Chapter 24: The Past
"How did you know that? That was supposed to be a secret, and it's been years since that tragic happens in my life," I said, hindi ko ipinakita sa kanya na nagulat ako na nalaman niya ang pangyayaring iyon years ago.
And he's right. I was pregnant at that time pero dahil sa stress ko sa school at maging sa personal life ko ay hindi ko naalagaan ang sarili ko. But I didn't know na buntis na pala ako noon.
That's the reason why I left Philippines and I lost communication with him. Ako at ang papa ko lang ang nakakaalam ng sekreto ko.
"Uhm..."
I glared at Lay nang bigla ay tumayo siya at tipid na ngumiti. "Lay?" Tinaasan ko ng kilay si Lay at nahihiyang napakamot pa ito sa batok niya. Alam ko na siya ang nagsabi kay Dr. Reign. Private investigator siya rito sa bansa at alam ko na may kinalaman siya sa rito.
"I'm so sorry, Xena. Nag-investigate lang ako sa past mo para masagot ko nang maayos itong kaibigan ko. This is for your own good naman, Xena," pag-amin niya at bumuntong-hininga.
"Don't get mad, kakaiba ka pa naman," he added.
Binalingan ko nang tingin si Dr. Reign. May ngiti pa rin sa mga labi niya. He's handsome at puwede na siyang ipambato kina Kierson at sa mga kaibigan nito.
"Hindi ba dapat nasa Tagaytay ka sa mga oras na ito?" tanong ko.
"May shoot siya kasama ang Bandang Rosas, partner niya ang ex niya--"
"Shut the f*ck up, Del Rosa," kalmado pero malamig ang boses na saad niya.
Nagulat ako dahil nagmumura rin pala ang doktor na ito kasi mukha siyang goodboy at parang hindi alam ang magmura.
"Still bitter, brother? I thought naka-move on ka na?" nakangising tanong ni Lay sa kanya.
"Rose Angel Plana, that's name ring a bell, Xena?" untag na tanong sa akin ni Lay at kinunutan ko lang siya ng noo.
"Who was that?" nagtatakang tanong ko. What's with this guy ba?
"The vocalist of Bandang Rosas, known as Rose Angel, hindi mo siya kilala? Reign--oh! Alright! Tatahimik na!" biglang pagsuko ni Lay nang makita ang madilim na aura ni Dr. Reign.
Hindi ko talaga akalain na magkakilala pala silang dalawa. Ang liit nga naman ng mundo.
"Can't move on, Dr. Reign?" ako naman ang nagtanong sa kanya. Natigilan siya at huminga nang malalim.
"I do--I mean, naka-move on na ako. Sino ba ang hindi kung iniwanan ka na? Do I need to chase her? Beg for her to return? And what? Magiging desperado ka sa isang taong minahal mo na nanakit lamang sa 'yo? Maghihintay ka pa ba na maubos na pati ang itinira mong pagmamahal sa sarili mo ay mawawala na rin? Can we just move on and forget that things, the someone na walang ginawa kundi ang saktan tayo ng paulit-ulit? She doesn't deserve my love, you didn't deserve him, too," emotional na sabi niya at natamaan ako. Tagos sa puso ko hanggang sa kaluluwa ko ang mga katagang iyon.
Lumapit sa kanya si Lay at hinagod ang likod nito. "Chill, brother. Ang dami mo na kaagad na sinasabi," anito at inilingan ang kaibigan.
May punto siya pero ang hirap gawin.
To let go? Nah.
"What are you doing here, Dr. Reign?" My husband just arrived at ang kaibigan kaagad ang napansin niya.
Napangiti ako nang makita ang dala-dala niyang foods na niluto niya para sa akin. Umuwi pa siya sa mansion namin para lang ipagluto ako. Dahil ayoko nga ng pagkain sa hospital.
Parang may humaplos sa puso ko at nawala na ulit sa akin ang sakit na nakuha ko lang sa nakaraan.
Ang mawalan ng anak na ipinagbubuntis ko pa lamang ng four weeks. Na hindi ko pala alam na buntis na ako. Dahil sa kapabayaan ay bigla na nawalan ako ng batang dinadala.
I was depressed at hindi na ako makapag-isip ng maayos. Iyak lang ako nang iyak noon.
Brokenhearted na nga ako dahil sa first love ko at nawalan pa ako ng anak. Kung hindi ko lang kasama ang papa ko noon ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
Sa Mental Constitution marahil? Hindi malabo na ro'n ako dadalhin ni papa kapag nagkataon na nabaliw ako. Natigilan ako nang maramdaman ko ang mainit na kamay na dumampi sa pisngi ko.
"Why are you crying, baby? You okay?" tanong niya sa akin. May pag-aalala sa tono ng boses niya.
Darating pa kaya ang panahon na magagawa pa rin akong saktan ng asawa ko? Maraming beses na niya akong nasaktan, sa nakaraan man at sa kasalukuyan. At natatakot ako na masasaktan din ako in the near future. May pakiramdam ako na May mangyayari pang hindi maganda. Na may pagkakataon pa na maulit ang pag-iyak ko ng palihim.
"I'm fine," nakangiting sagot ko.
"Mauna na kami, Xena," pagpapaalam sa akin ni Lay.
"Good to see you, again, Mr. Mojeh," saad naman ni Dr. Reign bago sila lumabas sa loob ng hospital room ko.
Umupo sa tabi ko ang asawa ko at salubong pa rin ang kilay niya.
"Bakit nandito ang doctor na 'yon?" tanong niya sa akin at nasa tono nito ang hindi nagustuhan ang ideyang pumunta rito si Dr. Reign.
"He's a friend of Lay, Eson," sagot ko at inabala ko na ang pagkain na dala niya.
"Eat well, baby. Maiwan na muna kita. May meeting pa ang Team Art, babalik ako after the meeting, okay?" he said it.
Tumango ako bilang tugon at kinintalan na muna ako ng halik sa noo bago siya lumabas.
Napatingin ako sa papel na pinunit ko ng walang babala. Aaminin ko na curious ako sa resulta ng DNA test namin ni Kianna. Pero naunahan ako ng pangamba. Naunahan ako ng takot.
Puwede kaya? Puwede kaya na walang nangyari kina Eson at Conrad? Na sa akin din nanggaling ang sinasabi ng doctor na 'yon?
Pero ayokong umasa kasi natatandaan ko pa bago papasok sa loob ng kuwarto namin ang asawa ko ay pawis na pawis pa siya.
Gusto ko man na maligo na muna siya at huwag na muna akong galawin dahil katatapos niya lamang kay...
Mariin na napapikit-mata ako nang maalala ko na naman iyon. Hanggang ngayon ay masakit pa pala talaga kahit alam kong matagal na iyon.
Pero hindi ko maiwasan, eh. Maaalala ko pa rin lalo na kung makikita ko si Kienna.
Ang bata na patunay na may nangyari sa kanilang dalawa.
Hindi ko na namalayan ang oras. 2 pm na pala at dalawang oras na rin na hindi bumalik ang asawa ko kaya naisip ko na lumabas na muna.
Napatingin ako sa pintuan na nasa katabi lang ng room ko. Ayos na kaya ang anak namin? Natakot talaga ako sa nangyari sa kanya. Mabuti na lamang talaga ay ka-blood type ko siya.
Pinihit ko pabukas ang pintuan pero natigilan din ako nang marinig ko ang tawanan sa loob.
Ang masayang pag-uusap nila. Nabitawan ko ang doorknob at hayon na naman ang pakiramdam na tila dinudurog ang puso ko ng pino-pino.
"May gusto ka bang bilhin, baby? Makakalabas ka na bukas," masayang sabi ng asawa ko. Alam ko na ang anak niya ang kinakausap niya.
Bahagyang nakaawang ang pinto at nakikita ko sila. Nakikita ko ang tunay na magpamilya...kung wala lang talaga ako...
Nakaupo silang dalawa sa hospital bed ng bata at nasa gitna nila ito. Ang lapad-lapad ng ngiti ni Conrad habang pinapanood niya ang mag-ama niya.
Larawan sila ng masayang pamilya.
May umagos na luha sa pisngi ko. Pakiramdam ko talaga ay ako ang kontrabida na pinagkakaitan ko ang masayang pamilya, ang tunay na ina ng batang inangkin ko.
A-Ang totoong pamilya na kahit ako ang legal na asawa ni Kierson. K-kung wala lang ako ay alam ko na...mabibigyan nga nila ng masaya at buo na pamilya si Kienna.
Sila...sila dapat.
"Maria, be careful. Saan ka ba pupunta?" dinig kong tanong ng asawa ko kay Conrad.
"Nagutom ako bigla, eh. Kukuha lang ako ng pagkain," sagot naman nito sa mahinhin na boses.
"Oh, ako na lang ang kukuha. Diyan ka na lang," ani ng asawa ko.
P-parang...parang masyadong mahalaga sa kanya ang babaeng iyon. Iniingatan niya. Ginagawa niya ang dapat lang na para sa asawa niya.
Dapat ba ako mangamba? Dahil unti-unti niyang nakukuha ang loob ng asawa ko. Parang any moment ay ako na ang bibitawan niya.
Pero totoo ba na gusto akong i-keep ng asawa ko habang-buhay? Pero bakit pakiramdam ko ay hindi na 'yon mangyayari pa?
"Here. Kung may gusto ka pang kainin ay sabihin mo lang sa akin, Maria."
"Sige, salamat Kierson. Pero mas gusto ko pa rin ang mga luto mo."
Ganoon na ba sila kalapit sa isa't-isa at nakakapag-usap na sila ng ganoon? Na tila ba na sila talaga ang totoong mag-asawa?
"Anything for you, Maria."
Mapait na ngumiti ako bago ko nilisan ang lugar na iyon. Ang sakit, hindi ko na kayang marinig pa ang pinag-uusapan nila.
Mas lalo ko lang nararamdaman na hindi ako kailangan ng asawa ko dahil nandiyan ang mag-ina niya.
Nandiyan ang mag-ina niya na kaya siyang pasayahin kahit wala ako.
Ang sakit pala harapin ang realidad na punong-puno ng sakit at pighati.
Hanggang kailan ako magkakaganito? Hanggang kailan ko pa mararanasan ang ganitong kasakit na halos ikamatay ko?