Chapter 39: Car accident KIERSON MOJEH's POV WHAT I did was wrong. Na paulit-ulit siyang pagtabuyan sa buhay ko. Na paulit-ulit siyang saktan. Sabihan ng masasakit na salita kahit alam kong nakalimot na siya. Hindi lang ito para sa akin. Ang kaligtasan niya ang inaalala ko, ang kapakanan niya mismo. Mas gugustuhin ko pa na ako ang masaktan kaysa ang babaeng mahal ko. Alam kong mamamatay ako na nililigtas siya. "Xena?" I uttered her name nang makita ko siya na papalapit sa akin at hindi ko napaghandaan ang pagsalubong niya sa akin. "F-ck!" I cursed, nang malakas na sinuntok niya ako sa panga. Halos mawalan ako ng malay sa sakit no'n. Hindi pa man ako nakaka-recover sa pagsuntok niya sa akin nang sa sikmura ko na namang tumama ang kamao niya. Ganito pala talaga siya kalakas manuntok!

