nagmamadaling pumunta ako sa banyo na malapit lang sa kitchen at doon napasuka ako.
Sumama ang pakiramdam ko. Naamoy ko lang ang malansang amoy na 'yon.
"Inaantok ako."
Nagmamadaling umakyat ako sa kuwarto. Nagsipilyo at nanghilamos bago ako humiga sa kama.
For some reason ay tinamad ako.
NAGISING ako na madilim ang kuwarto. Mabigat ang talukap ng mga mata ko habang bumabangon ako.
Nakatulog ako?
I stepped out from my room and went down.
"Kierson..." Napahinto ako sa paglalakad ko when I heard Maria's voice.
Nasa loob sila ng guest room na tinutuluyan ni Conrad. Nakauwi na pala ang asawa ko? At ano naman ang ginagawa niya sa kuwarto ng pang-t na sl-t na 'to?
"Hmm? What is it, Maria?" I heard my husband asked her.
I closed my eyes as I gritted my teeth with so much irritation. I took a deep breath and I tried to calm myself. Bakit ganoon siya makipag-usap sa bruha?! Sobrang lambing naman 'ata?!
"G-Gusto ko...gusto kong m-masubaybayan ang paglaki ng anak natin," she said sofly, she made sure that, there's a sadness on her voice.
I raised my eyebrow and shook my head, repeatedly. Ano'ng gusto niyang palabasin? At bakit bigla ay nasabi niya iyon? Gusto niyang magpaawa sa asawa ko? Ganoon?
"Maria."
"Please...Eson, gusto kong m-makasama pa nang mas matagal ang anak ko...please..." Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa labis na galit sa aking kalooban.
"Maria..." And why the h*ll his voice is so fre*king soft?! With feelings?! D*mn you!
And how dare him called my husband 'Eson'? That's my only nickname for him! Ang dami na niyang inaangkin!
Hindi porque siya ang ina ng panganay na anak ng asawa ko ay may karapatan na siya!
I am still a legal! I am his wife. I calmed myself again as I breathed hard. F*cking sh*t!
"B-but..."
"Ayaw mo? Ayaw mong lumaki ang anak mo sa totoo niyang ina?! Kierson...please..."
I'm her biological mother, b*tch! Or kung ikaw man ay legal na adaptive ko ang bata!
"Magagalit ang anak mo, kapag nalaman niya na hindi pala niya tunay na ina si Xena! K-kierson...please. Nakikiusap ako...gusto kong lumaki ang anak ko sa piling ko...pakiusap..." she pleaded and I know, she's crying now.
Dinig na rinig ko ang mga hikbi niya. Well, b*tch pinag-usapan na namin ito ng asawa ko. Kaya wala ka nang magagawa pa. Just accept the fact na mawawala ka na rin sa landas namin, soon.
"W-what do you want, Maria, hmm?" No! Don't listen to her, Kierson! F*ck, what was that?!
"Makipaghiwalay ka na sa asawa mo. Divorce her and marry me, m-marry me, Kierson at mabibigyan natin ng masaya at kompletong buhay ang mga anak natin..." Desperada! She have that f*cking guts to say those f*cking words?! Oh, sl-t Conrad, go to h-ll, b*tch!
"M-Maria..."
"Please! Divorce her or else! Ipapalaglag ko ang anak mo!" she said.
At parang may bomba ang sumabog sa ulo ko by hearing those words. W-what? Until now? M-may ginagawa pa rin sila habang nakatalikod ako? I thought... nagbago na siya?
I felt the pain inside my chest...
Napahawak ako roon at may umalpas na luha sa aking pisngi. Kierson...paano mo ito nagawa sa akin?
Akala ko ba mahal mo na ako? A-akala ko ba tanggap mo na... Akala ko ba hindi m-mo na 'yon magagawa sa akin?
"Yes...yes, I'll divorce her. J-just stop crying. M-makakasama 'yan sa anak natin."
That's it. I lose, I lose him.